suntok punch

Huling nangangaliwa
KELOT KULONG SA ‘BLACKEYE’ NA IMINARKA SA LIVE-IN PARTNER

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos sapakin  at tamaan sa mata ang kanyang live-in partner na isang call center agent sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 of RA 9262 ang suspek na kinilalang si Alexander Vargas, 33 anyos, residente sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:30 pm nang sundan ng 33-anyos biktima sa pamamagitan ng kanyang ‘instinct’ ang suspek.

Dito, nadiskubre ng biktima na ang live-in at lover umano nito ay nagsasama sa isang bahay sa T. Policarpio St., Brgy San Jose, Navotas City.

Nang komprontahin ang live-in partner, galit at sinagot siya ng isang suntok na dahilan upang magkaroon ng contusion hematoma o blackeye ang biktima sa kanyang kaliwang mata.

Matapos ang insidente, humingi ng tulong ang biktima sa mga tanod ng Barangay San Jose na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (ROMMEL SALES)