MALAMLAM at hindi ririkit ang mga bituin sa kinagigiliwang amusement park ngayong Pasko matapos tupukin ng naglalagablab na apoy sa 14-oras na sunog ang Star City na nasa Roxas Blvd., Pasay City, na nagsimula kahapon ng madaling araw. Sa mga unang ulat, sinabing ang sunog ay nagsimula sa Snow World ng paboritong amusement park ng mga bata kasama ang kanilang …
Read More »Masonry Layout
Kalalaya sa nilabag na City Ordinance… Chinese national muling naaresto dahil sa mabahong kuwarto sa hotel
ISANG Chinese national na kalalaya pa lamang sa detention cell, ang muling dinakip ng mga awtoridad nang marekober ang ilang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga bala ng baril sa inuupahang kuwarto sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Yin Xuan Sun, 22, office staff, residente sa Chengdu, Sichuan, China. Base …
Read More »Bulacan hog trader, nagpuslit ng baboy na may ASF sa Pangasinan
INIULAT ng mga opisyal sa Pangasinan na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 15 mula sa 60 na baboy na ipinasok sa lalawigan mula sa Bulacan. Ang naturang pahayag ay batay sa samples na nakuha sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos. Nabatid na umiwas ang hog trader sa animal quarantine checkpoint na ipinapatupad sa mga entry …
Read More »Anak ng DOH official… 22-anyos UP student leader nagbigti matapos magbitiw sa council dahil sa hazing
HINDI naisalba ng ina ang buhay ng 22-anyos student leader ng University of the Philippines College of Mass Communication (CMC) nang matagpuang nakabigti sa karate belt na isinabit sa cabinet sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ignacio Enrique “Nacho” Domingo, anak ni Department of Health Undersecretary Rolando Enrique “Eric” Domingo, …
Read More »Lacson, Drilon ‘obstruction’ sa reporma ni Digong
HADLANG sa mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagbatikos nang walang basehan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson sa ipinasang national budget para sa 2020 ng Kamara, ayon sa ilang lider ng Kongreso. Ayon kay Deputy Speaker Henry Oaminal, kinatawan ng 2nd district, Misamis Occidental, may panahon naman para kilatisin ng Senado …
Read More »PhilRice exec natagpuang patay sa loob ng kotse sa Nueva Ecija
NATAGPUANG wala nang buhay ang isang division head ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa loob ng kaniyang kotse sa bayan ng Talavera, sa lalawigan ng Nueva Ecija noong Martes, 24 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Leon Victor Rosete, hepe ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang biktimang si Roger Barroga, hepe ng PhilRice Information System Division, na nakitang patay dakong …
Read More »Trahedya sa Boracay… 7 ‘paddlers’ nalunod sa tumaob na dragonboat
NALUNOD ang pitong paddler na miyembro ng Boracay Dragon Force, nang pasukin ng tubig ang sinakyan nilang bangka sa hampas ng malakas na alon sa bayan ng Malay, lalawigan ng Aklan kahapon ng umaga, Miyerkoles, 25 Setyembre. Nabatid na 21 miyembro ng Boracay Dragon Force ang sakay ng bangka nang tumaob, 200-300 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay …
Read More »DOE ‘tumuga,’ may mali sa bidding sa House hearing
INAMIN ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng budget sponsor sa kakatapos na House plenary debate sa proposed P4.1-trilyong national budget para sa susunod na taon, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa power contracts. Walang nagawa si DOE budget sponsor, Appropriations Committee vice chairman at Zamboanga City 2nd district Rep. …
Read More »Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano
UMAASA si Rep. Rowena Niña Taduran ng ACT-CIS Party-list na ang pagbuhay ng tren sa Bikolandia ay magdadala ng pag-unlad sa mga bayan na daraanan ng proyekto. Ayon kay Taduran, nagmula sa Iriga City sa Camarines Sur, ang “test run” na ginawa ng Philippine National Railways (PNR) mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Naga at Iriga City ay nagbibigay ng …
Read More »Ulo ng usa galing Guam nasabat sa Customs
NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ulo ng isang usa na ipinasok sa bansa mula sa Guam nang walang karampatang permit. Ang ulo ng usa, nasa isang parcel na idineklarang mga gamit sa bahay at personal effects ay natuklasan sa Manila International Container Port (MICP). Agad dinala sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang …
Read More »Nagpasabog sa seafood resto huli sa checkpoint (Malapit sa Malacañang)
ISANG rider na tinangkang lusutan ang inilatag na police checkpoint ang dinakip matapos mahulihan ng droga at granada sa Quezon City. Natuklasan, ang rider na nahuli sa checkpoint ay siyang nagpasabog ng granada sa isang seafood restaurant malapit sa Malacañang, nitong 14 Setyembre. Iniharap sa media nina NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Acting Quezon City Police District (QCPD) …
Read More »‘Access devices’ crime karumal-dumal sa bagong batas ni Duterte
ISA nang heinous crime ang paggamit ng ‘access devices’ para makapandaya gaya ng hacking sa sistema ng banko maging ang skimming ng credit at payment cards. Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11449 na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa itinatakda ng Access Devices Regulation Act of 1998. Base sa isinasaad ng Section 10 …
Read More »Listahan ng PNP officials, members na sangkot sa Ninja cops ipinasa sa Palasyo
INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transcript ng naganap na executive session kung saan nakaulat ang lahat ng impormasyon at testimonya na inihayag ni dating CIDG chief at kasalukuyang Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa ninja cops o mga pulis at opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa …
