Wednesday , November 6 2024
Serial rapist Alexander Yu serial rapist

“Serial rapist” nadakip ng QCPD umaming 25 biktimang ginahasa

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang hinihinalang “serial rapists” na nanggahasa ng 25 kababaihan, tatlo rito ay menor de edad, sa isinagawang entrapment operation nitong Lunes.

Sa pulong balitaan kahapon, kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, ang isa sa mga suspek na si Alexander Yu, 42, delivery rider, at naninirahan sa Blk 59, Lot 5, Kaong St., Amparo, Subdivision, Quezon City.

Habang isinusulat ang balita, dakong 6:00 pm, kinompirma ni Medina na nadakip na rin ang isa. Pansamantalang hindi pa ibinigay ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang isinasailam sa imbestigasyon.

Ayon kay Medina, si Yu ay nalambat sa isang entrapment operation sa C3 Caloocan matapos magsumbong ang pinakahuli niyang biktima na nasa edad 14 anyos.

Ayon sa biktima, habang nasa labas siya ng isang mall sa Barangay Sta. Monica, nag-chat sa kaniya si Yu at inaalok siya ng buwanang sahod na P25,000, at P3,000 allowance maging ng iPhone 7 cellphone kapalit umano ng serbisyong ipagagawa sa kaniya.

“Sundin mo lang ang gusto ng sponsor at alam mo na ‘yun ‘sex’ at agad-agaran kong ibibigay sa ‘yo ‘yung pera pero dito sa bahay ko mismo,” utos ng suspek sa dalagita.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay nabigyan na ng babala ang dalaga ng dalawang kaibigan nito na nasa edad 18 at 19 anyos na naging biktima rin ng delivery rider.

Dahil dito, agad nagsumbong ang biktima sa PS 16 na agad namang nagkasa ng entrapment operation sa isang gasoline station sa C3 road.

Dito ay muling nag-chat ang biktima at ang suspek na magkikita sa naturang lugar pero lingid kay Yu, may kasama nang mga pulis ang dalaga kaya sa kaniyang paglutang ay agad na siyang pinosasan ng mga awtoridad.

Inamin ni Yu, umabot sa 25 kababaihan, tatlong minors ang kanyang hinalay matapos masamsam ang 55 piraso ng SIM cards mula sa cellphone ng kanyang mga biktima.

Sinabi ng suspek, dalawang taon na niyang ginagawa ang krimen pero aniya’y hindi raw niya hinalay at sa halip ay pumayag daw ang mga biktima.

Ayon kay Medina, ang modus ni Yu para makabiktima ay paggamit ng pangalan ng babae sa social media. Nakikipag-chat siya sa mga biktima at ini-engganyong bigyan ng trabaho kapalit ng malaking suweldo bilang model, magbebenta ng mga mamahaling imported na damit at iba pa.

Sa interagasyon, ikinanta ni Yu, may isa pa siyang kasama kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkaaresto kahapon dakong 5:30 pm. Pero inilinaw ni Yu, hindi niya madalas kasama sa krimen ang kanyang kaibigan.

Ayon kay Medina, matapos halayin ng dalawa ang kanilang mga biktima ay pinagnanakawan ni Yu ng cellphone kaya nakarekober ang pulisya ng 55 SIM cards kay Yu. Ibinebenta ni Yu ang mga celphone habang kinokolekta ang mga SIM card.

Positibong itinuro ng dalawang biktimang edad 18 at 19 anyos, si Yu ang humalay sa kanila sa isang otel.

Patong-patong na kasong paglabag sa Anti child abuse law at robbery ang isasampang kaso laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …