Friday , October 11 2024

Aeta pinakain ng ebak ng militar (Iniimbestigahan ng CHR)

INIIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga alegasyon na minaltrato ng ilang  sundalo ang mga miyembro ng komunidad ng Aeta at pinakain ng dumi ng tao.

Inihayag ng CHR ang pagkabahala sa isang kalatas kahapon.

Iniulat ng grupong Umahon para sa Repormang Agraryo sa CHR kamakalawa na ilang kagawad ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa San Marcelino, Zambales na trinatong masahol pa sa hayop ang ilang Aeta.

Ilan umano sa miyembro ng Aeta community ay binugbog at ikinulong habang ang isa’y pinakain ng dumi ng tao.

Naganap umano ito matapos lumikas ang 659 pamilya bunsod ng pambobomba sa kanilang lugar para bigyan daan ang pagmimina ng Dizon Copper-Silver Mines, Inc., na mahigpit na tinututulan ng mga katutubo.

“The commission for its part, in conjunction with the ongoing military investigation, will be conducting its own separate investigation through its regional office to ensure impartiality and attain the truth in these allegations,” ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia.

Bagama’t itinanggi ng militar ang bintang sa 7th ID  nagsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

May naganap umanong enkuwentro sa pagitan ng militar at  New People’s Army (NPA) noong nakaraang 21 Agosto at may mga nadakip umano silang mga rebelde, batay sa panayam ng programang  “Unang Hirit” sa GMA-7 kay Maj. Amado Gutierrez, public affairs office chief ng 7th ID. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

KBL Refutes Media Reports, Confirms No Endorsement for Senate Aspirants Relly Jose Jr. and Richard Nicolas

KBL Refutes Media Reports, Confirms No Endorsement for Senate Aspirants Relly Jose Jr. and Richard Nicolas

The Kilusang Bagong Lipunan (KBL) has issued an official statement to address recent reports regarding …

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation, the social good arm of the SM Group, has been named Corporate Social …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *