Thursday , June 4 2026

Traffic Enforcer ng Maynila, 2 pa huli sa P.8-M shabu

ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) employee na nakompiskahan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 3:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr., ang buy bust operation laban kay Alex Clemente alyas Buboy, 42 anyos, sa kanyang bahay sa #124 Magtanggol St., Barangay 29 sa  nasabing lungsod.

 

Nagawang makabili sa suspek ng P15,000 halaga ng shabu ng poseur buyer na si P/Cpl. Brian Emilson Celeste nang tanggapin ni Clemente ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nakompiska kay Clemente ang 20 medium plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na may standard drug price na P680,000, P1,000 bill na nakabungkos sa 14 pirasong boodle money, cellphone, at sling bag.

 

Sa nakalap na impormasyon ni Capt. Aquiatan mula sa mga opisyal ng Barangay 29, ang suspek ay dalawang beses nang nakulong noong Hunyo 2016 at Disyembre 2019 dahil sa ilegal na droga.

 

Samantala, dakong 4:00 pm nang masakote rin ng mga tauhan ni P/Capt. Aquiatan sa buy bust operation sa Samson Road, harap ng Puregold Supermarket, Barangay 76, Caloocan si Johnver Cleofas, 21 anyos; at Ryan Sean Cleofas, 38 anyos, MTPB employee sa Maynila at residente sa #821 Deodato St., Barangay 53, Zone 4, District 1, Tondo, Maynila.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa isang kilo at 50 gramo ng marijuana na may P126,000 ang halaga, dalawang P1,000 bill na nakabungkos sa 30 pirasong 1,000 boodle money na ginamit bilang buy bust money, at isang kulay violet na NMAX motorsiklo.

 

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng paglabag sa kasong Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …