Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Underspending sa 2020 dapat iwasan ng gobyerno

MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act para sa 2020, hinimok ni House deputy majority leader BH party-list Rep. Bernadette Herrera ang Ehekutibo na gastusin ito sa pinakamaayos at mabi­­li­sang paraan upang maiwasan ang under­spending sa gobyerno. “The ball is now in the executive department’s court on how to spend the funds in a fast but proper manner …

Read More »

No deployment ban sa Kuwait — Duterte

OFW kuwait

HINDI magpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ginahasa at pinatay ng kanyang employer ang isang Pinay overseas worker. Sinabi ng Pangulo sa panayam sa ABS-CBN kamakalawa na iba ang sitwasyon ngayon kompara sa mga naka­lipas na taon dahil mabilis ang pag-aksiyon ng mga awtoridad sa Kuwait at agad na dinakip ang employers ni Jeanalyn …

Read More »

Bugok na parak sinibak ni Año

Eduardo Ano

BINALAAN ni Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga ‘bulok’ na pulis  na sangkot sa korupsiyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga na kanyang sisipain sa  loob ng  Philippine National Police (PNP). Ayon kay Año, titiyakin niyang matatanggal mula sa PNP ang mga ‘bugok na itlog’ dahil sila ang nakasisira sa imahen …

Read More »

Duterte cronies target sa water services?

PLANO ni Pangulong  Rodrigo Duterte na ipasa sa kanyang cronies ang water concession agree­ment kaya walang puk­nat sa pagbira sa Manila Water at Maynilad, ayon sa isang labor goup. Sinabi ni Leody de Guzman, pangulo  ng Bukluran ng Mangga­gawang Pilipino (BMP), nais ni Duterte na baklasin ang dalawang naturang water distributors at ibigay ang kontrata sa  kanyang mga kaibigang sina …

Read More »

Dagdag presyo hiling ng manufacturers

HUMIHILING ng dagdag na presyo ang mga manu­facturers ng mga pro­duktong de-lata tulad ng canned meat, sardinas, gatas, sabon panlaba at pampaligo, at iba pang basic commodities sa Department of Trade and Industry (DTI), dahil sa tumaas na presyo ng kanilang mga ginagamit na imported raw material sa pagawa ng kanilang mga produkto. Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, P0.50 …

Read More »

Siyam taon nagtago… Pumatay sa nobya nasakote sa Laguna

arrest posas

NAHULI na rin ng mga ope­ratiba ng Pasay City Police sa ikinasang follow-up operation ang tinagu­riang no. 1 most wanted sa lungsod dahil sa pagpas­lang sa kanyang nobya noong taon 2011. Kinilala ni Pasay City Police chief P/Col. Bernard Yang, ang inarestong suspek na si Kristoffer Von Moraleja, 27, binata, jobless ng Sarrial St., Barangay 95 Zone 11, Pasay City. …

Read More »

Bebot ninakawan ng puri, valuables ng 5-day lover

SISING-SISI ang isang magandang telecom company manager makaraang ibigay ang sarili at lasa­pin ang sarap kapalit ang isang oras na kaligayan sa kamay ng inakala niyang lover ngunit magnanakaw pala sa  Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dakong 9:00 pm kamakalawa ng gabi nang mag-check-in sa isang motel sa Brgy. Potrero ang biktimang itinago sa pangalang Jovy, 47 anyos, kasama ang suspek na …

Read More »

Malls papanagutin sa sasakyang napinsala sa parking

MATAPOS mabiktima si ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran ng basag kotse gang sa SM Sta. Mesa, ipinanukala ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera Dy sa Kamara na linawin ang responsibilidad ng nga establisimiyento sa kanilang customers. Sa  House Bill 3215 na inihain ni Herrera, dapat ma-regulate at maging malinaw ang patakaran sa pay parking areas. “While there are available parking …

Read More »

OFW department muling iniapelang aprobahan sa Kongreso

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go  sa kanyang mga kasa­mahan sa Senado at sa Kongreso na ipasa na ang kanyang panukalang batas na pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers. Ito ay sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Iraq at ilang  bahagi ng Middle East dahil sa gera ng Iran at America. Nanawagan si Go sa mga mambabatas na huwag nang  hintayin …

Read More »

Pangulo nakasubaybay sa atake ng Iran at US

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go  na “closely monitored” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palitan ng pag-atake ng Amerika at Iran sa isa’t isa. Kaugnay nito, sinabi ni Go na pinakilos ni Pangulong  Duterte ang DND, AFP, DFA at maging si Secretary Roy Cimatu para maseguro ang repatriation ng mga  apektadong Filipino sa Iraq at iba pang lugar na apektado …

Read More »

BuCor chief, 2 pa absuwelto sa namatay na 10 preso

INABSUWELTO ng Para­ñaque City Regional Trial Court (RTC) ang ngayon ay Bureau of Corrections (BuCor) Director at dalawa niyang tauhan sa kasong homicide na ikinamatay ng 10 preso sa nangyaring  pagsabog sa loob ng tang­gapan nito sa Parañaque City Jail noong  2016. Base sa 16-pahinang desisyon na inilabas ni Parañaque City RTC Acting Presiding Judge Betlee-Ian Barraquiad ng Branch 274 …

Read More »

Traslacion 2020, 16 oras naglakbay

UMABOT sa 16 oras ang pagbabalik ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church, ang itinuturing na pinakamalaking pru­sisyon sa Filipinas, na nagsimula sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila bago sumikat ang araw kahapon, 9 Enero. Tinatawag na Tras­lacion, ang pagbabalik ng Itim na Nazareno sa loob ng Minor Basilica o Quia­po Church, na umabot sa loob ng 16 oras, …

Read More »

