ni ROSE NOVENARIO WALANG legal na basehan ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ayaw magpabakuna o anti-vaxxers na kanya umanong ipakukulong. Inamin ng Malacañang, hindi uubra ang banta ni Duterte na ipadakip sa mga awtoridad ang mga ayaw magpabakuna kontra CoVid-19 dahil lalabas na ito ay ilegal at hindi naaayon sa batas. Ipinaliwanag ni …
Read More »Masonry Layout
Toda drivers, delivery riders una sa OVP vaccine express (Leni-Isko, tandem sa Maynila)
UMARANGKADA ang Vaccine Express ng Tanggapan ni Vice President Leni Robredo kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Personal na binisita ni VP Leni at Mayor Isko ang pinagdarausan ng Vaccine Express sa unang araw ng programa nitong Martes, 22 Hunyo. Dito, binakunahan ang economic frontliners tulad ng tricycle, pedicab, …
Read More »Face shield, mandatory pa rin – Duterte (Final answer)
TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang araw na pagkalito ng sambayanan sa paiba-ibang pahayag kaugnay sa pagsusuot ng face shield. Inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, nanatiling mandatory ang pagsusuot ng face shield pareho sa indoors at outdoors matapos mapaulat na may dagdag na apat na kaso ng mapanganib na Delta CoVid-19 variant. Ang Delta …
Read More »‘Troll prexy’ iluluklok sa 2022 — Solon (Pera ni Juan gagamitin)
ni ROSE NOVENARIO NAIS ng tatlong progresibong mambabatas na mahubaran ng maskara ang isang opisyal ng administrasyong Duterte na ginagamit ang pera ni Juan dela Cruz para tustusan ang troll farms na magluluklok ng “troll president” sa 2022. Batay sa House Resolution No. 1900, hiniling nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat na imbestigahan ng Mababang …
Read More »8 tulak, 8 law violators arestado sa Bulacan
NADAKIP ng mga awtoridad ang walong hinihinalang mga tulak ng droga at tatlo pang may iba’t ibang paglabag sa batas sa ikinasang serye ng police operation sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 20 Hunyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang walong drug suspects sa serye ng buy …
Read More »17-anyos estudyante nagbigti (Iniwan ng boyfriend)
DAHIL sa bigat ng dinanas, tinapos ng isang dalagita ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend sa Malabon City. Ayon kay Malabon City police chief, P/Col. Albert Baro, nadiskubre ang katawan ng biktima na itinago sa pangalang Ashley ng kanyang pinsan na nakabigti sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa …
Read More »Puganteng highlander nasukol sa Pampanga (No. 7 MWP ng Kalinga)
NADAKIP sa manhunt operation ang isang puganteng highlander na sinasabing top 7 sa mga listahan ng mga most wanted sa lalawigan ng Kalinga sa ikinasang manhunt operation ng mga kagawad ng Mabalacat City Police Station at Tabuk City Police Station, Kalinga PPO, nitong Sabado, 19 Hunyo, sa pinagtataguang lugar sa Filipiniana, Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala …
Read More »2 Nigerian national, 4 pa arestado sa bato at damo (Drug den sinalakay sa Pampanga)
Arestado ang dalawang Nigerian national kasama ang apat pang kakontsabang suspek makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu at high grade marijuana (Kush) nang salakayin ng PDEA Pampanga ang minamantinang drug den ng mga suspek noong Huwebes ng gabi, 17 Hunyo, sa Villa Teodora, Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo ang mga suspek na …
Read More »PRO3-PNP, mamamayan naglunsad ng clean-up drive (National Ocean month ipinagdiwang)
SAMA-SAMANG naglunsad ng clean-up drive sa kapaligiran at mga ilog ang mga kagawad ng PRO3-PNP at mga mamamayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Ocean Month at upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue sa lalawigan ng Pampanga. Bitbit ang mga walis, rumatsada ang mga miyembro ng LGBTQ sector sa bayan ng Porac at nilinis ang mga basura sa …
Read More »80-anyos biyudo nagpatiwakal sa loob ng bahay (Sa araw ng mga tatay)
PATAY at may tama ng bala ng baril sa kanyang leeg nang matagpuan ang isang 80-anyos biyudo na hinihinalang kinitil ang sariling buhay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Mungo, bayan ng Tuao, lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo, 20 Hunyo, mismong Araw ng mga Ama. Kinilala ni P/SSgt. Wilson Pascua, imbestigador sa kaso, ang biktimang si Trinidad Serrano, 80 …
Read More »Grade 7, ginahasa ng ‘tiyuhing’ manyakis
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 21-anyos lalaki makaraang halayin ang Grade 7 pamangkin ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City. Kasong panggagahasa ang isinampa ng mga tauhan ng Valenzuela City Police nitong Sabado ng hapon laban kay Raymond Rindado, alyas Emon, residente sa A. Tongco St., Brgy. Malinta matapos ireklamo ng kanyang 30-anyos live-in partner sa ginawang pagmomolestiya sa …
Read More »Kaso ng COVID-19 sa Bulacan bumaba ng 43%
PINASALAMATAN ni Gobernador Daniel Fernando ang health workers at frontliners ng lalawigan ng Bulacan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso hanggang 43% mula Mobility Week hanggang 19-20 Mayo at mula 8-22 Mayo, hanggang Mobility Week 21, 22-23 Mayo hanggang 5 Hunyo. “Napanatili po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso. …
Read More »3 wanted persons hoyo (Nasakote sa Malabon at Caloocan)
