Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

3 komentarista arestado sa libel (Sa NUJP Alert)

INARESTO ang tatlong radio commentators sa Quezon nitong Martes, 6 Pebrero, makaraan isyuhan ng warrant of arrest sa kasong multiple libel na inihain ni Minority Floor Leader Danilo Suarez. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines sa kanilang NUJP Alert sa social media. Bukod sa mambabatas na Suarez, may inihain din na serye ng libel cases si …

Read More »

15-anyos Grave V pupil nagbaril sa sentido

dead gun

PATAY nang matagpuan ang isang Grade V pupil sa kanyang kuwarto na hinihinalang nagbaril sa ulo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang si  Louie Ramirez Cubay, 15-anyos. Ayon sa ulat, nasa Grade 5 pa rin ang biktima dahil laging …

Read More »

Oil companies nagtaas ng presyo

NAGPATUPAD ng oil price hike ang mga kom-panya ng langis sa kanilang produktong petrol-yo ngayong araw ng Martes. Ang ika-anim dag­dag presyo ay pinangunahan ng  Flying V, na nag­dagdag ng P0.50 kada litro sa gasolina, P0.35 sa diesel at P0.60 sa kerosene, dakong 12:01 ngayong madaling-araw. Sinundan agad  ito ng Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Pilipinas Shell, epektibo 6:00 am. Ang …

Read More »

Digong kasuhan sa ill-gotten wealth (Himok ni Koko kay Trillanes)

HINIMOK ni Senate President Koko Pimentel si Senador Antonio Trillanes IV na magsampa ng kaso sa korte hinggil sa alegasyong tagong yaman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ayon kay Pimentel, kung talagang may hawak na ebidensiya si Trillanes hinggil sa mga kuwestiyonableng bank accounts ng presidente, ay ihain ito sa korte. Paliwanag ng senador, una na itong ginawa ni Trillanes …

Read More »

Wala pang ebidensiya laban sa Sanofi — DoH

ISANG masusing pag-aaral pa at imbestigasyon ang kailangan upang magkaroon ng konkretong solusyon kung may pananagutan o wala ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa kontrobersiyal na P3.5 bilyong dengue immunization program ng pamahalaan. Ito ay matapos aminin ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rolando Enrique Domingo sa kanyang pagdalo kahapon sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol …

Read More »

Anomalya sa Dengvaxia ikakanta ng DOH exec (Star witness ng VACC)

dengue vaccine Dengvaxia money

IKAKANTA ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga anomalya sa Dengvaxia vaccination program sa imbestigasyon na isasagawa ng Palasyo. Naghain sa Office of the President kahapon ng mga kasong gross negligence at grave misconduct ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban sa 14 opisyal ng DOH at hiniling na suspendehin sila habang isinasagawa ng Malacañang …

Read More »

Pag-isnab sa korte ikababagsak sa hoyo ni Trillanes (Sa kasong sedition at coup de’etat)

BABALIK sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV kapag hindi pa rin sumipot sa ikalimang preliminary investigation (PI) sa Pasay City Prosecutor’s Office sa kasong 4 counts of sedition, proposal to commit coup d ‘etat na isinampa laban sa kanya ng grupo ng mga abogado. Sa press conference kahapon, sinabi ni Labor Undersecretary Jing Paras, sa ikaapat na pagkakataon ay …

Read More »

30 smuggled luxury vehicles dudurugin ng Customs ngayon

NAGLALAYONG ma­kapaghatid ng “strong message” sa car smugglers, nakatakdang wasakin ng Bureau of Customs ang 30 luxury vehicles ngayong Martes. Ang estratehiyang ito ay malayo sa dating proseso na isinasailalim ang smuggled vehicles sa subasta para makaipon ng karagdagang kita para sa gobyerno. “The result will be much better for the government than the revenue na mawawala kasi kung hindi …

Read More »

Probe vs Digong’s ill-gotten wealth squid tactic (Para makalusot sa Dengvaxia, Mamasapano)

SQUID tactic ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagsusulong ng Senate probe sa umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte para mailihis ang isyu palayo sa Dengvaxia scam at Mamasapano tragedy na sabit ang ‘benefactor’ niyang si dating Presidente Benigno Aquino III. Sinabi ni Labor Undersecretary Jing Paras sa press conference kahapon, naniniwala ang grupo niyang Vanguard of the Philippine …

Read More »

Trillanes sa Senado: Bank accounts nina Digong, Sara busisiin

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Linggo na maghahain siya ng resolusyon na naglalayong hilingin sa Senado ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing bank records nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya. “With this resolution, I am accepting President Duterte’s challenge to investigate his alleged ill-gotten wealth to once and for all reveal the truth on this …

Read More »

Trillanes sirang-plaka (Sa bintang kay Digong) — Palasyo

SIRANG plaka ang hirit ni Sen. Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng Senado ang umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, panahon pa ng kampanya noong 2016 elections, ay inaakusahan na ni Trillanes si Duterte na nagkamal ng kuwestiyonableng yaman. …

Read More »

1 patay, 8 timbog sa anti-drug ops sa Tondo

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at arestado ang walo katao habang bumabatak ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo Maynila, iniulat ng pulisya kahapon. Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, kinilala ang napatay na suspek na si alyas Kenneth, 25-35 anyos, sinasabing dalawang …

