Sunday , May 19 2024

Palasyo inutil sa ‘illegal vaccination’

ni ROSE NOVENARIO

WALANG silbi ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng Filipinas dahil hindi niya planong ipatigil ang pagpuslit ng bakuna kontra CoVid-19 at illegal na paggamit nito ng kanyang mga kaalyado at ng Presidential Security Group (PSG).

“As far as the PSG is concerned, the President has been clear, there should be no questions anymore about the PSG because the PSG acted out of self-defense and out of necessity. Full stop!” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“As far as Mon Tulfo is concerned, he clarified, he is no longer special envoy to China. He is a private citizen so he can do as he pleases; and the President is not in position to compel him to do anything, the President does not have subpoena powers,” dagdag niya.

Ang pahayag ni Roque ay tugon sa rebelasyon ni special envoy to China at Manila Times columnist Ramon Tulfo na naturukan siya, ilang matataas na opisyal ng gobyerno, at mga miyembro ng PSG ng smuggled CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm kahit wala pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug  Administration  (FDA).

“I just got hold of the vaccine from from a friend who smuggled it into the country,” ani Tulfo sa panayam sa One News kamakalawa.

Iginiit ni Roque, hindi pulis o ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pangulong Duterte kaya bahala na ang mga naturang ahensiya sa isyu kung iimbestigahan ang mga isiniwalat ni Tulfo.

“The President is a President, not a policeman, not an NBI agent. We leave that to the police and to the NBI,” dagdag ni Roque.

Sa kabila ng tila pagbalewala sa mga pahayag ni Tulfo na hayagang may paglabag sa batas, nagbabala si Roque sa publiko na mananagot ang sinomang magbebenta ng donasyong bakuna.

Darating na aniya sa Linggo ang 600,000 doses ng Sinovac made CoVid-19 vaccine na donasyon ng China.

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *