Friday , March 31 2023
Ipo Dam
Ipo Dam

Ipo Dam nagpawala ng tubig (Sa walang tigil na ulan)

NAGSAGAWA ng spilling operations ang pamunuan ng Ipo Dam sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng tanghali, 25 Hulyo, dahil sa walang tigil at malakas na pag-ulan hatid ng habagat.

Naitala ang antas ng tubig sa dam sa 101.3 metro dakong 12:00 pm, mas mataas sa naitalang 100.56 metro dakong 7:00 am.

Sa advisory ng PAGASA, dakong 1:00 pm kahapon, inaasahang tataas ang antas ng tubig sa dam dahil sa malakas na pag-ulan.

Sinimulan ng pamunuan ng Ipo Dam ang pagpapakawala ng tubig dakong 12:29 pm na may approximate discharge na 40.8 sentimetro.

Pinayohan ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa pampang ng Angat River mula sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy, na maging alerto sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilog.

About hataw tabloid

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *