Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Veto ng Pangulo sa ilang probisyon ng budget hindi nangangahulugang ilegal

HINDI nanga­ngahulu­gang taliwas sa Saligang Batas ang ilang panuka­lang alokasyon sa budget na ini-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya ang ipinaglaban ng Kamara na panukalang budget ay lulusot sa masugid na pagsusulit sa pagiging “constitutional” nito. “The President knows what is best for the country and our people,” ani Andaya. Ani Andaya, naipasa ng Kamara …

Read More »

Kapayapaan sa Pasko ng Pagkabuhay — Duterte

MAGING instrumento ng kapayapaan at piliin ang mabuti at maka­pag­papaunlad sa pananam­palatayang Kristiyano at ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesu­kristo. Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te  sa publiko sa kan­yang Easter Sunday mes­sage kahapon. Hinimok niya ang lahat na gawing inspi­rasyon ang sakri­pisyo ng Tagapagligtas sa krus at pagsagip sa kasalanan ng sanlibutan. “May this time of new beginnings …

Read More »

P1-B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil

HINAMON ng Kalipu­nan ng Masang Pilipino-QC chapter si 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bilyong pork barrel nito magmula nang maging mambabatas. Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa kanyang distrito. Bukod dito, may waiting …

Read More »

‘Chairman’ nambuntis ng info officer (Termino hindi matatapos)

“PAGSISIKAPAN ko, your honor, na hindi ako matulad sa kanila, na hindi ko matapos ang termino ko.” Ito ang pahayag ng isang mataas na opisyal ng isang ahensiya mata­pos manumpa sa Com­mission on Appoint­ments (CA) sa pagkakatalaga sa kaniya bilang pinaka­batang chairman ng isang maimpluwensyang ahensiya ng gobyerno. Pero tulad ng mga sinundan at pinalitan niyag opisyal sa nasabing ahensiya, …

Read More »

Ang Probinsyano Party-List suportado ni Ryza Cenon… Trabaho sa Bicol sagot ng AP-PL

SAGOT ng Ang Probinsyano Party-List ang hanapbuhay ng mga taga-Bicol sa oras na maupo sa House of Representatives. Ito ang paniniguro ng sikat na aktres na si Ryza Cenon nang magtungo sa Bicol kamakailan upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party-List, ang patuloy na lumalakas na kandidato sa kamara dahil sa tapat nitong mga programa na nagsu­sulong ng kapakanan ng mga …

Read More »

Capital, educational assistance palalawakin ni Erap

PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling termino. Layon ni Estrada na makapagbigay ng maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod. Ani Estrada, binibigyan ng pagkakataon ang small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni …

Read More »

Welder sinaksak ng kabaro todas

Stab saksak dead

PATAY ang isang welder matapos saksakin ng kapwa welder makaraan ang mainitang pagtatalo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Ca­loo­can City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Ronel Languita, 23 anyos, residente sa West Avenue, Brgy. Bungad, Quezon City sanhi ng mga saksak sa katawan. Kinilala  ni Caloocan police chief P/Col. Restituto Arcangel ang …

Read More »

Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

electricity meralco

HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisu­long ang pitong kahina-hinalang  Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas ng singil sa koryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Ma­ka­bayan senatorial candi­date Neri Colmenares at Bayan Muna Repre­sentative Carlos Isagani laban sa …

Read More »

Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon

DAPAT kaalyado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehis­latura ay maipasa. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco importante ang pamumuno pero dapat naman, aniyang, walang ambisyong pampo­litika ang susunod na speaker. “Leadership is impor­tant, but it’s equally impor­tant that the next speaker is free from political ambition to …

Read More »

Koko desmayado sa pagkaantala ng Automated Poll System Certification

HINDI nailihim ang pagkadesmaya ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa Technical Evaluation Committee (TEC), ang ahensiyang nilikha sa bisa ng Automated Election Law, dahil hindi pa rin nito napagtitibay ang automated election system (AES) na gagamitin sa nalalapit na national at local polls samantala halos isang buwan o 30 araw na lang ang nalalabi bago sumapit ang May 13 …

Read More »

Buwis sa QC walang taas kay JOYB

NANGAKO si QC Vice Mayor Joy Belmonte na walang magaganap na pagtataas sa singil sa buwis sa Quezon City sa ilalim ng kanyang panu­nukulan, oras na maging Mayor ng lunsod. Ayon kay Belmonte, hindi kailangan magka­roon ng pagtaas ng ko­leksiyon sa buwis sa QC kung hindi kailangan na maisaayos ang sistema ng pagbubuwis para ma­ka­kolekta nang mas ma­ta­as na kita ang …

Read More »

Meg Imperial sumuporta na rin sa Ang Probinsyano Party-List… AP-PL kinupkop sa Nueva Ecija

TANGING ang Ang Probinsyano Partylist (AP-PL) lamang ang binitbit ng mga nangu­ngunang kandidato sa Nueva Ecija sa kanilang pro­klamasyon kama­kailan sa  naturang lala­wigan. Pinangunahan ni incumbent Governor Aurelio Umali na tuma­takbo sa kanyang ikala­wang termino ang pag­susulong sa mga kandi­dato ng partidong Unang Sigaw gayondin sa kandidatura ng Ang Probinsyano Party-List na sinuportahan pa ng sikat na aktres na si Meg …

Read More »

