Friday , October 4 2024

Drug peddler dedbol, 2 pang tulak nalambat sa drug ops sa Bulacan

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang nagbebenta ng droga habang nadakip ang dalawa pang tulak sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 23 Pebrero.

Batay sa ulat na isinu­mite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang napatay na suspek na si Joseph Timblique, alyas Pingping.

Nabatid na dakong 6:30 pm kamakalawa, nag­ka­sa ng buy bust operation ang mga elemen­to ng Marilao Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Loma De Gato, sa bayan ng Marilao, sa naturang lalawigan laban kay alyas Pingping.

Matapos ang napag­kasunduang transaksiyon, nakatunog ang suspek na ang katrato niya ay police officer kaya agad bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis ngunit mabilis na nakakubli at gumanti ng putok na nagresulta sa kamatayan ni alyas Pingping.

Sa hiwalay na opera­syon, arestado ang dalawa pang drug suspects ng mga tauhan ng Bocaue MPS at Sta. Maria MPS sa ikinasang anti-illegal drug operations.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Joel Valdez, residente sa Brgy. Bulac, sa bayan ng Sta. Maria; at Lawrence San Pedrom residente sa Brgy. Bambang, sa bayan ng Bocaue.

Nasamsam ang 10 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa dalawang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso sa hukuman.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *