Thursday , April 24 2025

2 lalaki huli sa 115 pirasong ecstasy  

INARESTO  ang dalawang lalaki makaraang makompiskahan ng 115 pirasong party drugs na ectasy sa buy bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ng gabi sa lungsod.

 

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Tristan Jay Howard at Marcelino Avenido III.

 

Ayon kay Talipapa Police Station 3 commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro dakong 7:00 pm nang isagawa ang drug operation sa Unit 3230 Congressional Town Center, Barangay Bahay Toro, Quezon City.

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang umiskor sa mga suspek at nang magkaabutan, dinakma na ang dalawa.

 

Nakompiska mula sa mga suspek ang 115 pirasong ecstacy na may street value na P195,000, isang plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng iba’t ibang klase ng ilegal na droga, plastic na naglalaman ng marijuana at capsule.

 

Nakapiit ang dalawa habang inihahanda ang mga kasong kakaharapin nila. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

042225 Hataw Frontpage

Pope Francis pumanaw, 88

HATAW News Team NANAWAGAN si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of …

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Arrest Posas Handcuff

Mailap na illegal recruiter nadakma sa labas ng simbahan

NASAKOTE ang isang babaeng matagal nang wanted sa pagiging illegal recruiter sa labas ng isang …

Norzagaray Bulacan police PNP

Inabangan, inundayan ng saksak
Lalaki patay sa Norzagaray, Bulacan

BAGO nakatakas, nagawang arestohin ng mga awtoridad ang isang lalaki na pumatay sa kaniyang kaalitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *