WELCOME kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon alinsunod sa prinsipyo nang ganap na paggalang sa soberanya at hindi pakikialam sa panloob na usapin ng estado. Ito ang inihayag niya sa ASEAN – European Union (EU) Summit kahapon. Ibinahagi ng Pangulo ang kanyang mga kaisipan, lalo ang malapit sa kanyang puso, ang makipagtulungan upang maging drug-free ang ASEAN. “We wish to …
Read More »Masonry Layout
Canada tumutok din sa HR at EJKs
NABABAHALA ang Canada sa isyu ng human rights at extrajudicial killing sa Filipinas, ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau. Sa press briefing makaraan ang bilateral meeting nina Trudeau at Duterte, sinabi ng Canadian Prime Minister, binanggit niya sa Pangulo ang kahalagahan ng paggalang sa pag-iral ng batas sa pagpapatupad ng drug war at kahandaan ng kanyang bansa na tumulong …
Read More »HR tinalakay nina Duterte at Trump — White House
NAGKASUNDO sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump na mahalaga ang karapatang pantao at dignidad ng buhay ng nilalang sa pagsusulong ng mga pambansang programa para isulong ang kapakanan ng lahat ng sektor, lalo ang mga napapariwara. “The two sides underscored that human rights and the dignity of human life are essential, and agreed to continue mainstreaming the …
Read More »MMDA nagbabala ng heavy traffic sa Huwebes
NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista nang matinding pagbagal ng daloy ng mga sasakyan simula sa Huwebes sa pagbabalik ng trabaho sa gobyerno at sa pribadong sektor. “Alam ninyo ‘yung assessment talaga natin since holiday naman since Wednesday, wala pang babalik ngayon until tomorrow. Siguro magsisibalikan itong mga kababayan natin sa Thursday,” pahayag ni MMDA spokesperson …
Read More »PH inilako ni Duterte sa ASEAN partners
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katambal na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maglagak ng puhunan sa Filipinas, makipagtulungan sa paglaban sa terorismo, patatagin ang kooperasyon sa komunikasyon, edukasyon, transportasyon, at enerhiya. Sa bilateral meeting kamakalawa kay Indian Prime Minister Narendra Modi kamakalawa ng gabi, inanyayahan ni Pangulong Duterte ang mga negosyanteng Indian na magtayo …
Read More »Russia handang umayuda sa PH nuclear infra
INIHAYAG ng Rosatom, ang nuclear corporation ng gobyerno ng Russia, na handa silang tulungan ang Filipinas sa pagpapaunlad ng nuclear infrastructure sa bansa. Ito’y sa ilalim ng isang memorandum of agreement o kasunduang nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Nikolay Spasskiy, deputy director general for international relations ng Rosatom. Nagkasundo ang dalawang panig na pag-aralan ang posibilidad na magtayo …
Read More »Trump umalma sa mataas na taripa ng PH sa US cars
UMALMA si US President Donald Trump sa mataas na taripang ipinapataw ng Filipinas sa mga sasakyang mula sa Amerika habang ang mula sa Japan ay hindi naman sinisingil. “President Trump singled out the issue on tariffs being imposed on US automobiles while these tariffs are not being imposed on Japanese cars,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa bilateral …
Read More »Duterte pinuri ng Australia (Sa pagbuo ng Code of Conduct sa SCS )
PINURI ng Australia ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbuo ng “binding code of conduct” sa isyu ng agawan sa teritoryo sa South China Sea (SCS). Sa bilateral meeting kamakalawa ng gabi nina Pangulong Duterte at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, binati ng Aussie PM ang tagumpay ng administrasyon sa paggapi sa ISIS-inspired Maute terrorist group sa Marawi City. …
Read More »Violent dispersal sa anti-ASEAN rally kinondena