Read More »

Kelot ‘nahulog’ sa bus tigok (Sa Parañaque City)

HINIHINALANG nahulog mula sa bus na sinasakyan ang isang lalaking pasahero na natagpuang wala nang buhay sa Parañaque City kahapon ng madaling araw. Pinaniniwalaang sanhi ng matinding pinsala sa ulo, namatay noon din ang biktimang si Ramil Legaspi, 42, ng 212 San Andres St., Navotas City. Natagpuan ng bystanders ang biktima na walang buhay dakong 2:05 kahapon ng madaling araw …

Read More »

Eroplano bumagsak, 2 dayuhan sugatan

DALAWANG dayuhan ang sugatan nang bumagsak ang isang private plane sa karagatang sakop ng Palawan bunsod ng problema sa makina nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA regional police office, ang eroplano ay bumagsak malapit sa Turublian Resort sa Brgy. New Agu­taya, sa bayan ng San Vicen­te dakong 1:30 ng hapon. Kinilala ni Tolentino ang …

Read More »

Embalsamador na babae wanted sa Baguio

BAGUIO CITY– Pasado sa ikatlong pagbasa sa konseho ng Baguio ang pagkakaroon ng mga babaeng embalsamador at mortician sa mga pune-rarya sa lungsod. Pangunahing layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga patay partikular ang mga kababaihan. “May mga nabalitaan tayong news noon na kung female ang namatay, male ‘yung magka-conduct, sometimes the family will complain, they take advantage siguro …

Read More »

Noynoy, 20 pa inasunto sa electioneering (Sa Dengvaxia)

SINAMPAHAN ng kaso ng anti-crime advocates nitong Biyernes si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at 20 iba pang dating opisyal dahil sa paglabag sa 2016 election ban sa go-vernment projects dahil sa dengue vaccination program. Kabilang sina dating budget secretary Butch Abad at dating health secretary Janette Garin sa respondents sa kasong inihain sa Commission on Elections ng Volunteers …

Read More »

Mission DAP to SAP nalantad para isalba si Noynoy

BUONG tapang na inilantad ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang mga ebidensiyang magdidiin kina dating Pangulong Benigno Aquino, mga dating opisyal nito at ilang aktibong senador na nakinabang sa maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP) at sa iba pang kasalanan sa bayan tulad ng kickback sa mga programa ng gobyerno. Kabilang sa mga inilatag na ebidensiya ni Belgica …

Read More »

Warrantless arrest kay Baylosis legal — Palasyo

LEGAL ang warrantless arrest sa 69-anyos National Democratic Front (NDF) consultant Rafael Baylosis, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala nang bisa ang safe conduct pass o Joint Agreement on Security Guarantees (JASIG) na hawak ni Baylosis dahil wala nang nagaganap na usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at kilusang komunista. “Wala namang saysay ang JASIG ngayon dahil wala …

Read More »

PhilHealth employees wagi sa TRO (Sibakan tinutulan)

NAGLABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City laban sa pagsibak ni Interim/OIC President Dr. Celestina Ma. Jude P. De la Serna sa casual employees ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ipinalabas ni Pasig RTC Executive Judge Danilo Cruz ang TRO laban sa pagsibak sa anim casual employees na 19 taon na sa serbisyo …

Read More »

Kamara nagbanta sa PCSO (Sa bangayan ng mga opisyal)

STL PCSO Balutan Atong Ang Sandra Cam

NAGBANTA ang mga mambabatas sa nagbabangayang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa isyu ng lotto, sweeptakes at Small Town Lottery (STL) operations. Ayon kina AKO Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe at Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo, dapat magkaisa ang liderato ng PCSO upang higit na mapagsilbihan ang publiko lalo ang mahihirap na sector. “Ceasefire on the …

Read More »

Publiko dapat masaya (Sa pagbabalik ng Tokhang) — Gen. Bato (563 drug suspects sumuko)

HINDI dapat katakutan ng publiko ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police kundi dapat maging masaya, pahayag ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon. “Dapat hindi sila matakot. Dapat masaya sila, at least ina-address ‘yung problema nila sa droga sa kanilang barangay,” pahayag ni Dela Rosa. Bago ang pagbabalik ng Oplan Tokhang nitong Lunes, nagpalabas si Dela …

Read More »

BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino

KOMPIYANSA si Senador Bam Aquino na makapapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado sa Marso, idiniing makatutulong ito upang wakasan ang karahasan at terorismo sa Mindanao at mabigyan ng maganda at maunlad na buhay ang mga Muslim. “Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pres-sing issues in the Bangsamoro …

Read More »

Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA). Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling …

Read More »

Mercado eksperto sa tabako ‘di sa Dengvaxia

INAMIN ni Dr. Susan “Susie” Mercado na tobacco at hindi communicable and infectious disease ang kanyang forte matapos punahin ang doktor sa mga pahayag niya laban sa Dengvaxia. Walang karanasan sa medical research si Mercado tulad ni Dr. Tony Leachon na isang heart surgeon. Kabilang sina Leachon at Mercado sa mga naunang nagbigay ng negatibong pahayag hinggil sa dengvaxia. Sila …

Read More »