Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Police killer timbog sa Antipolo (6 pa target ng PNP)

arrest prison

ARESTADO ang pangu­nahing suspek sa pagpatay sa isang pulis na binaril sa ulo noong Linggo ng mada­ling-araw, habang target ng mga awtoridad ang anim pa niyang kasamahan. Iniharap kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde kahapon sa press conference sa Camp Crame, ang suspek na si Crispin Fortin, ang gunman sa pag­paslang kay PO3 Don Carlo Mangui. Siya ay nadakip …

Read More »

14-anyos binatilyo nagsaksak sa sarili (Baby ayaw ipakita ng GF)

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 14-anyos binatilyo maka­raan magsaksak sa kanyang sarili nang tumanggi ang 16-anyos karelasyon na ipakita sa kanya ang kanilang anak na sanggol sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Valen­zuela City Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Emmanuel Perez, out-of-school youth, residente sa Northville 1, Brgy. Bignay. Sa imbestigasyon ni PO3 Maria Luisa …

Read More »

Quarrying sa Montalban iprinotesta

Quarry Quarrying

NANAWAGAN ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Ba­ngon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang homeowners’ associations at transport groups laban sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan. Apektado ang mga ba­rangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro na kontrolado …

Read More »

DAR inireklamo sa makupad na aksiyon

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang isang pribadong mamamayan na silipin ang dahilan ng makupad na pagtugon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kasong pitong taon nang nakasalang sa kanilang tanggapan. Ayon kay Jeff Garrido, pitong taon na nilang hinihintay ang  Order of Execution para sa kasong DARAB Case No. 17185 (Gorgonia Mariano versus Spouses Joseph Andres et …

Read More »

Dagdag-tuition sa 170 private schools aprub sa DepEd

INAPROBAHAN ng Depart­ment of Education ang ap­plication ng 170 private schools sa National Capital Region para magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019. Ang Quezon City ang may pinakamaraming pribadong paaralan na magpapatupad ng tuition hike. Ayon sa DepEd, mas mababa ang bilang ngayon ng mga paaralan sa NCR na mag­tataas ng matrikula kompara noong nakaraang school year. Sinabi ni …

Read More »

Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)

KRITIKAL ang kalagayan ng tatlo katao, kabilang ang 17-anyos estudyante, ma­ka­ra­an sumemplang ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo nang takbohan ang mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw. Ginagamot sa MCU Hospital si Jassen Delemon, 20, service crew, habang kapwa inoobsebahan sa Jose Reyes Memorial Medi­cal Center ang kanyang back rider na sina Niko Sese, 19, at Raymond Ca­buenos, 17, estudyante, …

Read More »

Dagdag-pasahe sa LRT 1 iliban — Poe

IMINUNGKAHI ni Senadora Grace Poe na iliban muna ang planong pagtaas sa singil ng pasahe sa LRT 1 upang hindi lubhang mahirapan ang publiko lalo ang mga pasahero ng tren. Ayon kay Poe, hindi pa man nakaaahon ang mga mamamayan sa sunod-sunod na epektong dulot ng TRAIN law ay dagdag pasahe na naman ang kanilang kahaharapin. Tinukoy ni Poe na …

Read More »

Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)

WALANG dapat ipag­di­wang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Sinabi ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng samba­yanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad. Wala …

Read More »

Martial law sa Mindanao mananatili

IBINASURA ng Palasyo ang mga panawagan na tuldu­kan ang martial law sa Mindanao. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa hinog ang panahon para ipawalang bisa ang batas militar sa Mindanao. “Wala pong gusto na magkaroon ng martial law beyond the necessity of having martial law so the Palace would like to assure the public that the moment the …

Read More »

Mag-utol timbog sa pagluray sa 15-anyos dalagita

prison rape

ARESTADO sa mga aw­toridad ang magkapatid na lalaki makaraan hala­yin ang isang 15-anyos dalagita sa Pandi, Bula­can. Ayon sa ulat ng pu-li­sya, kinilala ang mga suspek na sina Dante at Ricky Bagay Angeles. “Umiinom sila noon pero noong makatunog sila na may mga papa­la­pit nagkaroon ng konting habulan,” sabi ni Chief Inspector Manuel de Vera Jr., hepe ng Pandi police. …

Read More »

Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lala­king tatlong taon uma­nong hinalay ang pa­mang­kin ng kaniyang kinakasama sa Meycauayan, Bulacan. Ayon sa ulat ng pu­lisya, 11-anyos pa lamang ang biktima nang simu­lang abusuhin ng suspek. Napag-alaman, nitong Martes ay nagtang­ka pang tumakas ang suspek na si Elmer Capil­lo nang arestohin ng mga awtoridad. Ayon sa biktima, nag­simula ang pang-aabuso sa kaniya …

Read More »

