Tuesday , October 8 2024
PNP QCPD

QCPD nagluksa sa pagkamatay ng 2 pulis sa ‘misencounter’

NAGLULUKSA ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ng dalawang pulis sa naganap na sinabing ‘misencounter’ sa pagitan ng mga opera­tiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug operation sa harap ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Ave., Quezon City, nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga napaslang na sina P/Cpl. Lauro de Guzman at P/Cpl. Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa DSOU, at isang PDEA agent, habang sugatan si P/Lt. Ronnie Ereno, at tatlong ahente ng PDEA.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 5:45 pm, 24 Pebrero, nang maganap ang enkuwentro sa pagitan ng mga operatiba ng District Special Opreation Unit (DSOU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking area ng McDonalds sa tabi ng Ever Gotesco Mall, sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/CMSgt. Elizalde Toledo ng CIDU, pinangunahan ni QCPD DSOU chief, P/Maj. Sandie Caparroso at 16 tauhan nito ang nakaenkuwentro ng 20 PDEA agents na parehong nagsagawa ng drug operation sa Commonwealth.

Una rito, nitong 23 Pebrero, magsasagawa ang mga operatiba ng DSOU ng buy bust operation sa Baclaran, Parañaque City, pero hindi natuloy.

Itinuloy ito kinabukasan, 24 Pebrero, matapos impormahan ng katransaksiyon na isasagawa sa Litex, Bara­ngay Commonwealth

Nitong Miyerkoles ng hapon, nagtungo ang mga operatiba ng DSOU sa tinukoy ng kanilang kontak sa P1.1-million drug operation laban sa umano’y magbebenta ng ilegal na droga sa nasabing halaga.

Ang isinagawang buy bust operation ng mga QCPD ay may kompletong koordinasyon at kaukulang mga papeles pero lingid sa kaalaman ng mga pulis, ang katransaksyon nila ay PDEA agents.

Sa gitna ng buy bust, nagpakilala ang DSOU personnel at nang aarestohin at poposasan na ang mga suspek, isa rito ang bumunot ng baril na sinundan ng anim pa na pawang armado ng mahahabang armas at pinagbabaril ang mga pulis na sina Ereno, De Guzman at Garado.

Bagamat may mga tama na ng bala sa katawan ang tatlong pulis, nagawa pa rin paputukan ang mga suspek na kinalaunan ay nalamang PDEA agents hanggang magkaroon ng ‘gun battle.’

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Vicente Danao, Jr., ang naganap na enkuwentro ay ‘misencounter.’

“It’s very unfortunate na nagkaroon ng misencounter. Both sides, it’s a legitimate anti-illegal drugs operation. Kung sino magba-buy-bust at sino ang ka-buy-bust, ‘yon pa ang iimbestigahan natin,” ayon kay Danao.

Itinalaga ni PNP chief Police General Debold Sinas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang lead investigating body, habang si NCRPO chief Danao ang magiging spokesperson sa nangyaring madugong encounter.

“The PNP and PDEA both agree and assure the public that the incident, while serious, will in no way affect the continuing operational relationship and coordinations they have long firmed up in the fight against illegal drugs,” pahayag ni Sinas.

“In the interest of determining the truth behind the incident, a joint PNP-PDEA Board of Inquiry will be formed to determine what transpired and who should be held liable,” dagdag ng PNP chief.

Iginiit ng PDEA na lehitimo rin ang ginawang drug operation at may mga kaukulang doku­men­to rin na pinang­hahawakan ang kanilang mga tauhan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *