Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

Grandstand drive-thru COVID-19 testing kasado na ngayon

KASADO na ngayong araw ang operasyon ng ikalawang bagong tayong libreng drive-thru COVID-19 testing center na matatagpuan sa Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand, Ermita, Maynila. Ang pagbubukas sa darating na lunes ay bunsod ng isinagawang dry run ng drive thru COVID-19 testing na pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sabado ng umaga, bilang pagtitiyak na magiging maayos …

Read More »

Palasyo umalma sa CBCP

CBCP

UMALMA ang Palasyo sa maanghang na pastoral letter ng CBCP at sinabing tila paglabag ito sa doktrina ng “separation of Church and State” na nakasaad sa Saligang Batas. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pahayag ng CBCP ay pareho sa “false narrative” ng mga kritiko ng Anti-Terror Law. Para sa Malacañang, ang adbokasiya ng CBCP maging ang …

Read More »

‘Laging Handa’ butata sa COVID-19

TALIWAS sa paulit-ulit na panawagan sa publiko ng programang Laging Handa sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), desmayado ang ilang empleyado ng state-run network sa tila pagpapabaya sa kanila kaya’t may 19 kawani ang nagpositibo sa nasabing sakit. Batay sa source, noong 5 Hulyo, napaulat na nagpositibo …

Read More »

Bangayan ng CBCP vs Palasyo sa Anti-Terror Law, umusok

KAHALINTULAD ng lagim ng warrantless arrests at detention sa batas militar na ipinairal ng diktadurang Marcos noong 1972 na pumatay sa demokrasya sa loob ng 14 taon ang Anti-Terror Law ng administrasyong Duterte. Inihayag ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa inilabas na pastoral letter at nilagdaan ni CBCP acting president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David. Ayon …

Read More »

Mega web of corruption: P1.5-B DepEd project, obrero ng IBC-13 etsapuwera (Ika-limang Bahagi)

ni Rose Novenario HUMIHIRIT ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Kongreso na dagdagan ang budget ng state-run network ng P1.5 bilyon para tustusan ang modernisasyon ng mga pasilidad at kagamitan nito bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Naging malaking palaisipan sa mga magulang, mag-aaral at akademista kung aabot sa napipintong pagbubukas …

Read More »

Frontliners at netizens galit kay Ex-mayor Bistek

MARAMING frontliners at netizens ang galit ngayon kay dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista matapos sabihin sa kanyang Facebook post na ang ‘lack of common sense’ ay dahilan para madapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang indibidwal. Wala pang isang linggo matapos aminin ni QC Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19, ipinaskil naman ni Bautista sa …

Read More »

Negosyo buksan, mass testing gawin na — solons

NANINIWALA ang ilan sa mga kongresista na kailangan nang tigilan ang lockdown, buksan na ang negosyo at isagawa ang mass-testing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Desmayado rin ang mga mambabatas sa pamamalakad ni Health Secretary Francisco Duque kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, …

Read More »

BI Modernization Act isinusulong sa Senado

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang Bureau of Immigration Modernization Act of 2020 sa pamamagitan ng Senate Bill 1649.   Sinabi ni Go, layon nitong maamyendahan ang lumang batas para mas mapabuti ang serbisyo ng Immigration, mas maaalagaan ang mga Filipino at mas maprotektahan ang bansa sa iba’t ibang panganib na puwedeng dumaan.   Ipinaliwanag ni Go, taong 1940 naisabatas ang Philippine Immigration Act at sa rami …

Read More »

Sona sa batasan pa rin – Digong

IBINAHAGI ni Senate President Vicente Sotto III na nagdesisyon na si Pangulong Duterte na nais niyang ihayag ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasan Pambansa pa rin sa 27 Hulyo, sa kabila ng banta ng COVID-19.   Aniya, patuloy ang pag-uusap ng Malacañang, Senate, at House secretariats para sa mga magiging galaw sa pang-limang SONA ni Pangulong …

Read More »

Pagkuha ng maraming contact tracer paso na – Garin  

PASO o wala nang bisa ang iniisip ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dagdagan ang contact tracers ng gobyerno, ayon sa dating kalihim ng Department of Health (DOH) na ngayon ay Iloilo 1st district Represenative Janette Garin.   “The hiring of many contact-tracers in my point of view will not be that cost-effective anymore kasi nagbukas …

Read More »

Go nakiusap: Kalayaan gamitin nang tama

“PLEASE use your freedom wisely.” Payo ito ni Sen. Christopher “Bong” Go sa publiko kasunod ng ulat na nagpadala ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isang estudyante dahil sa pag-share ng isang post sa social media na kritikal sa senador. Paliwanag ni Go, kinikilala niya ang kalayaan sa pamamahayag bilang batayang karapatan ng bawat Filipino ngunit kailangan …

Read More »

Sa utos ni Yorme: Magulang ng 34 pasaway inaresto

UMABOT sa 34 magulang ang nasampolan nang arestohin makaraang masagip ang 40 pasaway na menor de edad na nasa labas ng kanilang mga bahay nang madaanan sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department sa siyam na barangay sa Maynila.   Sa ulat ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ikinasa ang operasyon dakong 8:30 am hanggang 11:30 am …

Read More »

Mega web of corruption: Ikinakasang DepEd online education hi-tech pero ‘pabigat’ at komersiyalisado

deped Digital education online learning

ni ROSE NOVENARIO NAG-VIRAL sa social media noong nakaraang buwan ang mga larawan ng mga guro sa Davao de Oro na nagkumpulan sa tabi ng kalsada para makakuha ng malakas na data connection signal bilang paghahanda sa mekanisno ng distance learning batay sa ipinaiiral na health protocols sa panahon ng pandemyang COVID-19. Bukod sa mga guro, napaulat din na ilang …

Read More »

10 bahay lockdown (Sa Negros Oriental)

COVID-19 lockdown

ISINAILALIM sa localized lockdown ang hindi bababa sa 10 bahay sa isang sitio sa Barangay Poblacion, sa lungsod ng Guihulngan, lalawigan ng Negros Oriental matapos makisalamuha ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19 sa kaniyang mga kaanak.   Ayon kay Dr. Liland Estacion, assistant provincial health officer, noong Miyerkoles, 15 Hulyo, hindi malinaw kung paano nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ng pasyente …

Read More »

Sanggol, 2 bata positibo sa COVID-19 (Sa Pangasinan)

Covid-19 positive

NAITALA ang walong bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Pangasinan, isa ang sanggol at dalawa ay mga bata.   Pinaniniwalaang nahawa ang sanggol at dalawang bata sa kanilang 29-anyos ama, ang unang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng San Nicolas.   Nabatid na umuwi ang ama ng mga bata sa Pangasinan noong 27 Hunyo mula sa …

Read More »

Choreographer wanted sa pang-aabuso sa bata arestado

arrest prison

KALABOSO ang isang freelance choreographer na wanted sa kasong may kinalaman sa Anti-Child Abuse Law. Kinilala ang suspek na si Romeo de Gracia, alyas Boyong, 30, binata, residente sa San Andres Extension Sta. Ana, Maynila. Naaresto si Bayson sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge  ng Manila RTC Branch 4. Sa rekord ng korte, may …

Read More »

LPG sumabog sa Maynila (2 sugatan)

SUGATAN ang dalawa katao matapos sumabog ang LPG sa loob ng isang bahay sa Malate, Maynila. Kinilala ang mga sugatan na sina Jerson Panong, binata, aircon technician; at isang alyas Jr., binata , helper, at kapwa nakatira sa 2566A Singalong Street, Barangay 728, Malate, Maynila. Sa ulat, isinugod ang mga biktima sa Philippine General Hospital (PGH) upang agad malapatan ng lunas ang …

Read More »

P3.4-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Quiapo

shabu drug arrest

INARESTO ng mga operatiba ang apat katao matapos mahulihan ng aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quiapo, Maynila. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Sumira Utawan, Jimmy Sangcala Imperial, Aminah Adam Macabato, at Norainma Ibta Cabugatan. Sa ulat, isinagawa ang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay 384. Ayon kay PDEA Agent …

Read More »

Maynila may COVID-19 drive-thru testing na (Inilunsad ni Mayor Isko)

INILUNSAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kauna-unahang libreng drive-thru testing sa mga motorista upang magbigay kapanatagan at mawala ang pagkabahala at agam-agam ng mga residente patungkol sa COVID-19.   Nabatid kay Mayor Isko, aabot sa 16,000 motorista ang kayang silbihan ng makina sa loob ng isang linggo at ang resulta ay mas konklusibo at sigurado kompara sa …

Read More »

DOH, umayos kayo – solon  

“UMAYOS kayo!” Ito ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.   Nanawagan din ang House assistant majority leader na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko.   “Last Sunday, DOH wasn’t able to release updated …

Read More »

‘House-to-house search’ ng COVID-19 positive labag sa human rights

philippines Corona Virus Covid-19

BINIGYANG-DIIN  ni Senate Minority Leader Frank Drilon na malalabag ang karapatang pantao kapag ikinasa ng gobyerno ang ‘door-to-door search’ ng mga positibo sa COVID-19.   “No warrant, no entry,” ayon kay Drilon, na hinikayat ang gobyerno na suriin muna ang bagong estratehiya.   Mali rin aniya na mga alagad ng batas ang maghahanap sa mga may sakit sa katuwiran na …

Read More »

Mega web of corruption: DepEd project ‘niluto’ over cups of coffee (Ikatlong Bahagi)

DepEd Money

PIPING saksi ang apat na sulok ng isang restawran sa five-star hotel sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa ‘pagluluto’ ng mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ehekutibo ng isang state-run television network sa panukalang proyekto sa Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na tinatayang aabot sa halagang …

Read More »

Kompanya ni Dennis Uy sapol sa baklas-pondo

DALAWANG magkasunod na pagbawi o pag-atras ng pondo sa kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa ang naganap sa loob lamang ng dalawang linggo.   Kamakalawa, napag-alaman na ang buong 30 porsiyentong sosyo ng Singapore management fund sa Dito CME Holdings Corp., ng negosyanteng si Dennis Uy ay ibinenta na.   “Singapore fund Accion divests from Uy’s Dito …

Read More »

Rep. Abu binatikos sa pagbasura ng ABS-CBN franchise (Batangueños umangal)

ABS-CBN congress kamara

MATAPOS ang huling pagdinig ng kongreso ukol sa prankisa ng ABS-CBN, marami sa mga mga residente at mga tagasuporta ng ABS-CBN na tinaguriang largest broadcast network sa bansa, ang binatikos si Batangas 2nd District Representative Raneo Abu ng mga residente ng lalawigan dahil sa umano’y hindi makatarungang pagboto sa pagsasara ng ABS na isinaalang-alang na lang sana sa kanyang mga …

Read More »

Jerry Gracio, sariling resignasyon iginiit sa KWF

NAPUNO na ang salop.   Hindi na kinaya ng isang opisyal ng gobyerno na magsilbi sa isang administrasyon na aniya’y walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado.   “Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag …

Read More »