Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Malacañang nakiramay kay VP Leni Robredo

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ng kanyang inang si Salvacion Gerona. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Ginang Gerona dahil sa pagiging guro at paghubog sa kaalaman ng ilang henerasyon ng mga kabataan. Ipinapanalangin aniya ng Palasyo ang kaluluwa ni Ginang Gerona. Hindi alam ni Panelo …

Read More »

9 arestado sa ilegal na pangingisda sa Albay

illegal fishing with the use of explosives

NADAKIP ang siyam na mangingisda dahil sa paggamit ng ‘homemade explosives’ habang nama­malakaya sa dagat ng bayan ng Pio Duran, sa lalawigan ng Albay noong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero. Ayon kay P/Capt. Dexter Panganiban, taga­pagsalita ng Albay police,  inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Gilbert Guerra, Jomar Dela Rosa, Robert Labrusto, Jonel Labrusto, Andy Paul Labrusto, Anthony Cañete, …

Read More »

P.3-M natangay sa sexagenarian na engineer ng riding in tandem

money thief

NILIMAS ng mga naka-motorsiklong kawatan ang mahahalagang bagay mula sa isang senior citizen nang holdapin kahapon ng umaga, 20 Pebrero, sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang biktimang si Rodel Jasa, 63 anyos, isang engineer, at nakatira sa Villa Grande, Bgy. Lambakin, sa naturang bayan. Ayon sa anak ng biktima na si Kagawad Mary Del Adan Jasa, …

Read More »

PNP official nabiktima ng ‘basag-kotse’ sa Marikina

TINANGAY ang passport at dalawang mamahaling mobile phone ng isang mataas na opisyal ng PNP-PRO-4A ng kilabot na ‘basag-kotse’ habang nakaparada sa lungsod ng Marikina, nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero. Kinilala ang opisyal ng pulisya na si P/Col. Roland Bulalacao na nakatalaga sa Calabarzon. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 11:00 am kamakalawa nangyari ang insidente hindi kalayuan …

Read More »

Lihim na modus ng junkshop driver nabuking (Top 10 most wanted timbog sa droga)

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang truck driver ng junkshop na lumi­linya sa palihim na pag­tutulak ng droga kama­kalawa ng gabi, 19 Pebrero, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Sa ipinadalang ulat ni P/Lt. Col. Michael John Riego, hepe ng Lubao Municipal Police Station kay PRO3 director P/BGen. Rhodel Sermonia, naaktohan ng kaniyang mga tauhan na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang suspek …

Read More »

Lalaking nagbebenta ng tubig niratrat patay sa Baseco

dead gun police

PATAY ang isang 44-anyos lalaki matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nagbabantay sa pagbebenta ng tubig sa mga kapitbahay at abala rin sa pagte-text gamit ang kanyang mobile phone, malapit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kinilala ang biktima na si Noel Llegue, residente sa Block 5, R12 U 772 Habitat, Baseco, Port Area. Sa report,  11:10 pm ng …

Read More »

Sa Maynila… 2 magnanakaw ng kable timbog

arrest posas

KULONG ang dalawang magnanakaw ng kable ng street light nang maaktohan ng contractor/helper ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila. Isinalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors’ Office ang mga suspek na sina Mark Christian Leonero, alyas Tsuptsup, 18 anyos, walang trabaho ng 1917 Ma. Orosa St., San Andres, Malate, Maynila; at Jericho Mance, alyas Jepoy, 26,  binata, ng 1624 …

Read More »

Media ‘di dapat tumestigo sa kaso ng droga — Rep. Rodriguez

media press killing

NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na amyendahan ang batas na nag-uutos sa miyembro ng media na mag-testify sa mga kaso ng droga na coverage nila. Ani Rodriguez, hindi trabaho ng media ang dokumentasyon at tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa mga sangkot sa droga. “Spare media from being forced to testify in court for drug cases,” …

Read More »

Kumander Bilog, humarap sa korte

HUMARAP sa sala ni Judge Judge Thelma Bunyi ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ang dating lider ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army (CPP-NPA) mata­pos maaresto sa   Pampanga. Si Rodolfo Salas, 72, kilala bilang Kumander Bilog ay naaresto sa kan­yang bahay sa Balibago, Angeles City, Pampanga at humarap sa korte upang harapin ang …

Read More »

2 tulak ng ‘injectable shabu’ online huli sa PDEA

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

DINAKIP ang dalawang nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online ng mga ahente ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del Rosario …

Read More »

Netherlands Ambassador, nag-courtesy call kay Isko

DUMALAW at nagbi­gay-pugay si Netherlands Ambassador Saskia de Lang kay Mayor Isko Moreno. Bumisita si de Lang sa opisina ng alkalde sa Manila City Hall, nitong araw ng Miyerkoles. Sa pulong, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga plano para sa pag­pa­paunlad ng Maynila. Ibinida ng alkalde ang pagbuo ng task force na magpapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada sa …

Read More »

Sa utos na manhunt ni Yorme… Suspek sa pagbaril at holdap sa mami vendor kalaboso