TATLONG nagtatago sa batas kabilang ang dalawang bebot ang naaresto sa magkakahiwalay na joint operations ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan. Ayon kay Malabon City police chief Col. Albert Barot , dakong 10:10 pm nang magsagawa ng joint manhunt operations laban sa wanted persons ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMSgt. …
Read More »Misis binurda pinagtatataga ni mister (Sa Quezon City)
ISANG misis ang pinagtataga ng kanyang mister sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang mamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Antonio Yarra, ang biktima ay kinilalang si Realyn Maglimti Lamban, 27, tubong Samar, habang naaresto ang mister na si Ferdinand Suarez Panti, 30, …
Read More »Online registration sa Comelec iginiit ng Solon
IGINIIT ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na baguhin ng Commission on Elections (Comelec) ang patakaran sa pagpaparehistro ng mga botante sa susunod na eleksiyon at gawing online. Ayon kay Rodriduez maaari rin itong gawin sa filing ng certificates of candidacy ng mga kandidato sa Oktubre 2021. “Let us allow the youth who are already …
Read More »DepEd liaison officer, misis, natagpuang patay (Sa Cebu)
DALAWANG araw matapos iulat na nawawala, natagpuang wala nang buhay ang isang liaison officer ng Department of Education (DepEd) at ang kanyang asawang guro at negosyante, sa loob ng kanilang sasakyan sa bayan ng San Fernando, lalawigan ng Cebu, nitong Biyernes, 18 Hunyo. Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Gavino Sanchez, 49 anyos, liaison officer ng DepEd-Minglanilla sa …
Read More »Serye-Exclusive: DV Boer Farm officials wanted sa syndicated estafa
ni ROSE NOVENARIO WANTED sa mga awtoridad ang matataas na opisyal ng DV Boer Farm International Corp., na ang mayorya’y pawang mga miyembro ng pamilya Villamin dahil sa two counts ng syndicated estafa na isinampa ng isang dating professional banker at sub-farm owner. Inilabas kamakailan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 91 Judge Kathleen Rosario Dela Cruz-Espinosa ang warrant of …
Read More »10-day hotel quarantine sa int’l travelers, 99.7% epektibo
INILINAW ni Austriaco, kailangan magsagawa ng mga hakbang upang magkaroon ng proteksiyon ang populasyon laban sa mga bago at mas mapanganib na CoVid-19 variants. Dapat aniyang magpatupad ng 10-day hotel quarantine para sa international travelers na lumalapag sa Metro Manila at Cebu dahil base sa pag-aaral, ito’y 99.7% epektibo para hindi makapasok ang variants sa bansa. “There is …
Read More »No mask Christmas, target ng Palasyo
KOMPIYANSA ang Palasyo na mararanasan ng sambayanang Fiipino ang “no mask Christmas” bunsod ng pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 sa bansa. Kinatigan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang paghimok sa pamahalaan at publiko ni Father Nicanor Austriaco, isang Dominican priest, at tanyag na microbiologist expert, upang magtulungan para maranasan sa Filipinas ang “no mask Christmas.” Si …
Read More »P35-oral CoVid-19 vaccine, PH made
SUPORTADO ng Malacañang ang isinusulong na mga pag-aaral para sa oral CoVid-19 vaccine na natuklasan ng isang Filipino priest na microbiology expert. Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na popondohan ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trial ng oral vaccine na natuklasan ni Father Nicanor Austriaco at kapag napatunayan na epektibo at ligtas, tutuparin ni Pangulong …
Read More »Puganteng Chinese timbog sa Angeles (Suspek sa pagpatay ng kababayang Tsino)
DINAKMA ng mga awtoridad ang isang puganteng Chinese national, suspek sa pagpatay ng sariling kababayan sa isinagawang manhunt operation nitong Martes, 15 Hunyo, sa loob ng Clark Freeport Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRo3 Director PBGen Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, na si Zhihui Yan, kasalukuyang naninirahan sa …
Read More »3 notoryus na tulak nalambat sa drug bust sa Pampanga
HUMAHAGULGOL habang nagmamakaawa na babaan ang isasampang kaso sa kanila ng nakatransaksiyong mga awtoridad matapos maaresto at ipresinta ang nakompiskang 15 gramo ng hinihinalang shabu sa on-site inventory, resulta ng anti-narcotics operation ng San Fernando City Police SDEU nitong Martes, 15 Hunyo, sa bisinidad ng Sogo Hotel, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director …
Read More »Shabu itinaya sa cara y cruz 2 kelot timbog
SWAK sa kulungan ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng cara y cruz, na ang itinataya umano’y shabu sa Malabon City, kahapon, Huwebes, ng madaling araw. Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rommel Cabading, 39 anyos, construction worker; at Franz Gelloagan, …
Read More »P2-M shabu timbog sa 2 bebot
MAHIGIT P2-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang dalawang suspek na sina Halima Macalunas, alyas Halima, 48 anyos; at Ponggo Pagayao, 20 anyos. Pinuri ng NCRPO chief ang tagumpay …
Read More »3 Kapitan nasa ‘hot seat’ sa ‘super spreader events’ sa kanilang AOR — DILG
TATLONG barangay chairmen ang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa paglabag sa ‘mass gatherings’ sa kanilang mga hurisdiksiyon. Pinangalanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Kapitan na sina Ireneo H. Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao, at Franklyn O. Ong ng Kasambangan, Cebu City. Kinuwestyon …
Read More »