TATLONG araw isinailalim sa lockdown ang central office ng National Police Commission (Napolcom) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City nang magpositibo sa CoVid-19 ang ilang kawni ng ahensiya. Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Vitaliano Aguirre II, ang lockdown ay sinimulan nitong Miyerkoles, 17 Marso, at magtatagal hanggang sa Biyernes, 19 Marso. …
Read More »Masonry Layout
Bank teller sugatan sa ‘lumusot’ na SUV (Salamin ng banko binunggo)
SUGATAN ang isang babaeng empleyado nang bumangga at dumeretso sa loob ng isang banko ang isang sport utility vehicle (SUV) na Mitsubishi Montero sa EDSA, sa lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong 8:05 am naganap ang insidente nang matapakan ng nagmamaneho na kinilalang si Dr. Esther Peralta ang accelerator ng kanyang …
Read More »Andanar deadma sa CoVid-19 crisis sa PTV-4 (Epal sa propa vs Duterte critics)
TIKOM ang bibig ni Communications Secretary Martin Andanar sa lumalalang sitwasyon ng coronavirus disease (CoVid-19) sa hanay ng mga empleyado sa government-run People’s Television Network (PTV). Pansamantalang nawala sa ere kahapon ang PTV bunsod nang isasagawa umanong disinfection sa buong gusali at pasilidad nito. Nabatid sa source na mahigit 30 ang aktibong kaso ng CoVid-19 sa PTV ngunit ang iniulat …
Read More »15 sasakyan inararo ng Honda sedan 10 sugatan (Sa Maynila)
ISINUGOD sa iba’t ibang pagamutan ang sampung indibidwal nang ararohin ng isang kotse nitong Miyerkoles ng hapon, sa Ermita, Maynila. Sa ulat, 1:30 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Finance Road na umabot sa 15 sasakyan at motorsiklo ang napinsala. Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement and Traffic Bureau, sinabing binalewala ng driver …
Read More »Paghahati sa lalawigan tinanggihan ng Palaweño (Sa botong 172,304 kontra 122,223)
TINANGGIHAN ng mga residente ng lalawigan ng Palawan ang mungkahing hatiin ito sa Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Palawan Oriental. Opisyal na inilabas ang resulta ng plebesito nitong Martes, 16 Marso. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, nabilang ng Board of Canvassers ang may kabuuang 172,304 NO votes at 122,223 YES votes, na isang munisipalidad …
Read More »2 tirador ng ‘metal’ sa SJDM timbog
NALUTAS ng mga awtoridad ang laganap na nakawan ng mga asero (metal) sa bakuran ng mga farm sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nang masakote ang dalawang kawatan nitong Lunes ng gabi, 15 Marso. Sa ulat mula kay P/Maj. Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala …
Read More »Curfew violators marami sa Maynila
NAGTALA ng pinakamaraming pasaway sa unang arangkada ng ipinatupad na Uniform Impelentation of Curfew Hours (UICH) ang nadakip sa Maynila. Ayon kay NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa ginawang assessment ng NCRPO sa unang arangkada ng UICH sa Metro Manila ay umabot sa 1,236 curfew violators ang nahuli. Nabatid sa ipinadalang report kay Manila Police District director P/BGen. Leo …
Read More »819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC
SA UNANG ARAW ng pagpapatupad ng curfew hours, umabot sa 819 katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, at Task Force Disiplina sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Ang mga inaresto ay dinala sa kanilang mga barangay at inisyuhan ng …
Read More »Parañaque legislative building ini-lockdown
ISINAILALIM sa lockdown ang legislative building sa lungsod ng Parañaque simula ngayong araw ng Martes hanggang sa 21 Marso. Ayon kay Ding Soriano, administrator ng Parañaque City Hall marami ang nagpositibo sa korte kabilang ang sheriff court personnel at iba pa. Sa ngayon ay wala pang ibinigay na datos ang Parañaque local government unit (LGU) kung ilan ang bilang ng …
Read More »Bagong isolation facility handa na vs CoVid-19 (Sa paglobo ng mga kaso)
SA PATULOY na paglobo ng mga kaso ng CoVid-19, tiniyak ni Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga na handa anomang oras ang bagong isolation facility ng lalawigan sa bayan ng Mexico upang matiyak ang seguridad ng mga Kapampangan sa panahon ng pandemya. Pahayag ni Dr. Dax Tidula, incident commander ng National Government …
Read More »Konsehal ng Quezon, inireklamo sa kasong rape at kidnapping
NAHAHARAP sa bagong kaso ng kidnaping at panggagahasa ang isang konsehal ng Lopez, lalawigan ng Quezon matapos maghain ng pormal na reklamong administratibong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, at Dishonesty and Oppression ang 18-anyos biktima sa tanggapan ng Ombudsman. Sa pitong pahinang sinumpaang salaysay ng biktima na kinilalang alyas Sharon, direktang tinukoy si Lopez Councilor Arkie Manuel Yulde a.k.a. …
Read More »Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista
NANANAWAGAN ang grupo ng concerned Romblomanon sa Sandiganbayan na lutasin ang kaso laban sa incumbent congressman ng lalawigan na si Eleandro Jesus Madrona, nahaharap sa graft charges sa anti-graft court. Ayon sa Romblon Alliance Against Corruption and Dynasty (RAACD) na pinamumunuan ni journalist Nick Ferrer, si Madrona at dalawa pang ranking provincial agricultural employees ay may ilang taon nang naka-pending …
Read More »Pangako ni Duterte vs Covid-19, hungkag (Coronavirus inismol)
HUNGKAG ang mga pinakakawalang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa paglaban sa CoVid-19. Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro, ang mga pahayag ng Pangulo kamakalawa ng gabi na “huwag matakot, hindi ko kayo iiwan” ay walang kahulugan dahil ang kailangan ng mga Pinoy ay mass testing, mabisang contract tracing, sapat na ayuda, epektibo, at episyenteng …
