PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa inilatag na buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 5 Abril. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Dominador Donia, alyas Junior, residente sa Brgy. Ibayo, sa nabanggit na bayan. …
Read More »Masonry Layout
Huwag padalos-dalos sa Ivermectin — solon
SA KABILA ng malawakang debate sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa CoVid-19, nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na maging mahinahon at magtimpi muna sa paggamit ng gamot na Ivermectin. Ayon kay Garbin, mura nga ang Ivermectin pero maraming espekulasyon sa paggamit nito. Ani Garbin, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang rollout ng bakuna, ang …
Read More »P1.523-B ayuda ng nat’l gov’t natanggap na ng Maynila
NATANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinansiyal na ayuda mula sa national government para sa mga pamilyang naapektohan ng ehanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Doimagoso, Lunes ng gabi lamang, Abril 5, ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo. Nagkakahalaga aniya …
Read More »Mayor Sara sumibat pa-Singapore
TAHIMIK na sumibat patungong Singapore kahapon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasama ang isang anak. Nabatid sa ulat na dumating sa NAIA Terminal 2 via Philippine Airlines (PAL) flight mula Davao City ang alkalde dakong 9:00 am kahpon. Dakong 2:15 pm ay sumakay si Mayor Sara sa isang Singapore-bound Singapore Airlines flight (SQ-917) mula sa boarding gate no.115 ng …
Read More »One Hospital Command Center, dagdag-stress sa CoVid-19 patients
IMBES magkaroon ng pag-asa, dagdag stress ang nararamdaman kapag tumawag sa One Hospital Command Center ang mga kaanak ng mga positibo sa CoVid-19. Taliwas ito sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong ang pagtawag sa One Hospital Command Center sa mga nangangailangan ng kagyat na aksiyon para sa mga positibo sa CoViD-19. Ang One Hospital Command Center ay …
Read More »Serye-exclusive: DV Boer ‘pitaka’ ng mga Villamin
ni ROSE NOVENARIO TADTAD ng hindi wastong datos ang financial statements ng DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin at ang kanyang pamilya ang nakinabang nang husto sa pondo ng kompanya na mula sa investors na karamiha’y overseas Filipino workers (OFWs). Kabilang ito sa mga isiniwalat ni Alvin Andulan, isang certified public accountant (CPA) at dating Internal …
Read More »Langgam mas may utak pa sa gobyerno — health workers (Sa palpak na CoVid-19 response)
ni ROSE NOVENARIO MAS may utak pa ang langgam kaysa gobyerno. Ganito isinalarawan ng lider ng unyon ng healthcare workers ang tugon ng administrasyong Duterte sa CoVid-19 pandemic kaya lumala ang sitwasyon, lomobo ang bilang ng nagpositibo sa virus at pabagsak na ang health care system ng bansa. “Nakalulungkot po kasi ang gobyerno natin, until now ay bingi pa rin …
Read More »DFA Consular Offices sarado hanggang 11 Abril
MANANATILING sarado ang Consular Offices passport division ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna. Kinompirma ito ng DFA kasunod ng ipinaiiral na extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga nabanggit na lugar hanggang sa 11 Abril 2021. Kabilang sa mga saradong Consular Offices ng DFA ang tanggapan sa Aseana sa Parañaque …
Read More »Obligasyon ipinasa ng DOH sa LGUs
IPINASA ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ang responsibilidad sa pagpapatupad ng triage system sa CoVid-19 patients upang isalba ang pabagsak nang health care system sa bansa. Ayon kay Veregeire, unang ipatutupad ang triage system sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, susunod sa Gitnang Luzon at Calabarzon o Region IV-A hanggang umabot sa buong …
Read More »MECQ hindi ECQ — Marcos
IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na tutol siya sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala nang sapat na kakayahan para ipatupad ito kaya’t marapat na modified enhanced community quarantine (MECQ) na lamang ang ipatupad. Aniya, walang silbi ang ECQ kung walang complete medical protocols katulad ng testing, contact tracing, bakuna at ang ikalawang social protection para sa lahat ng pangangailangan. …
Read More »Drug peddler tumimbuwang sa enkuwentro sa Zambales (Sa pinaigting na kampanya vs droga ng PRO3)
PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang manlaban sa inilatag na drug bust ng mga sama-samang tropa ng PIU/PDEU, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Zambales PPO, at San Marcelino municipal police station SDEU nitong Huwebes, 1 Abril, sa San Guillermo, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa …
Read More »Lumarga kahit ECQ 35 sugarol nasilo (Kampanya kontra sugal pinaigting sa Bulacan)
NADAKIP ng mga awtoridad sa pinaigting na anti-illegal gambling operations hanggang nitong Lunes, 5 Abril, ang 35 kataong imbes manatili sa bahay dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) nagawa pa rin magsugal sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaktohan ang 25 sa mga naaresto sa tupada o …
Read More »Mayor Isko umapela sa DOH para sa bakuna ng barangay officials, tanod, at ordinary workers
UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Department of Health (DOH) na payagan ang vaccination program para sa ibang kategorya sa lungsod ng Maynila. Ang apela ay naglalayong mapalawak ang sakop ng pagbabakuna kabilang ang mga opisyal ng barangay, tanod, at maging ang mga ordinaryong manggagawa na nagsisilbing frontliners sa panahon ng pandemya. Sa live broadcast ng alkalde , …
