Monday , January 13 2025
arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high value individual ng Central Luzon sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 21 Setyembre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek na si Ronaldo Montalbo alyas Bong, 48 anyos, residente ng Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Napag-alamang ang suspek ay miyembro ng notoryus na Contreras criminal gang, na sangkot sa pagnanakaw, carnapping at pagpapakalat ng ilegal na droga sa buong Bulacan at mga karatig-lalawigan.

Pinangunahan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ang buybust operation katuwang ang PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 3 at Plaridel MPS kung saan nadakip si Montalbo 5:30 ng hapon kamakalawa.

Nakumpiska mula sa suspek ang 18 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000; isang itim na keypad cellphone; bisikleta; at buybust money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …