Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Pinakamalamig na klima sa panahon ng Amihan naitala sa Baguio (Sa temperaturang 10.4 °C)

NARANASAN ng lungsod ng Baguio ang pinakamalamig na umaga ngayong panahon ng Amihan nang bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura dakong 6:30 am nitong Linggo, 10 Enero. Dala ang malamig na klima ng umiiral na northeast monsoon o hanging amihan mula sa Siberia na mararanasan sa kalagitaan ng Enero hanggang Pebrero. Noong isang taon, naitala ang pinakamalamig na temperatura …

Read More »

Apuradong Cha-cha ekstensiyon ng Duterte political dynasty

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagsusulong ng mga alipores ni Pangulong Rodrigo Duterte na maamyendahan ang 1987 Constitution bilang bahagi ng mga iskema para manatili ang Duterte political dynasty. Sa isang kalatas ay iginiit ng CPP na minamadali ni Pangulong Duterte ang lahat nang pagsusumikap na maikasa ang kanyang mga iskema gaya ng Charter change na …

Read More »

Oposisyon binutata sa maagang ‘politika’ (Sa Caloocan)

ni JUN DAVID PINABULAANAN ni Caloocan City Treasurer, Analiza Mendiola ang sinabi ng ilang konsehal sa panig ng oposisyon na humihingi ng ulat ng lungsod hinggil sa mga gastusin sa CoVid-19. Iginiit niya na regular na isinusumite ng kanyang opisina ang disbursement reports sa tagapangasiwa ng City Council bilang pagsunod sa itinakdang ordinansa sa panuntunang inilaan para sa mahigit P1 …

Read More »

Sino nga ba si Christine Dacera?

Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Ayon sa ina ng biktimang si Christine Angelica Dacera, pinayagan niyang dumalo sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang kanyang anak—kasama ang kanyang mga kaibigan—dahil may tiwala siyang hindi gagawa ng masama ang kanyang supling. Ngunit lumitaw na ang itinuring na mga ‘kaibigan’ ang nagpahamak sa dalaga dahil tatlo lamang umano ang kakilala rito ng …

Read More »

Van sumalpok sa trailer truck, titser patay

BINAWIAN ng buhay ang isang guro nang sumalpok ang mina­maneho niyang van sa kasalubong na trailer truck kamakalawa ng gabi, 6 Enero, sa kahabaan ng Jasa Road, San Nicolas, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Michael John Riego, hepe ng Lubao municipal police station kay Provincial Director P/Col. Arnold Thomas Ibay, kinilala …

Read More »

P8.5-M shabu nasabat 2 tulak timbog sa PDEA (Sa Maguindanao)

DALAWANG hinahi­na­lang tulak ang naaresto at nakompiskahan ng tinatayang P8.5 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa lalawigan ng Maguindanao nitong Miyerkoles, 6 Enero. Sa buy bust operation na ikinasa sa Brgy. Dalican, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, pasado 11:00 am, agad nadakip ang dalawang tulak matapos ibigay sa poseur buyer ang tinatayang 250 gramo ng …

Read More »

Gapo inmate pumuga sa escorts (Pulis pinagsisipa)

posas handcuff escape

TINAKASAN ng person deprived of liberty (PDL) na suspek sa ilegal droga at pagnanakaw ang kanyang police escorts nang huminto ang sinasakyang police mobile sa Subic Bay Freeport nitong Miyerkoles, 6 Enero. Sa panayam, sinabi ni P/Lt. Col. Preston Bagangan, deputy director for administration ng Olongapo City Police Office, dadalhin pabalik sa piitan ang hindi pinanga­lanang inmate matapos subukang marekober …

Read More »