Read More »Serye- exclusive: Raket ng DV Boer, ikinanta ng CPA
ni ROSE NOVENARIO ITINUGA ng isang certified public accountant (CPA) ang raket ng DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin dahil hindi niya kayang sikmurain ang ilegal na aktibidad nito na panghuhuthot sa pinaghirapang pera ng investors, lalo sa overseas Filipino workers (OFWs). “I could not endure participating in an illegal activity that victimizes unsuspecting investors especially …
Read More »Sumirit na COVID-19 cases isinisi ng DOH sa publiko (Worst case scenario ‘di pinaghandaan)
ni ROSE NOVENARIO INAMIN ng Palasyo na hindi pinaghandaan ng gobyerno ang worst case scenario ng pandemic partikular ang pagkakaroon ng iba’t ibang variants ng CoVid-19 na nagresulta sa pagsirit ng bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang buwan. Sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, ang kahandaan ng pamahalaan ay para sa orihinal na CoVid-19 lamang at hindi sa …
Read More »Nameke ng medical certificate para mabakunahan arestado
DINAKIP ang ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng medical certificate upang makapanlamang para ma-qualify sa mga sektor na babakunahan. Sa ibinahaging impormasyon ni Office of the Mayor Chief of Staff Cesar Chavez, nakakulong na sa Manila Police District at iniimbestigahan ang mga nasabing indibidwal. Partikular na iniimbestigahan ang mga clinic at mga sinasabing nagbigay ng prescription sa mga taong nais …
Read More »Burarang kampanya ni Duterte — Ridon (Paglobo ng CoVid-19 cases)
ANG pagkabigo ng administrasyong Duterte na palawakin ang pagsasagawa ng mass testing sa nakalipas na anim na buwan ang maituturong ‘salarin’ sa paglobo ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa bansa. Ayon kay Terry Ridon, Infrawatch PH convenor, hindi dapat sisihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong supply ng bakuna kaya tumaas ang kaso ng CoVid-19 bagkus ito’y resulta ng …
Read More »Ayuda ni Duterte, limos sa pobre — KMP
“SAAN makararating ang P1,000?” Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa administrasyong Duterte na itigil ang pagtrato sa mahihirap bilang mga ‘pulubi’ na binibigyan ng P1,000 limos para ipanggastos sa loob ng dalawang linggong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus Bubble. “Katumbas lang ito ng tatlong araw na badyet sa pagkain para sa pamilyang may apat …
Read More »150 bikers hinuli sa Maynila
PINAG-EHERSISYO at ibinilad sa araw ng Manila Police District (MPD) ang mahigit sa 150 siklista na hinuli makaraang mamataan na nagkukumpol sa magkahiwalay na lugar sa Quiapo at Roxas Boulevard, sa Maynila kahapon ng umaga. Nabatid kay Manila Police District (MPD) director, P/BGen. Leo Francisco, ang mga biker ay umabuso sa window hours para sa pag-eehersisyo mula 6:00 – 9:00 …
Read More »Serye-exclusive: Hidhid na scammer, employees binalasubas
ni ROSE NOVENARIO HABANG nagpapasasa sa karangyaan ang pamilya ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm at ipinagmamalaki sa social media, may mga kawani silang nagdildil ng asin dahil hindi nila pinasasahod. Hindi lang sahod ang ipinagkait ng mga Villamin sa kanilang sampung empleyado kundi maging ang kanilang kontribusyon sa Social Security System (SSS), PhilHealth at …
Read More »‘Lockdown’ kapalpakan ng gobyerno (Sa pagtugon sa tumataas na CoVid-19 cases)
BINATIKOS ng grupong Makabayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong paglalatag ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya. Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro walang ibang alam na solusyon ang pamahalaang Duterte kundi ang lockdown. “Wala na bang ibang alam na solusyon kundi lockdown?” tanong ni Castro. “Despite trillions of loaned funds supposedly …
Read More »PNP hilahod sa dagok ng pandemya
PINANGANGAMBAHANG lalong tumaas ang kaso ng CoVid-19 sa hanay ng mga pulis sa bagong kautusan sa isasagawang ‘sona’ sa mga komunidad para kunin ang mga may sintomas ng virus mula sa kanilang bahay, ipa-swab test at dalhin sa quarantine facilities ang mga nagpositibo. Ayon kay acting Philippine National Police (PNP) chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar, umabot na sa 2,068 ang …
Read More »Integridad ni Andan pinanghawakan bilang bokal ng Bulacan (Sa ngalan ng demokrasya at respeto )
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang minority floor member ng mga komite, inihayag ni Bokal Allan P. Andan ang kanyang integridad bilang bahagi ng naging kabuuang hatol ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa proposed City Ordinance 02-2021 ng Pamahalaang Panlunsod ng Malolos na idineklarang “fully inoperative” noong 25 Marso 2021. Aniya, masusing pinag-aralan ng Committee on Appropriations (CA) na binubuo nina …
Read More »Estriktong quarantine ipatupad — SBG
NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng law enforcement agency na ipatupad ang estriktong quarantine. Ang pahayag ni Sen. Go ay bunsod ng ginawang pag-aproba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayondin ang mga kalapit nitong lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at …
Read More »Solusyon ni Digong: Komunidad sonahin ‘ARESTO’ VS COVID-19 POSITIVE
ni ROSE NOVENARIO MISTULANG tinutugis na kriminal ang mga may sintomas ng CoVid-19 sa ilulunsad na house-to-house search ng mga pulis at sundalo sa bawat bahay sa mga pamayanan simula ngayong araw. Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque, layunin ng house-to-house campaign ang maihiwalay ang mga may sintomas ng CoVid-19, isailalim sa swab test at kapag nagpositibo ay ilalagak sila …
Read More »