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang holdaper na namaril at malubhang nakasugat sa isang mami vendor, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Pahayag ng suspek na si Alexander Ogdamina, residente sa Blk.1 Gasa­ngan, Baseco Compound, Port Area, ‘ipapayo niya sa mga biktima ng holdap na ibigay na lang ang mga gamit kaysa mabaril …

Read More »

BI sa NAIA winalis ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA dahil sa pagkakasangkot sa nabulgar na ‘pastillas’ scheme. Sa kanyang talumpati kahapon sa graduation ceremony ng Public Safety Officers Course, iginiit ng Pangulo ang paniniwala na walang kinalaman si Immigration chief Jaime Morente sa ‘pastillas’ scheme. “Kahapon I ter­minated all kay [Bureau …

Read More »

Espenido kabadong itutumba ng gov’t forces

Duterte Espenido

MAAARING may mga sariling dahilan si P/Lt. Col. Jovie Espenido sa kanyang pangambang baka itumba siya ng gobyerno o ng mga pulis. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa sinabi ni Espenido na walang ibang magpapapatay sa kanya kundi ang gobyerno o mga pulis. “There will be no other entity that would kill me. It would be the …

Read More »

Pangakong 2,500 cell sites pinangambahang ‘di matuloy… Honasan alanganin sa 3rd telco

MAY pag-aalinlangan si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco — ang DITO Telecommunity Corp., na makompleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020. Ang commercial operations ng DITO, dating Mislatel Con­sortium, ay pinanga­ngambahang maantala dahil sa komplikadong proseso ng pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng cell tower. Ayon …

Read More »

Politika ni Trillanes dapat iwasan — Duterte

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na iwasan si dating Sen. Antonio Trillanes IV at huwag paniwalaan ang mga sinasabi. Ayon sa Pangulo, puro daldal si Trillanes, nagpa­pasiklab kahit hindi naman n­apasabak sa giyera noong sundalo pa. “Pati si Trillanes sige daldal hanggang ngayon. Alam mo, you are… kayo ang nasa, mga politiko, mga politiko basta politika lang, so …

Read More »

Health care employees paglalaanan ng libreng tirahan — Mayor Isko

MAAYOS at libreng matutuluyan ang ibibi­gay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­so sa health workers  ng anim na district hospital sa Maynila kabilang ang mga kawani ng Manila Health Department na malayo ang inuuwian at hirap sa araw-araw na pagbiyahe. Inihayag ito ni Moreno sa ginanap na kauna-unahang  Consultative Meeting  kasama ang  Medical Health Sector na dinalohan nina Vice Mayor Honey …

Read More »

Sa ABS CBN franchise… NTC nagpasaklolo sa DOJ

ABS-CBN congress kamara

INAMIN ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go, humingi na ng saklolo ang National Telecommunication Commission (NTC) sa Department of Justice (DOJ) para sa usapin ng prankisa ng ABS CBN sakaling tuluyan nang mapaso sa katapusan ng Marso. Ayon kay Go, ito ay upang matiyak kung ano ba talaga ang tamang magiging desisyon sa prankisa ng ABS CBN. Sinabi ni Go, …

Read More »

Panelo desentonado sa pahayag ng Pangulo

HINDI kostumbre ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang Kongreso na madaliin ang proseso ng renewal o pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN. Reaksiyon ito ng Palasyo sa hamon kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN kung talagang hindi siya kontra rito. “Bakit naman kaila­ngan magbigay ng urgency ng pag-ano, e ‘di ibig sabihin nagdi-dis­criminate …

Read More »

Ambush sa BuCor legal chief walang epekto sa GCTA — Sec. Panelo

nbp bilibid

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magi­ging epekto sa imbesti­gasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananam­bang kahapon sa isang opisyal ng  Bureau of Corrections (Bucor). Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng  BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak. Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush …

Read More »

Tumestigo sa ‘freedom for sale’… Ex-Legal Chief ng BuCor patay sa ambush

TINAMBANGAN ang isang suspen­didong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang armadong suspek habang sakay ng kanyang minamanehong pick-up van sa Muntinlupa City kahapon ng hapon.         Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Atty. Fredric Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor. Sa inisyal na report ng Muntinlupa Police nang­yari ang …

Read More »

OFWs mula HK, Macau maaari nang bumiyahe

PUWEDE nang bumi­yahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang overseas Filipino workers (OFWs). Ito ay dahil partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Filipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa coronavirus disease o COVID-19.Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kina­kailangang lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa …

Read More »

Palasyo tahimik sa ‘shopping spree’ ni Dennis Uy

TIKOM ang bibig ng Pala­syo sa ulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang mga negosyo. “Hindi ko yata… ngayon ko lang narinig iyan… I don’t know about that. Kausap ko lang siya the other night. At sabi ko sa kanya, …

Read More »

Super health centers sa bawat distrito ng Maynila — Isko

SA KAUNA-UNA­HANG pagkakataon ay magkakaroon ng super centers ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila bilang alay ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Maynila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna, super centers na maituturing matapos masaksihan ang iniharap na plano ni Manila Health Depart­ment (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa …

Read More »