SIMULA sa 8 Agosto, maaari na muling magsagawa ng mga off-campus field trip ang mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad para sa kanilang mga estudyante. Ito’y makaraan alisin ng Commission on Higher Education (CHEd) ang ban sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas ng campus, kasama na rito ang mga field trip. Kasunod din ito ng paglalabas nang mas …
Read More »Masonry Layout
P20-B sa free tuition sa 2018
KAILANGAN ng gobyerno ang halagang P20 bilyon upang maipatupad ang libreng tuition sa susunod na taon para sa isang milyong estudyante sa state-run higher education institutions, ayon sa Commission on Higher Education (CHEd) kahapon. Sinabi ni CHEd Commissioner Prospero De Vera, tinatayang P16.8 bilyon ng pondo ay ilalaan sa 112 state universities and colleges (SUCs) at 16 local universities and …
Read More »Pagbuwag sa Customs ayaw ni Drilon
MATINDI ang pagtutol ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon sa ideyang buwagin ang Bureau of Customs (BoC), sa harap ng mga kontrobersiyang bumabalot sa naturang tanggapan. Ayon kay Gordon, ito ay parte ng gobyerno at isa ito sa mga pinagkukuhaan ng pondo ng pamahalaan. Giit ni Gordon, palitan na lang ang mga opisyal ng BoC, lalo na …
Read More »Guro nanghipo deretso sa hoyo
KALABOSO ang guro ng isang unibersidad sa Cebu City nitong Miyerkoles, makaraan manghipo ng kanyang estudyante. Nagreklamo sa Women’s Desk sa Station 2 ng Cebu City Police Office ang biktima nitong Martes, makaraan siyang yakapin at hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang guro. Ayon kay Chief Insp. Maria Teresa Macatangay, hinuli ang guro sa pamamagitan ng Citizens’ Arrest …
Read More »Ayon kay Lorenzana: Martial law scenario sa PH ikinakasa ng CPP-NPA
IKINOKONDISYON ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang isipan ng publiko sa mga ilulunsad nilang mga ‘aktibidad’ bilang ganti sa pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyong pangkapayapaan sa kanilang hanay. Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakababahala ang isiniwalat ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison, na may sabwatan ang Central Intelligence Agency (CIA) at Armed …
Read More »Bautista kinasuhan si misis ng robbery, extortion, coercion
NAGSAMPA ng kasong kriminal si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa Taguig City Prosecutor’s Office laban sa kanyang misis na si Patricia, na nagsiwalat sa sinasabing P1 bilyon tagong-yaman ng nabanggit na opisyal. Kinompirma ni Bautista ang paghahain niya ng kasong qualified theft, extortion, robbery at grave coercion sa Taguig City Prosecutor’s Office, laban sa misis niyang si …
Read More »P2-M kada police hitman ng Parojinogs (Dead or alive may pabuya si Digong)
DALAWANG milyong pisong pabuya ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino mang makapagtuturo sa bawat pulis na sangkot sa Ozamis mass killings na kagagawan ng pamilya Parojinog. “P2 million per head, dead or alive. Better dead because I have to pay for the funeral parlor expense,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 116th Police Service Anniversary sa …
Read More »Convicted drug lords itutumba (Drug trade ‘pag tuloy sa Bilibid) — Duterte
WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung maulit ang insidente ng pagpaslang ng mga pulis kay Albuera City Mayor Rolando Espinosa sa loob ng bilangguan. Ayon kay Pangulong Rodrigo, ipinagpapatuloy ng mga sentensiyadong kriminal ang drug trade kahit nasa Bilibid kaya ang utos niya sa mga pulis, barilin sila kapag nagpakita ng kahit katiting na paglaban kapag sinita nila. “It’s …
Read More »Maynila-Rizal niyanig ng 3.9 lindol
YUMANIG ang magnitude 3.9 quake malapit sa Pililla, Rizal dakong 12:31 am nitong Martes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Ang pagyanig na “tectonic in origin” ay naganap sa lalim na 9 kilometro. Iwinasto ng Phivolcs ang unang bulletin na ang lindol ay naganap malapit sa Mabitac, Laguna. Ibinaba rin ito sa magnitude to …
Read More »EX-SAF namaril ng bagets, dalagita tinamaan
ARESTADO ang isang dating miyembro ng Special Action Force (SAF) makaraan akusahan ng pamamaril sa grupo ng mga menor-de-edad na ikinasugat ng isang 14-anyos dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Lasing pa ang suspek na kinilalang si David Bolor, Jr., 34-anyos, taga-147 Gov. Pascual St., Brgy. Sipac, Navotas City, nang arestohin ng mga operatiba ng Malabon Police Community Precinct …
Read More »Tulak tigbak sa buy-bust 3 pa tiklo
SAN LUIS, Pampanga – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng San Luis Police Anti-Drugs Special Operation Task Group sa buy-bust operation sa bayan ng San Luis. Nabatid sa ulat ni Chief Insp. Jose Charlmar Gundaya, hepe ng San Luis Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Joel R. Consulta, acting Pampanga Provincial Police director, hindi …
Read More »5 katao tiklo sa P1-M shabu sa 2 drug den (Sa Quezon City)
LIMA katao, kabilang ang isang menor-de-edad, ang inaresto sa anti-drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) makaraan makompiska ang tinatayang P1 milyon halaga ng shabu sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng hapon. Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD director, ang mga nadakip na sina Alona Borja, …
Read More »Matambok na puwet ng kapitbahay dinakma ng mangingisda