Labor’s 5 ending ng ‘endo’ segurado sa senado

“WALANG kompromiso, panahon na para tuldukan ang sistemang 5-5-5 o endo,” ‘yan ang naging kolekti­bong pahayag at sentral na platapo­rma ng mga kandidato mula sa hanay ng mga manggagawa o LABOR WIN. Ang LABOR WIN ay alyansang binubuo ng limang kandidatong nag­bibitbit ng plataporma na pawang pro-labor. Bukod sa pagwawakas ng ‘endo’ isusulong din nila ang pagtatakda ng pamban­sang minimum …

Read More »

Grace Poe, lagare sa kampanya kahit matatag sa No. 1

TULOY ang pukpukang kampanya ni Senadora Grace Poe kahit hindi siya matibag sa number one spot ng pre-election surveys. Sinabi ni Poe, marami pa siyang lugar na kailangan suyurin sa nalalabing isang buwan ng kampanya bago ang May 13 midterm elections. “‘Yung mga gusto kong puntahan sa kampanya na ‘to marami pang lugar, sa Mindanao, sa Visayas at mga liblib …

Read More »

Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul

MAUUDLOT ang nakatak­dang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act. “Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di …

Read More »

Grace Poe matatag sa No.1

NANATILING matatag pa rin ang pagkakahawak ni Senadora Grace Poe bilang numero uno sa listahan ng mga kandidato para senador ng mga botanteng Filipino sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Mula sa katanungang sino ang ihahalal nila kung ngayon na isasagawa ang eleksiyon, lumitaw na kinamada ni Poe ang 72.8% ng voters prefe­rence upang pangunahan ang magic 12 ng …

Read More »

Lim suportado ng 2,000 pedicab & tricycle drivers

NAGPAHAYAG ng suporta sa kandidatura ni PDP-Laban Manila mayoral candidate  Alfredo S. Lim ang mahigit 2,000 pangulo ng iba’t ibang organi­sasyon ng mga sasakyang pam­publiko na may tatlong gu­long gaya ng pedicabs at tricycles, kasabay ng pag­sa­sabing solido ang kani­lang magiging boto para kay Lim sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang ugnayan na gi­na­nap sa isang fastfood chain sa …

Read More »

VP Leni: Panalo ako sa eleksiyon (Bongbong napahiya lang)

ILOILO — Buong loob na idiniin ni Vice Pre­sident Leni Robredo na siya ang nanalo sa eleksiyon noong 2016, dahil pinatunayan lang ng election protest na inihain laban sa kaniya ang lamang niya sa halalan. Ayon kay Robredo, wala namang napala ang kaniyang kalaban na si Bongbong Marcos nang kuwestiyonin nito ang kaniyang pagka­panalo, at idinamay pa ang Iloilo, na …

Read More »

Apela sa Semana Santa: ‘Political ceasefire’ muna — Imee

NANAWAGAN ngayon si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week. Ayon kay Marcos, makabubuting itigil na muna ang mga alitan at batikusan ng magkaka­labang politiko sa pana­hon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang …

Read More »

Megastar Sharon Cuneta lubos na sumuporta kay Sen. Grace Poe (Bukod kay Ate Vi at Coco Martin)

LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpakita ng suporta sa kanya si megastar Sharon Cuneta kasunod ng paha­yag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Bata­ngas representative Vilma Santos-Recto at Coco Martin kamakailan. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cuneta: “Sen. Grace Poe has my full support and my heart. May God bless you, Senator!” Sumagot naman …

Read More »

Isyung Scarborough shoal huwag gamitin sa kampanya — Manicad

NAGBABALA ang broadcast journalist na si Jiggy Manicad tungkol sa pagpapabida ng mga kandidato sa halalan kaugnay sa isyu ng teritoryo sa Scarborough shoal. Aniya, isa itong sensitibong isyu na hindi puwedeng basta gamitin sa politika. “We must avoid turning these sensitive issues towards our advantage as political candidates. Hindi ito simpleng sortie o project na puwede po nating gamitin …

Read More »

2019 nat’l budget aprobado bago Semana Santa

INAASAHANG mala­lag­daan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 pambansang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo, bago ang Semana Santa. Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap nang patuloy na paggamit ngayon ng pamahalaan sa reenacted budget ng 2018. Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Nograles na isinasapinal na lamang ito. Kasabay …

Read More »

Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte

IPINAALALA ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matata­pang na Filipino at Ameri­kanong sundalo na nagtu­lungan upang ipagtang­gol ang kalayaan at de­mo­krasya ng bansa ha­bang nagbabantay sa ma­susukal na kagubatan ng Bataan. Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibil­yan na tumulong sa ating mga kawal upang …

Read More »

Pagkatig ni Duterte sa Tsina, impeachable — KMU

Ang pagkatig o pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, at iba pang pagkilos na pumapabor dito ay impeachable offenses ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Ayon sa grupo na sumama sa kilos protesta sa Chinese Embassy ka­ha­pon, Araw ng Kagi­tingan, sinabi nilang naki­kipagsabwatan umano si Duterte sa Tsina. “The infamous Duterte-China loan agreements are delibe­rately designed to favor Chinese …

Read More »

Palasyo sa 5 US senators: ‘Wag n’yo kami pakialaman

MIND your own business. Ito ang buwelta ng Malacañang sa limang Amerikanong senador na nanawagan na palayain si Sen. Leila de Lima at iba­sura ang kaso laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na im­bes­tigahan ng inter­national community ang extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na suli­ranin ang Amerika …

Read More »