KINONDENA ng Asean Civil Society Conference/ASEAN People’s Forum ang marahas na paglansag ng pulisya sa demonstrasyon kontra sa idinaraos na ASEAN Summit sa bansa kahapon. “We condemn the violent dispersal of a peaceful demonstration by people’s organizations and social movements against the ASEAN Summit and East Asia Summit as represented by Heads of States and governments that have imposed on …
Read More »Tensiyon sumiklab sa protesta 10 raliyista, 6 pulis sugatan
SAMPUNG raliyista at anim na pulis ang sugatan nang magkagirian ang dalawang panig nang magtangkang lumapit sa Philippine International Convention Center (PICC) ang libo-libong aktibistang kontra sa pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump sa pagbubukas ika-31 ASEAN Summit, nitong Lunes ng umaga. Sa kanto pa lamang ng Padre Faura at Taft Avenue, pasado 10:00 am, hinarang ang mga …
Read More »ASEAN service vehicle sinalpok ng taxi, isa pa nadamay
NAGBANGGAAN ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang sasakyan na naghatid sa mga delegado ng ASEAN summit, sa Parañaque City, nitong Lunes. Naganap ang insidente nang makatulog ang driver ng taxi na mabilis umano ang takbo sa Aseana Avenue dakong 1:00 ng umaga. “Nakaidlip [ako],” pag-amin ng taxi driver na si Artchie Legaje na 12 oras nang pumapasada noon. Asean service …
Read More »Motoristang gagamit ng ASEAN lanes, aarestohin
AARESTOHIN ng pulisya ang mga motoristang gagamit sa ASEAN lanes, tulad ng ginawa ng beauty queen at aktres na si Isabel Lopez, inianunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nitong Lunes. Sa posts sa Facebook at Instagram, ikinuwento ni Lopez na tinanggal niya ang ilang traffic cone upang makabiyahe sa bahagi ng EDSA na nakareserba para sa mga delegado ng …
Read More »Isabel Lopez inasunto ng MMDA
PORMAL nang naghain ng reklamo sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa dating beauty queen at actress na si Ma. Isabel Lopez, dahil sa paglabag sa batas trapiko nitong Sabado, makaraan gamitin ang ASEAN lane. Si Lopez ay kinasuhan ng disregarding traffic signs, paglabag sa Republic Act No. 10913, o Anti-Distracted Driving …
Read More »Lisensiya ni Isabel hiniling kanselahin (Sa paggamit ng ASEAN lane)
HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority ang rebokasyon o tuluyang pagkansela sa driver’s license ng aktres na si Maria Isabel Lopez, nitong Lunes ng umaga. Ito ay makaraan gumamit ng “ASEAN Lane” ang dating beauty queen nitong Sabado para makaiwas sa matinding trapiko. Ikinuwento ni Lopez ang kanyang ginawa sa isang Facebook post. Sa imbestigasyon, ang ASEAN Lane sa bahagi …
Read More »Balangkas ng 2018 projects ikinasa ng PRRC
LABIS ang kaligayahan ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia matapos ang matagumpay na tatlong araw na Technical Working Committee Year-End Assessment and Multi-Year Planning Workshop sa Baguio City kamakailan. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Goitia ang mahigit 150 kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya, local government units, non-government organizations at mga pribadong …
Read More »Payo ng MMDA sa motorista: EDSA iwasan
UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na iwasan muna ang pagdaan sa EDSA upang hindi maipit sa trapiko kasabay nang pagsisimula ng pulong ng mga world leader sa bansa. Nitong Sabado, sinimulang isara ng MMDA sa mga motorista ang dalawa sa apat na magkabilang lane ng EDSA, na tanging mga delagado ng ASEAN ang maaaring dumaan. Inamin …
Read More »Maria Isabel nag-sorry (Sa pagsuway sa trapiko)