SWAK sa kulungan ang 44-anyos mangingisda makaraan pasukin sa bahay ang isang ginang at dinakma ang puwet sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat, matagal nang pinagpapantasyahan ng suspek na si Ramon Ronquillo, residente sa S. Roldan St., Brgy. Tangos, ang matambok na puwet ng 28-anyos ginang na si Shaina. Kaya nang matiyak na wala sa bahay ang …
Read More »Marcos sa Libingan ng mga Bayani pinagtibay ng SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang desisyon na pahintulutan ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, isang buwan bago ang ika-100 kaarawan ng dating lider. Sa botong 10-5, ibinasura ng SC ang magkakahiwalay na apela na baliktarin ang November 8 ruling na nagpahintulot para ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. Ibinasura …
Read More »Joint strike ng PH-US vs ISIS nega sa Duterte Tillerson meet
HINDI pinag-usapan ang paglulunsad ng joint US-PH air strike sa Marawi City nang magharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of State Rex Tillerson sa Palasyo, kamakalawa ng gabi. Kinompirma nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., hindi tinalakay sa pulong nina Duterte at Tillerson ang napaulat na humirit ang Pangulo ng ayudang air …
Read More »Digong sa ASEAN: Kaunlaran, kapayapaan responsibilidad ng kasaping bansa
RESPONSIBILIDAD ng bawat bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pairalin ang ganap na seguridad, katatagan at pinagsamang kaunlaran sa rehiyon. Binigyan-diin ito ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang talumpati sa 50th anniversary ng ASEAN sa PICC kahapon. “We want a region that is secure — where our people can live without fear from the lawless …
Read More »4 patay, 8 arestado sa Quiapo drug ops
BUMULAGTANG walang buhay ang apat hinihinalang tulak ng ilegal na droga habang walo pang mga suspek ang arestado sa anti-drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay MPD Station 3 commander, Supt. Arnold Tom Ibay, ikinasa nang pinagsanib na puwersa ng kanyang mga tauhan na sina Barbosa PCP C/Insp. Alden …
Read More »Kill Duterte & Joma plot tinawanan ni Lorenzana
PINAGTAWANAN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na balak itumba ng sabwatang Central Intelligence Agency (CIA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison. “What? A plot to eliminate them? Laughable!” reaksiyon ni Lorenzana sa umano’y …
Read More »11-anyos special child nalunod sa estero
NALUNOD ang isang 11-anyos batang lalaki na sinasabing ‘special child’ nang mahulog sa isang estero habang nilalaro ang mga alagang manok ng kanilang kapitbahay sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Wala nang buhay nang maiahon ang biktimang si Rvin Dequiro, residente sa 1268 Interior 5, Burgos Street, Paco. Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide section, naganap …
Read More »Ayon kay Diokno: Tuition free SUCs ‘di limitado sa mahihirap
ANG libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs) ay hindi magiging limitado sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante, taliwas sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nitong Lunes. “Wala sa batas ‘yun. Hindi nakalagay sa batas ‘yun. You have to qualify first. You have to pass an exam before your could qualify for …
Read More »Rufino-Prieto mabubulok sa kulungan — Digong
MABUBULOK sa kulungan ang pamilya Rufino-Prieto sa kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanila ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kagabi, no bail ang kasong economic sabotage na isasampa ng gobyero sa pamilya Rufino-Prieto sa pagtangging ibalik sa pamahalaan ang Mile Long property sa Makati City na ipinaupa lang sa kanila. Nauna nang inihayag ng Pangulo …
Read More »AFP kontra kaaway ng estado: Isang text lang kayo
ONE text away na lang ang pagbibigay ng impormasyon ng publiko sa militar kapag nakakita ng armadong grupo sa kanilang pamayanan. Sa Mindanao Hour press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni AFP Spokesman B/ Gen. Restituto Padilla, mas mainam na mabantayan ang bawat sulok ng bansa, magtulungan ang bawat Filipino upang mapangalagaan ang “peace and order situation.” Napakaliit aniya ang …
Read More »STL suportahan hikayat ng PCSO sa mayors, govs (Para sa health services and programs)
KASUNOD ng suportang inihayag ng Kongreso, muling hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, ang local government units (LGUs) na ibigay ang kanilang buong suporta sa state-sanctioned Small Town Lottery (STL) at tulungan ang gobyerno sa kampanya laban sa illegal gambling. Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, ang nasabing suporta mula sa mayors at governors ay mahalaga …
Read More »Grace Poe adik sa yosi
MALAKAS manigarilyo si Sen. Grace Poe, ayon kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Aniya sa press conference kagabi sa Palasyo, lingid sa kaalaman ng publiko, malakas manigarilyo ang anak ni Fernado Poe, Jr. Kinantiyawan ng Pangulo si Poe na mahilig sa motherhood statement nang batikusin ang kanyang pagmumura. Ipinagmalaki ng Pangulo na mas grabe pa ang kanyang pagmumura noong panahon ng …
Read More »Ex-pNoy may ‘tama’ gunggong — Duterte
EMOTIONALLY unstable si dating Pangulong Benigno Aquino III kaya walang pakialam sa paglaganap ng illegal drugs sa panahon ng kanyang administrasyon. Sa press conference kagabi sa Palasyo, inilabas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang hinanakit sa pagbatikos sa kanyang drug war. Aniya, walang emosyon si Aquino dahil mayroon siyang ‘sakit’ kaya emotionally unstable o manhid sa mga problema, gaya ng …
Read More »