Misis tiklo sa P.7-M shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ang 40-anyos ginang na uma­no’y ginagamit ng ‘big­time drug cyndicate,’ sa ikinasang buy-bust ope­ration at nakom­pis­ka­han ng halos P700,000 halaga ng ilegal na droga sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon. Kinilala ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista ang suspek na si Marlyn Datalio, 40, nakatira sa lungsod ng Taguig. Narekober mula sa suspek ang isang mala­king …

Read More »

Abas lusot sa CA (Bagong Comelec chairman)

KINOMPIRMA ng maka­pang­yarihang Commission on Ap­pointments ang nomi­nasyon ni Sheriff Ma­nim­bayan Abas bilang chairman ng Commis­sion on Elections (Comelec). Si Abas, na ang termino ay matatapos sa 2 Pebrero 2022, ang pu­malit kay dating Come­lec Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa puwesto dahil sa eskan­dalong kinahaha­rap. Sa kabila ng pagku­wes­tiyon kay Abas ng mga miyembro ng komis­yon dahil sa pagiging …

Read More »

Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang city pro­secutor ng Parañaque dahil sa mga nakalusot na dokumento na bumagsak sa kamay ng ‘lover’ ng isang Japanese tycoon na napatalsik sa kanyang gaming conglomerate ng kanyang sariling pamilya matapos niyang waldasin ang pondo ng kompanya. Inakusahan si city prosecutor Amerhassan Paudac ng pagiging ‘bias’ at ‘gross partiality’ ng pamilya ni Kazuo …

Read More »

Senate probe sa P647.11-M PCOO funds ‘ibuburo’ (Hanggang Hulyo)

BIGO si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisalang agad sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng kuwestiyonableng P647.11 milyong gastos para sa information caravan ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC). READ: KAHIT NAGBITIW SI PUYAT, PROBE SA P647.11-M ‘GASTOS’ NG PCOO SA CMASC ASEAN 2017 TULOY — TRILLANES Kahit …

Read More »

Angara inihimlay

INIHATID na sa kanyang huling han­tungan si dating Senador Ed­gardo Angara sa loob ng ka­nilang compound sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora kahapon. Pumanaw ang dating Senate President sa edad na 83 noong 13 Mayo. Ayon sa anak na si Senador Sonny Angara, ipinagmamalaki niya ang kanyang ama sa mga nagawang batas na kinabibi­langan ng Free School Act, Senior Citizen’s Act …

Read More »

Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)

BINAWIAN ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan masalpok ng isang provincial bus habang nag-aayos ng traffic cones sa Skyway sa Amorsolo Ext., Makati City, kahapon ng umaga. Isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Skyway Corporation, ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan. Samantala, hindi na binanggit ng …

Read More »

Lasing na kasambahay nalunod sa pool

NALUNOD ang isang kasamba­hay sa swimming pool dahil sa matinding kalasingan habang naliligo kasama ang pamilya ng kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Mailin Castillo, 24, stay-in housemaid sa Ca­dorniga St., Brgy. NBBS, Navotas City. Base sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo …

Read More »

Sariling bahay sinilaban ng adik (Gustong mamatay)

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang adik sa ilegal na droga makaraan silaban ang kanyang bahay ngunit nadamay ang bahay ng 24 pamilya sa Navotas City, kamakakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Vergel Valera, 34, residente sa Isda St., Brgy. North Bay Boulevard North, nahaharap sa kasong arson. Batay sa ulat ni arson investigator FO2 Arbie Locahin, dakong 6:30 pm …

Read More »

School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

road traffic accident

LIBMANAN, Cama­rines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magka­rambola ang apat sasak­yan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes. Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasa­lubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila. Isang truck ang na­damay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito. Pagkabig …

Read More »

2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

road accident

DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes. Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse. Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak …

Read More »

NHA ‘binomba’ ni Legarda (Sa bulok na ‘pabahay’)

NAIS ni Senadora Loren Legarda na panagutin ang mga opisyal at mga kon­traktor ng National Housing Authority (NHA) dahil sa hindi ligtas at substandard na estruktura ng mga proyektong pabahay. Ayon kay Legarda, sa­pat na pondo ang ipinag­kakaloob ng pamahalaan para matiyak na magka­roon nang maayos na pabahay para sa mga biktima ng kalamidad o sakuna at sa mga relo­kasyon …

Read More »

Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia

dengue vaccine Dengvaxia money

NATURUKAN din ng Dengvaxia ang anak na bunso at dalawang apo ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te. Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Chris­topher “Bong” Go, ang presidential daughter na si Veronica “Kitty” Du­terte at dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nabakunahan ng Deng­vaxia, ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine. “May nagtanong kanina kung na-inject raw …

Read More »

Sa ilalim ng TRAIN Law, Oil price ‘pag sumirit Palasyo may planong contingency

MAYROONG contin­gency measure ang Mala­cañang na handang ipa­tupad sakaling sumirit nang todo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Kapag pumalo sa $80 dollars per barrel ang 3-month average na presyo ng krudo sa pan­daig­digang pamilihan, susus­pendehin ang excise tax na ipinapataw sa pro­duktong petrolyo na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Sinabi ni Presidential …

Read More »