Thursday , March 30 2023
Shayne Sava Queens Wellness Dr. Grace Juliano Dr. Marisa Rustia

Shayne Sava may ‘nag-aalaga’ kaya lalong gumaganda

ni PILAR MATEO

ISA na sa masasabing may pinaka-maganda kundi man pinaka-cute na mukha sa balat ng GMA-7 ay itong produkto ng Starstruck Season 7 at Sparkle Artist ngayon na si Shayne Sava.

Na marami ang pinahanga sa naging papel niya sa Legal Wives bilang anak ni Alice Dixson. At kinagiliwan din sa Raising Mamay.

Pagdating sa boses, hindi pahuhuli ang 20-year old na dalaga, na focused sa career. Kaya kahit na may nagreregalo na sa kanya ng branded shoes, hindi naman iniisip ng dalagang panliligaw na ang paraan na ‘yun ng nagbibigay sa kanya.

Up close, nakatsikahan namin si Shayne sa opening ng bagong pupuntahan ng mga magnanais na magkaroon ng ibang klase ng treatment at pampering sa pagpapa-beauty at good health. Sa Queens Wellness (sa 80 Kanlaon street, Sta. Mesa Heights, Quezon City).

Ang nasabing wellness center ang nag-aalaga kay Shayne pagdating sa mga ginagawa sa kanya ng mga dermatologist dito sa pangunguna ng owner na si Dr. Grace Juliano, kasama si Dr. Marisa Rustia.

Inaalagaan ng Queens Wellness si Shayne pagdating sa Barbie Arms, Glass Skin, Gluta Push hanggang sa manicure and pedicure at marami pa.

Nagkaroon ng idea si Dra. Grace na buksan ang Queens Wellness dahil sa kaibigang proprietor na rin ng sikat na sikat na Artista Salon na si Gio Anthony Medina. Na may mga alaga na ring artists.

Kaya tuwang-tuwa ang Operations Manager na si Melanie Conmigo sa mga inaalagaan na nila ngayong artists gaya ng mga Tawag ng Tanghalan artits na sina Josh Labing-isa, Shanne Gulle, Anthony Castillo, JM Yosures, Luis Gragera, Rachell Laylo, Tristan Ramirez, at Rap Cañedo.

May bago nang mapupuntahang wellness center where one can avail din of their affordable Stem Cell Treatment. Just vist or call the Queens Wellness Center at 09957618290 (Ms. Kristine and  Ms. Donna).

Shayne is happy sa pag-aalaga na ibinibigay sa kanya ng Queens Wellnes kaya inanyayahan na nito ang kanyang friends to visit the place para ma-experience ang ibang klaseng alaga. To be healthy and beautiful! (Pilar Mateo)

About Pilar Mateo

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …