Saturday , June 15 2024
Lapillus

Lapillus aarangkada sa Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


HANDANG-HANDA na ang mga member ng freshest K-Pop group na Lapillus para mag- 
Hit Ya sa ‘Pinas!


Ang pinakabagong six-member K-Pop girl group na Lapillus ay magkakaroon na ng 
chance na makita ang kanilang mga Filipino supporter. Punompuno ng activities ang susunod na dalawang linggong pagbisita ng all female K pop idols para sa Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour.


Mula sa kanilang debut ng digital single na Hit Ya! nitong June, naging mainit na 
online world sa suporta ng 4th Gen group mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kinabibilangan ng kanilang leader na si Shana, main dancer na si Yue, main vocalist Bessie, main rapper SeowonMaknae (bunso sa grupo) Haeun, and of course, ang  Filipino pride at visual (pinakamaganda sa grupo) na si Chanty na dating ABS-CBN talent.  

Simula nang i-announce ang kanilang pagdating dito sa Manila ay nasabik sila na 
ibahagi, hindi lamang ang kanilang musika, kundi maging ang kanilang paglalakbay sa pagiging isang K-pop idol. Trending topics din ang #MabuhayLapillus at 
#LapillusinManila.


Ang all-female group sa ilalim ng Korean entertainment agency na MLD Entertainment,  na nagdala sa Momoland sa spotlight, ay nagpapakita ng kanilang sariling brand ng musika sa pamamagitan ng ilang lokal na events at activities. Bukod sa exclusive multi-platform interviews, abangan ang Lapillus sa kanilang 
exclusive photoshoots, TV at online appearances bukod sa kanilang packed na 
schedule at ilang creative vlog collaborations, live performances, at immersions.


Dalawang malaking fan meets ang gagawin nila sa September 10 sa Market! Market at 
September 11 sa Ayala Fairview Terraces, na magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang kanilang mga masugid na Pinoy fans. 


Kasunod ng kanilang debut single na Hit Ya!na ngayon ay nakakuha na ng 10 milyong views sa YouTube, ang sextet ay muling magbabalik sa September 22 para ilabas ang kanilang bagong single na GRATATA na inilalarawan bilang isang “Mumbaton rhythm song with an addictive hook.”

We are very grateful and excited to share our music and who we are as performers to our Filipino fans, who have been especially supporting us ever since our debut,” ani Shana.

Si Chanty naman ay masaya na nakauwi at nabigyan ng pagkakataon ang kanyang 

mga kasama sa Lapillus na maranasan ang kakaibang init at pagmamahal ng mga 

Filipino.

This is the first time that I’m coming home since our debut and I’m just thrilled to be 

back. Because this time, I know I can give more to my supporters, and hopefully I can 

inspire some of them to continue chasing their dreams, just like what I did,” ‘ika ni Chanty.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

TMFF The Manila Film Festival 2024

Tabing ng TMFF ‘24 ibinaba na pelikulang “Three for 100” kinilalang Best Film

PORMAL nang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi …

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Vilma Santos Sharon Cuneta Maricel Soriano Nora Aunor

Vilma, Sharon, Maricel, at Nora magsasalpukan sa 40th Star Awards for Movies

MA at PAni Rommel Placente KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …