MAKATATANGGAP ng dalawang linggong ayuda mula kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 400-katao na binubuo ng mga driver ng pedicabs, tricyles, jeepneys, at e-trikes, public market vendors, at empleyado ng malls, hotels, restaurants at supermarkets na nagpositibo sa CoVid-19 sa ikinasang mass swab testing sa lungsod. Sumailalim sa mass swab testing ang nasa 5,000 katao at natukoy na 400 …
Read More »Masonry Layout
‘Age of sexual consent’ vs child marriages itaas — Gatchalian
MATAPOS magbabala ang mga eksperto na maaaring umakyat ang bilang ng child marriages kasunod ng pandemya, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na dapat itaas ang kasalukuyang age of sexual consent sa bansa na 12-taon gulang bilang bahagi ng pagsugpo sa isang maituturing na paglabag sa karapatang pantao. Ang pagpapakasal ng isang menor de edad ay maituturing na child marriage …
Read More »Gordon hindi natinag sa pangako ng Palasyo na magbabayad sa PRC
HINDI natinag si Senator Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ng gobyerno ang halos P1 bilyon utang ng Philhealth para sa mga isinagawang swab tests. Hindi tinanggap na garantiya ni Gordon ang naging pahayag ni Pangulong Duterte. Diin ni Gordon, dapat ay bayaran muna ng PhilHealth ang higit P930 milyong utang …
Read More »Bayanihan 2 dapat isakatuparan na — Sen. Bong Go
HINIMOK, kasunod ng panawagan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Department na tiyakin ang mas pinalakas na whole-of-goverment approach sa pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang sa ilalim ng Republic Act No. 1194 o ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Sinabi ni Go, mahalagang malinaw sa mga ahensiya ng gobyerno ang …
Read More »De Lima nanawagan sa POC gastos sa PHISGOC ipaliwanag
SANG-AYON si Senator Leila de Lima sa panawagan ng Philippine Olympic Committee (POC) na ipaliwanag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang ginastos sa nagdaan 30th Southeast Asian Games sa bansa noong nakaraang taon. Naglabas ng pahayag sa isyu si De Lima nang malaman na hindi pa rin malinaw kung magkano ang talagang kinita at ginastos ng sporting …
Read More »Palasyo dumistansiya sa House probe ng 2019 SEA Games
DUMISTANSIYA ang Palasyo sa ulat na planong imbestigahan ng Kongreso ang ginastang pondo ng bayan sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na idinaos sa Filipinas noong nakaraang taon. Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan para busisiin ng Kongreso ang umano’y mga iregularidad sa 2019 SEA Games lalo na ang usapin na may utang na P387 …
Read More »Inamin ni Parlade: Colmenares tinitiktikan
“ACTIVISM in not terrorism.” Inihayag ito ng ilang opisyal ng administrasyong Duterte na nagsulong na maipasa ang kontrobersiyal na Anti-Terror Act ngunit taliwas ito sa ginagawa sa ilang aktibista, artista, at kilalang personalidad sa mga progresibong organisasyon. Walang kagatol-gatol na inamin kahapon ni AFP Southern Luzon Command (SolCom) commander Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., tinitiktikan o under surveillance ng military …
Read More »P232.97-M ICT ng PTNI kinuwestiyon ng COA
NAGBABALA ang Commission on Audit (COA) na sususpendihin ang P232.97 milyong transaksiyon ng state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) kaugnay sa pagbili ng information and communications technology equipment noong nakaraang taon. Ayon sa 2019 COA report, nabigo ang PTNI na makakuha ng permiso sa Department of Information and Communications Technology (DICT) bago binili ang P232.97 milyong halaga ng ICT equipment. …
Read More »River Ferry suspendido pa rin
SUSPENDIDO pa rin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) dahil sa problema sa water hyacinth kahapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Pahayag ng ahensya, unang itinigil ang pangkalahatang operasyon ng PRFS nitong 20 Oktubre dahil as Tropical Cyclone Wind Signal No.1 ang Metro Manila bunsod ng bagyong Pepito na lumabas na sa Philippine Area of Responsibility …
Read More »13 inmates pumuga sa detention facility (Sa Caloocan)
PATULOY na tinutugis ng mga awtoridad ang 13 detainees na pumuga sa Caloocan custodial facility sa tabi ng City Hall kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay Caloocan City police chief Col. Dario Menor, 15 detainees ang nakatakas mula sa facility ng mga detainees na CoVid-19 positive o isinailalim sa coronavirus testing ngunit nahuli ang dalawa na nagsabing matagal nang pinaplano …
Read More »Binatilyong inireklamo ng pananaksak, itinumba sa barangay hall
PATAY ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay 56, Zone 5, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktima na si Deejay Cabilin, 14 anyos. Sa CCTV, makikitang nakaupo ang biktimang si Cabilin kasama ang isang grupo sa covered court sa tabi ng barangay hall, 11:00 pm nang dumating ang dalawang lalaking lulan ng …
Read More »Sigalot ng PhilHealth at Red Cross pinangambahan
NAGPAHAYAG si Mayor Toby Tiangco ng takot na ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross (PRC) ay maaaring maging dahilan ng pag-akyat ng mga kaso ng coronavirus disease (CoVid-19). “The issue has severely affected our testing capacity. With limited testing, our COVID cases could shoot up and we could lose all the gains we have …
Read More »Makati curfew 3 oras na lang