HUMINGI ng paumanhin ang aktres na si Maria Isabel Lopez nitong Linggo hinggil sa pagdaan sa ASEAN lane sa EDSA nitong Sabado. “Sorry to those who got hurt and affected,” pahayag ng aktres sa kanyang Facebook account. Magugunitang nag-post si Lopez sa kanyang Instagram at Facebook accounts, nang tanggalin niya ang divider cones at dumaan sa lane na nakatalaga sa …
Read More »Sa Bacolod: 2 laborer patay sa gumuhong Ayala Mall
BINAWIAN ng buhay ang dalawang construction worker sa pagguho ng ikalimang palapag ng ginagawang mall sa Bacolod, nitong Sabado ng madaling-araw. Nagulantang ang mga papasok na kasamahan ng mga biktimang ‘di muna pinangalanan nang makita nilang gumuho ang mga materyales na bakal at iba pang construction debris mula sa ika-limang palapag ng gusaling pag-aari ng Ayala Land Inc. Nangako ang …
Read More »Tensiyon sumiklab sa rally vs Trump
NAGKAGIRIAN ang mga pulis at mga aktibistang nagkilos-protesta sa Ermita, Maynila, nitong Linggo laban sa pagdalo ni US President Trump sa pulong ng mga world leader sa bansa. Ayon sa ulat, nagpumilit ang mga raliyista na makalapit sa US Embassy sa UN Avenue, dahilan para magkatulakan at sigawan sila ng mga pulis. NAGKAGITGITAN ang mga raliyista na kinabibilangan ng mga …
Read More »EJKs sa PH non-issue kay Trump
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging bahagi ng kanilang agenda ni US President Donald Trump ang isyu ng extrajudicial killings dulot ng drug war ng kanyang administrasyon. “I’m sure he will not take it up,” anang Pangulo sa press briefing nang dumating siya kahapon mula sa APEC Summit sa Da Nang, Vietnam. Naniniwala ang Pangulo na ang ilang …
Read More »Abu Sayyaf patay, 2 arestado sa Sulu (8 sumuko)
PATAY ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf group habang arestado ang dalawa pa ng military sa Parang, Sulu, nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon. Sinabi ni Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, isinagawa ang operasyon sa Sitio Tubig Gantang, Brgy. Lagasan-Higad 1:30 ng madaling araw. Hindi pa nakukuha ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay …
Read More »Magpinsan patay sa trike vs AUV
LAOAG CITY – Patay ang magpinsan nang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang AUV nitong madaling araw ng Sabado. Sa imbestigasyon, pauwi ang mga biktima sakay ng tricycle nang banggain sila ng kasalubong na AUV sa national highway ng Brgy. Bengcag sa lungsod. Ayon sa pulisya, umagaw ng linya ang AUV na minamaneho ng 18-anyos na si Leand Mao …
Read More »Sa La Union Tangkang pagpuslit sa 500 sakong white sand naharang
HINARANG ng mga pulis sa Bacnotan, La Union ang isang 10-wheeler truck na may kargang 500 sako ng white sand bandang 10:00 ng umaga nitong Sabado. Walang maipakitang pass card at kahit anong permit ang driver ng truck na mula sa Pasuquin, Ilocos Norte. Ayon sa driver na kinilalang si Johnny Pascual, napag-utusan lamang siyang dalhin ang truck sa Novaliches, …
Read More »Presyo ng petrolyo, muling itataas
NAPIPINTONG muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes. Maglalaro sa P0.90 hanggang P1 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina. Tinataya rin nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itataas sa diesel. Sa kerosene, P0.90 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo kada litro. Nitong nakaraang linggo, nagtaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Read More »Budol-budol nasa Kongreso na
BUNSOD nang sunod-sunod na kaso ng budol-budol na karaniwang nambibiktima ng mga senior citizen, retirado, at overseas Filipino workers (OFW), nagpasya ang isang kongresista na imbestigahan ito sa Kamara. Ang resolusyon ay inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez. Giit ni Benitez, panahon na para marepaso ang batas na sumasakop sa budol-budol para maitaas ang multa at parusa laban …
Read More »