Sanggol pinag-agawan ina patay sa boga ng dyowang ex-US Navy

gun shot

ARESTADO ang isang retiradong US Navy ng mga awtoridad matapos mapas­lang ang kaniyang kasintahang bagong panga­nak sa Brgy. Macayug, bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang suspek na si Rommer Gonzales, 40 anyos, isang retiradong US Navy, na nadakip sa kaniyang compound sa Brgy. Embarcadero, sa naturang bayan dakong 4:30 pm, nitong Miyerkoles, 6 Enero. Positibong kinilala si Gonzales, …

Read More »

Mayor ng Bocaue, konsehal, nagpositibo sa CoVid-19

Covid-19 positive

KINOMPIRMA nina Bocaue, Bulacan Mayor Jose Santiago, Jr., at Konsehal Aldrin Sta. Ana na pareho silang napositibo sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19), nitong Miyerkoles 6 Enero. Ani Mayor Santiago, nang sabihan siya na may nakasalamuha siyang taong positibo sa CoVid-19, agad siyang sumailalm sa swab test sa Joni Villanueva Molecular Laboratory (JVML) kung saan lumabas ang resulta noong Martes ng …

Read More »

2 miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan, timbog

Cigarette yosi sigarilyo

HULI sa ikinasang entrapment operation ng pulisya nitong Miyerkoles, 6 Enero, ang dalawang miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Bernard Allen Contrillas, residente sa Brgy. Mojon; at Joshua Alcoriza, resi­den­te sa Brgy. Sumapang Matanda, sa lungsod …

Read More »

Street dancing kanselado sa Sinulog

SA GITNA ng mga pagkontra mula sa iba’t ibang sektor, napagdesisyonan ng Sinulog Foundation Inc. (SFI) na hindi na ituloy ang mga ‘physical activities’ para sa pagdiriwiang ng Sinulog Festival. Inianunsiyo nitong Huwebes, 7 Enero, ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama, convenor ng Sinulog Festival, ang kanselasyon ng street dancing at grand ritual showdown na nakatakdang ganapin sa 17 …

Read More »

4 preso pumuga sa QCPD

TUMAKAS sa kulungan ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 ang apat na preso na nagawang lagariin ang rehas na bakal kahapon ng madaling araw sa lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin alyas Glen, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 o ang Comprehensive Drugs …

Read More »

3 tulak arestado sa 3.5 kilong damo

DINAKIP ang tatlong tulak makaraang makom­piskahan ng 3.5 kilo ng marijuana sa buy bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkoles ng gabi sa nasabing lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang mga nadakip na sina Karl Marx Delos Santos, 22 , security guard; Dhendel Carayag, 22 anyos, kapwa nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches; at Joseph …

Read More »

Dating kongresista patay sa CoVid 19

NAMATAY kahapon ang dating Oriental Mindoro congressman Reynaldo Umali dahil sa CoVid 19. Si Umali, 63 anyos, ay nakilala noong impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona sa pagpresinta ng ebidensiya mula sa “small lady.” Kinompirma ang pagkamatay ng kan­yang nakakatandang kapatid, ang kasaluku­yang kongresista ng Oriental Mindoro na Rep. Alfonso “Boy” Umali. Si Rey ay naging chairman ng …

Read More »

Walis tambo ng Pinoy ibinandera sa Capitol riot

INATASAN ng Palasyo ang embahada ng Filipinas sa Amerika na i-monitor kung may nasaktan o nadawit na Pinoy sa naganap na riot ng mga tagasuporta ni outgoing US President Donald Trump sa Capitol Building sa Washington, D.C. Pero hindi maikakaila na may kasamang Pinoy na lumusob sa US Congress dahil buman­dera sa social media ang larawan ng isang babae na …

Read More »

Ruptured aorta, ‘catastrophic complication’ ng palpak na CPR

ni ROSE NOVENARIO MAHALAGANG busisiin ng mga awtoridad ang mga pangyayari na naging dahilan kaya namatay si Christine Dacera sanhi ng “ruptured aortic aneurysm” gaya nang isinagawa sa kanyang cardiopulmonary resuscitation (CPR) matapos makitang walang malay sa bath tub sa City Garden Hotel sa Makati City. Paliwanag ito ni u/Dvdcap, isang medical student sa kanyang post  sa Reddit, isang American …