Read More »Bulacan, walang community transmission ng UK at South African variants
INILINAW ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan na wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng kahit anong CoVid-19 variant partikular ang UK at South African variants. Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning overseas Filipino workers (OFWs) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng …
Read More »2 tulak, menor de-edad, timbog sa serye ng drug ops sa Bulacan
ARESTADO ang tatlong hinihinalang notoryus na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkasunod na anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 15 Enero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang tatlong suspek na sina Mark Anthony Menes, alyas Chinito, residente sa Brgy. Lambakin, bayan ng …
Read More »Mahabang curfew hours ipatutupad sa Maynila
SINIMULAN nitong Lunes ng gabi ang pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng CoVid-19 hindi lamang sa lungsod kundi sa buong Metro Manila. Batay sa ipinatutupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila, simula 8:00 pm hanggang 5:00 am ang curfew hours sa edad 16 anyos pababa habang 10:00 …
Read More »Roque positibo sa CoVid-19
NAGPOSITIBO si Presidential Spokesman Harry Roque sa coronavirus disease (CoVid-19). Inamin ito ni Roque kahapon sa virtual Palace press briefing. Sinabi niya, 11:29 am kahapon nang matanggap niya ang resulta pero dahil nasa kanyang opisina na siya ay nagpasya siyang ituloy ang virtual press briefing ngunit mag-isa na lamang siya sa kanyang silid. Dalawang beses umano siyang sumailalim sa RT-PCR …
Read More »53 pulis positibo sa covid-19 (MPD-PS 11 LOCKDOWN)
ISINAILALIM sa lockdown ang Manila Police District – Meisic Station (PS-11) nang magpositibo ang 53 pulis sa CoVid-19 mula sa 241 puwersa ng pulisya sa isinagawang swab test a Lungsod ng Maynila. Sa personal na panayam kay MPD Director, P/BGen. Leo Francisco, sumalang sa swab test ang kanilang 241 pulis nitong 11 Marso, at 53 sa kanila ay positibo. Nabatid …
Read More »AFP PA 600 medical frontliners sa Rizal binakunahan vs CoVid-19
TINURUKAN ng bakuna ang tinatayang 600 medical frontliners ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army sa vaccination rollout ng CoVid-19 vaccine sa Camp Capinpin, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado, 13 Marso. Magkasamang tinanggap nina Brig. Gen. Rommel Tello, Assistant Division Commander, at Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco kamakalawa ang 1,200 vials ng CoVid-19 vaccine na …
Read More »Sinas panagutin — Calapan mayor (Sa kanyang ‘reckless behavior’ at pagiging perennial violator)
IPINAHAYAG ng alkalde ng lungsod ng Calapan, lalawigan ng Oriental Mindoro, nitong Sabado, 13 Marso, dapat managot si Philippine National Police chief P/Gen. Debold Sinas sa kanyang “reckless behavior” matapos labagin ang screening protocols habang positibo sa CoVid-19. Sinabi ni Mayor Arnan Panaligan sa thread ng isang post sa opisyal na Facebook page ng lungsod ng Calapan na bigong sumunod …
Read More »3-anyos nene ibinitiin ng buryong na ama (Misis na OFW habang ka-video call)
NAILIGTAS ng mga awtoridad ang 3-anyos batang babae sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan mula sa kalupitan ng sariling ama na bina-blackmail ang damdamin ng overseas Filipino workers (OFW) na kanyang live-in partner sa pamamagitan ng pagbitin sa kanilang anak. Sa ulat mula sa Bocaue Municipal Police Station (MPS) na ipinadala kay Bulacan police director P/Lt. Col. Lawrence …
Read More »Drug den sinalakay 5 tulak nalambat
LIMANG hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga ang nalambat sa isinagawang pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency3 (PDEA3) sa pamumuno ni Director Christian Frivaldo at Mabalacat City Police Station sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rossel Cejas nitong Sabado, 13 Marso, sa mismong drug den na minamantina ng mga suspek sa Brgy. Dapdap, sa lungsod ng Mabalacat, …
Read More »Quarry checker sa Pampanga timbog sa droga
ARESTADO ang isang quarry checker matapos pagbentahan ng ilegal na droga ang mga hindi nakilalang anti-narcotics operative ng Mabalacat City Police SDEU nitong Biyernes, 12 Marso, sa isang mini-farm, sa 56 St., Mawaque Resettlement Center, Sapang Biabas, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/Col. Arnold Ibay ang suspek batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rossel Cejas, na …
Read More »4 sundalong wanted sa batas tiklo sa Manhunt Charlie ng PRO3 PNP
NADAKIP ang apat na miyembro ng Philippine Army (PA) na pawang pinaghahanap ng batas, ng mga kagawad ng Palayan City Police Office sa patuloy na pagsasagawa ng Operation Manhunt Charlie ng PNP Regional Office 3 nitong 11 at 12 Marso sa mga barangay ng Singalat at Militar, sa lungsod ng Palayan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de …
Read More »Loan para sa tourist workers
HILING ng isang tourism group sa pamahalaan na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na makapag-loan sa financial institutions na walang kolateral ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Turismo, Isulong Mo Pres. Raissa T. Melivo, malaking tulong kung makapag-loan ang mga manggagawa sa tourism industry para sa kanilang munting kabuhayan habang lugmok pa ang turismo sa buong mundo. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com