Sa ilalim ng SSL5… Umento sa sahod ng titsers, nurses nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi ang 2019 Salary Standardization Law (SSL) na naghudyat ng umento sa sahod ng may 1.4 milyong kawani at opisyal ng gobyerno. Ayon kay Presi­dential Spokesman Sal­va­dor Panelo, makiki­nabang ang mga napa­bayaang sektor ng gobyerno lalo ang mga guro at nurse. “I’m sure this law will benefit those hardworking men and women in …

Read More »

Sa Tiaong, Quezon… Ex-solon, 2 pa naabo sa sinunog na kotse

HINIHINALANG pinatay muna saka isinakay sa kotse at sinilaban sa ibabaw ng isang tulay sa Tiaong, Quezon ang natagpuang tatlong bangkay, na ang isa ay pinani­niwalaang si dating congressman at naging Immigration commissioner Edgardo Mendoza. Natagpuan ang sunog na kotse kahapon ng madaling araw, Huwe­bes, 9 Enero sa tulay ng San Francisco, sa Bara­ngay San Francisco, Tiaong. Ayon kay P/Maj. …

Read More »

‘Kristo’ itinumba sa sabungan

Sabong manok

PATAY ang isang ‘kristo’ o tagatawag ng pusta at taya sa sabu­ngan na sina­bing sangkot sa panda­raya sa mga sabungero nang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa parking lot ng sabungan sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi. Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang  si Alexander Francisco, 54 anyos, residente sa S. Pascual Beacum, Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, sanhi ng  …

Read More »

Para sa Traslacion… Signal sa Maynila, karatig-lungsod pinutol sandali

PANSAMANTALANG ipinaputol ang signal sa lahat ng linya ng komu­nikasyon sa Maynila at karatig lungsod, ng National Telecom­mu­nications Commission (NTC) sa Globe Telecom at Smart Communication Inc., para sa Traslacion 2020. Ito, ayon sa NTC, ay base sa direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director, P/BGen. Debold Sinas na putulin ang network service simula 11:00 pm kahapon …

Read More »

One-stop shop ng Manila City hall tigil muna para sa Traslacion 2020

PANSAMANTALANG isasara ngayong araw ng Huwebes ang business one-stop shop ng Manila City Hall sa SM Manila, upang magbigay daan sa Kapistahan ng Itim na Nazareno. Pinayohan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga negosyante sa Maynila na huwag nang hintayin ang deadline sa 31 Enero para mag-apply at mag-renew ng kanilang business permit. Matatandaang una nang sinuspendi ng …

Read More »

Krisis sa Iraq itinaas ng DFA sa alert level 4

NASA crisis alert level 4 para sa mga Pinoy ang Iraq dahil sa matinding tensiyon matapos pas­langin si Iranian general Qasem Soleimani, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa drone strike ng bansang America nitong nakaraang linggo. Sa ngayon ay nasa alert level 4 ang pinaka­mataas na travel advisories na inilabas ng DFA. “Inatasan na po …

Read More »

P1.8-B sa OFWs’ repatriation handa na — DoF

MAY nakahandang P1.8 bilyon para sa repatria­tion program ng gobyerno sa mga Filipino sa Iran at Iraq, ayon sa Department of Finance. Sinabi ni Finance assistant secretary Rolan­do Toledo sa press briefing sa Palasyo na handa na ang kabuuang P1.8  bilyon standby funds anomang oras na gamitin ng gobyerno para sa ikinakasang evacua­tion at repatriation sa mga naiipit na Filipino …

Read More »

1 suspek nadakip, 1 nakatakas… PDEA Intel patay sa kabaro, 2 sugatan

gun QC

BINARIL at napatay ang isang intelligence officer ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ng kanyang kabaro, habang dalawa ang nasugatan nang pumagitna at awatin ang kasama na nakitang nakikipagtalo sa isa sa kostumer sa comfort room ng  isang kainan sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala …

Read More »

Ama isinabit ni De Lima sa droga… Rep. Velasco ok sa drug war ng Digong admin

IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte administration sa harap ng pagbatikos ni Vice President Leni Robredo. Ayon kay Velasco, 79% Pinoy ang satisfied sa anti drug campaign batay sa Social Weather Station (SWS) Survey at mula nang ilunsad ito noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino …

Read More »

Bagong kontrata sa 2 water concessionaire igigiit ng Palasyo

BINIGYAN ng tsansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water con­cessionaires na tanggapin ang bagong concession agreement na ipapalit sa umiiral na kontrata na dehado ang taong bayan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag tumanggi ang Maynilad at Manila Water sa bagong kontrata, iuutos ni Pangulong Duterte ang kanselasyon ng umiiral na concession agreement at itutuloy ang pag-takeover ng …

Read More »

Koreano nahulog sa 18th floor gutay-gutay

suicide jump hulog

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang Koreano nang mahulog  sa ika-18 palapag ng isang condominium  sa Taft Avenue, Maynila kahapon. Dakong 12:00 am nang madiskubreng naka­handusay sa  loob ng compound ng isang unibersidad ang biktima na inaalam pa ang pag­kakakilanlan. Masusing imiimbes­tigahan ng pulisya kung may nangyaring foul play, aksidente o sinad­yang magpa­kamatay ng biktima na tinatayang nasa edad 40 …

Read More »

Holdaper ng bank teller, patay sa enkuwentro

dead gun police

PATAY noon din sa pinangyarihan ang  holdaper na riding-in-tandem habang nakata­kas ang kanyang kasa­ma sa naganap na shootout matapos hol­da­pin ang isang bank teller sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, inilarawan ang napatay na holdaper na may taas na 5’1, slim build, fair complexion, may tattoo na …

Read More »