Read More »‘Drug Queen’ sa Maynila pinalulutang ni Yorme Isko (Recycler ng nakokompiskang droga)
NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa dating barangay chairwoman ng Sampaloc na si Guia Gomez Castro na lumutang upang magpaliwanag kaugnay sa akusasyon na siya ang tinaguriang ‘drug queen’ sa Maynila. Ginawa ng alkalde ang panawagan matapos pangalanan ni NCPRO chief, P/MGen. Guillermo Eleazar ang tinaguriang ‘drug queen’ na umano’y taga Maynila. Nakiusap din ang alkalde sa …
Read More »Mister na pumalo ng martilyo sa ulo ni misis sumuko kay Mayor Isko
SUMUKO kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lalaking live-in partner na namalo ng martilyo sa ulo ng babaeng empleyado ng Manila City Hall, kamakalawa ng gabi. Sa Facebook live ni Moreno, mapapanood ang pagpunta ng kanyang grupo sa isang lugar sa Cavite bago 11:30 pm nitong Martes, 24 Setyembre. Sumuko ang suspek na si Eric Capulong, 46, kinakasama ng …
Read More »Cha-cha may ‘higing’ na sa Kamara
PAGKATAPOS maaprobahan ang P4.1 bilyong pambansang budget, minarapat ng mga lider ng Kamara na pag-usapan ang charter change o cha-cha. Ang pakay, pormal na pinag-usapan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, na amyendahan ang mga probisyong nakahahadlang sa pagpasok ng foreign investors. Ayon sa mga mambabatas na nagsususlong nito, layon ng …
Read More »Sa ‘koryenteng’ paratang… Ping, dapat mag-sorry sa Kongreso — Castro
IGINIIT ni Capiz Congressman Fredenil Castro ang paghingi ng paumanhin ni Sen. Panfilo Lacson sa buong institusyon ng Kamara at sa mga mambabatas nito dahil sa kanyang mga mali at walang basehang paratang na may dagdag na pondo umano ang nakalakip sa proposed 2020 national budget para sa deputy speakers at iba pang kongresista. Bilang kinatawan ng Kamara, sinabi ni …
Read More »Evangelista ng PMA pinuri ng Palasyo sa resignasyon
KAPURI-PURI ang pagpapakita ng delicadeza ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista nang magbitiw bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) matapos mamatay si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tamang hakbang sa gitna ng pagsisimula ng ikakasang imbestigasyon sa insidente ang pagre-resign ni Evangelista. “We welcome this development as a right step towards …
Read More »Shootout sa Parañaque… 5 miyembro ng robbery hold-up group todas sa pulis
LIMANG lalaki na hinihinalang miyembro ng “Candelaria” robbery hold-up group, sinasabing sangkot sa nakawan at holdapan, ang napatay matapos manlaban sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Kinilala ang mga napatay na sina Joseph Candelaria, at Nazzan Albao, kapwa dating miyembro ng Philippine Army (PA); at sina alyas Alenain, Aseras, at Cornoso, pawang dating miyembro ng Philippine Marines …
Read More »P1.5-B pork ihahatag para sa 22 deputy speakers — Lacson
IBINUNYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na bukod sa P100 milyong alokasyon sa bawat kongresista ay makatatanggap ng karagdagang P1.5 bilyong pondo ang nasa 22 deputy speakers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Lacson, mismong sa isang kapwa niya mambabatas nakuha ang naturang impormasyon. Sinabi ni Lacson, bukod dito ang umano’y tig-P700 milyon na matatanggap ng lahat ng miyembro …
Read More »Bro Eddie to Ping: ‘WAG KANG SINUNGALING! (P1.5-B pork ihahatag para sa 22 deputy speakers — Lacson)
PAWANG kasinungalingan! ‘Yan ang naging pahayag ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC party-list sa alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tatanggap umano ang mga deputy speaker ng Kamara ng dagdag na bilyong pondo sa ilalim ng P1.4 trilyong national budget para sa taong 2020. Ayon kay Villanueva, walang basehan at hinugot lamang sa hangin ang mga paratang ni …
Read More »Preso patay sa selda
NAMATAY ang isang 41-anyos lalaking inmate na sinabing nahirapan makahinga sa loob ng selda ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3), kahapon ng umaga. Kinilala ang namatay na inmate na si Richard Espanillo y Marquez, may kasong shoplifting sa SM San Lazaro, at residente sa Dimasalang St., Sampaloc, Maynila. Ayon sa ulat, dakong 6:30 am nang isugod sa Jose …
Read More »8 sa 10 Pinoy, pabor sa kampanyang anti-droga ni Digong
IKINATUWA ng Palasyo na 8 sa 10 adult Pinoy ay pabor sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra illegal drugs, batay sa pinakahuling Social Weather Survey (SWS). Sa kalatas ay sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na anomang imbestigasyon kaugnay sa drug war ng administrasyon ay walang epekto sa paniniwala ng mga Pinoy sa klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. …
Read More »Ibinasurang loans, grants ng 18 bansang pro-Iceland ‘wa epek sa Ph economy
NANINIWALA ang Malacañang na walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loans at grants ng 18 bansa na sumuporta sa resolution ng Iceland na imbestigahan ang drug war ng administrasyon. “There are other bilateral partners and institutions, and other countries outside of the 18 offering the same and no better rates than these countries. …
Read More »Kelot patay, 2 sugatan sa trip ng 4 senglot
ISANG lalaki ang namatay habang sugatan ang kanyang dalawang kasama nang makursunadahang bugbugin ng apat na lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Richard Gregorio, 50 anyos, ng Brgy. Tugatog sanhi ng pinsala sa ulo, habang bugbog at sugat sa mukha ang pinsala ni Simplicio Navarro, …
Read More »