Read More »

Ex-barangay kagawad todas sa rider (Sa Biliran)

gun dead

ISANG dating barangay kagawad ang namatay nang barilin ng hindi kilalang salarin sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran nitong Huwebes, 7 Enero. Kinilala P/Maj. Michael John Astorga, hepe ng Naval police, ang biktimang si Romeo Berdida, 55 anyos, residente sa Brgy. Larrazabal, na tinamaan ng bala ng baril sa likod at noo. Ayon sa paunang imbestigasyon, kararating ni Berdida …

Read More »

Makeshift shabu lab sa Cainta sinalakay (Nabuko ng delivery rider)

shabu

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratoryo ng ilegal na droga sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes ng tanghali, 7 Enero. Ayon sa mga awtoridad, nagpa-book ang isang “Jose” sa isang door-to-door delivery service mula sa Brgy. San Andres, sa naturang bayan upang magpadala ng package sa …

Read More »

Tulak timbog sa Malabon (Sa P122K shabu)

shabu drug arrest

TIMBOG ang isang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 anyos, residente sa Kaingin II St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod na sinasabing ‘malupit’ na tulak ng shabu sa lugar. Batay sa ulat na ipinarating …

Read More »

Porn may negatibong epekto sa sex drive ng kalalakihan

MAS malaki ang posibilidad ng erectile dysfunction (ED) sa kalalakihan sanhi ng labis na panonood ng pornograpiya — kahit pa bata at malusog ang mahihilig manood nito, ayon sa bagong pag-aaral. Binatay ang mga resulta sa pag-aaral, na iniharap kamakailan lang sa virtual congress ng European Association of Urology, sa sinuring 3,267 kalalakihan sa Belgium, Denmark, at United Kingdom, na kinompleto …

Read More »

Covid-19 maaaring maging dahilan ng erectile dysfunction sa kalalakihan

Covid-19 Swab test

CLEVELAND, OHIO — Masamang balita sa kalalakihan — lumilitaw na makasasama ang CoVid-19 sa kalusugang seksuwal ng mga lalaki at posibleng maging dahilan ng erectile dysfunction (ED). Napagalaman mula sa bagong pag-aaral na ang surviving CoVid-19 ay maaaring iugnay sa ED at tinutukoy sa isinagawang research sa tatlong factor ang sinasabing potensiyal na nagbubunsod sa ED sa mga lalaking nagkaroon …

Read More »

2 tumba sa pandemya sa Malabon

Covid-19 dead

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa CoVid-19 sa Malabon City nitong 5 Enero na sa kabuuan ay umakyat sa 233 ang COVID casualties ng siyudad. Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos at Potrero. Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases. …

Read More »

PWD minolestiya ng trike driver

sexual harrassment hipo

ARESTADO ang 29-anyos trike driver makaraang molestiyahin ang dalagitang may kapansanan, kamakalawa ng gabi sa Makati City. Inireklamo sa pulisya ang suspek na si Gerald Egot, ng Camiguin St., Barangay Pitogo, Makati City, ng sexual abuse in relation to Republic Act 7610 (Child Abuse Law). Ayon sa ulat ng Makati City Police Station, nangyari ang pangmomolestiya sa biktimang si alyas …

Read More »

Imbestigasyon vs malalaswang video, retrato ng mga estudyante kapalit ng tuition fee isinulong (Senator Bong Go sumuporta)

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

“Dapat itong imbestigahan ng mga awtoridad.” Ito ang tugon ni Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga report na may mga estudyanteng nagbebenta ng kanilang mala­laswang  larawan at video para may pambayad sa kanilang matrikula. Ayon kay Go, dapat hulihin at mapanagot ang mga taong kasabwat sa ganitong uri ng gawain dahil maituturing itong cyber crime. Itinuturing din ng Senador …

Read More »