TATLONG oras na curfew ang ipatutupad sa lungsod ng Makati sa simula ng Simbang Gabi para maka-dalo sa misa ang Maka-tizens. Kabilang ito sa updated guidelines ng Executive Order No. 25 ni Makati City Mayor Abby Binay. Samantala, simula 20 Oktubre, Martes, habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod, iiral ang apat na oras na curfew mula …
Read More »Nanay pinagbantaan kelot arestado
KALABOSO ang isang binata matapos pag-bantaang papatayin ang kanyang sariling ina nang hindi siya mabigyan ng pera sa Muntinlupa City, nitong Miyerkoles. Nasa custodial facility ng Muntinlupa City Police at nahaharap sa kasong grave threat ang suspek na si Marvil Villa, 31 anyos, walang trabaho, ng 168 Lovely Street, Barangay Cupang sa nasabing lungsod. Samantala ang biktima ay kinilalang si …
Read More »Mula 8th Congress may ‘small committee’ na — Lagman
NOON pa mang 8th Congress bumubuo na ang Mababang Kapulungan ng “small committee” upang ayusin at pagandahin ang pinagbotohan at ipinasa ng mga mambabatas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman matagal nang tradisyon ang pagbuo ng “small committee” at may “presumption of regularity in effecting corrections of style and errata after the approval of the national budget on second reading.” …
Read More »Palasyo ‘kakampi’ nina Liza Soberano at Catriona Gray (Pinag-iingat umano sa ‘komunista’)
WALANG nakikitang problema ang Palasyo sa isinusulong na adbokasiya para sa karapatan ng kababaihan at kabataan ng aktres na si Liza Soberano at Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil ito rin ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ‘red tagging’ ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., kay …
Read More »‘Red-tagging’ mas delikado kaysa Covid
ni ROSE NOVENARIO MAS ikamamatay ng mga aktibista ang ‘red-tagging’ na ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno kaysa coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., kung tunay ang malasakit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga aktibista na huwag magkaroon ng CoVid-19 sa inilunsad na kilos-protesta, dapat niyang ipatigil ang ‘red-tagging’ …
Read More »5 katao timbog sa droga
ARESTADO ang limang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque Police Station, sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City, nitong Martes ng gabi. Nakompiska ang kabuuang 27 gramo ng hinihinàlang shabu na may street value na P183,600 mula sa mga suspek na sina Jan Norwin Dela Cruz, 29 anyos, residente sa Milan St., Barangay BF …
Read More »U-Turn sa EDSA, Corregidor St. isasara sa 16 Okt
SIMULA sa 26 Oktubre, sarado sa trapiko ang U-turn slot sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) malapit sa Corregidor Street (northbound at southbound), sa Quezon City. Sa inalabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatakdang isara ang naturang U-turn slot sa EDSA dakong 12:01 am sa nabanggit na petsa, araw ng Lunes. Payo ng MMDA …
Read More »10,000 residente sa Maguindanao nawalan ng tahanan (Dahil sa matinding pagbaha)
UMABOT sa 10,000 residente ang nawalan ng tahanan sa bayan ng Pagalungan, sa lalawigan ng Maguindanao, dahil sa matinding bahang hatid ng buntot ng bagyong Pepito at hanging habagat, noong Martes, 20 Oktubre. Kasalukuyang nananatili ang mga apektadong residente sa mga itinayong pansamantalang shelter sa kahabaan ng national highway. Matatagpuan ang Pagalungan sa tabi ng Liguasan Marsh, isang malawak na …
Read More »2 pump boat lumubog 4 nawawala, 11 nailigtas (Sa Tawi-tawi)
PINAIGTING ng magkasanib puwersa ng pulisya at Coast Guard ang search and rescue operations upang mahanap ang apat na pasahero ng isang motorized pump boat na tumaob sa tubigan ng bayan ng Simunul, lalawigan ng Tawi-Tawi, noong Lunes, 19 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Samuel Rodriguez, direktor ng Bangsamoro Autonomous Region regional police, nauna na nilang nailigtas sa rescue operation ang …
Read More »2 trigger-happy natiyope sa pulis (Sa Norzagaray)
HINDI umubra ang tapang ng dalawang lalaking nagsisiga-sigaan sa kanilang barangay nang arestohin ng pulisya dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 20 Oktubre. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Rogaciano Cruz at Anacleto Legaspi na …
Read More »Sa Palawan… Lalaki sinakmal ng buwaya
SUGATAN ang isang lalaki matapos sakmalin ng buwaya, sa bayan ng Balabac, lalawigan ng Palawan, nitong Miyerkoles, 21 Oktubre. Kinilala ang biktima na si Jomarie “Awal” Diaz, 26 anyos, dinala sa Balabac Rural Health Unit dakong 10:00 am kahapon upang malapatan ng paunang lunas dahil sa mga sugat sa kaliwang hita at kamay. Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP …
Read More »Pabuya vs Hernando murder suspects (P.3-M kada ulo)
MAGBIBIGAY ng P300,000 pabuya kada ulo ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela at pulisya sa mga makapagtuturo sa dalawang natukoy na suspek sa pagpatay sa rider na si Niño Luigi Hernando noong 9 Oktubre. Ayon kay Valenzuela Police chief Col. Fernando Ortega, ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa mga suspek na kinilalang sina Rico Reyes, alyas Moja, at …
Read More »Mahihirap prayoridad sa bakuna vs CoVid
IPINAALALA ni Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat unahin ang mahihirap at vulnerable sectors kapag nariyan na ang bakuna. Kasunod ito ng paglalatag ng Department of Health (DOH) ng timeline para sa vaccine trial para sa COVID-19. Ipinaliwanag ni Go, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangang mauna ang mahihirap dahil sila ang mga …
Read More »