Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Navotas kompletong nakapamahagi ng P199.8-M ECQ ayuda

Navotas

NAKAKOMPLETO ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para sa enhanced community quarantine (ECQ) ayuda. Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteño hanggang 25 Agosto. Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 ang mula sa pamahalaang lungsod. “We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day …

Read More »

Kelot kritikal sa palo sa ulo at saksak ng 2 menor de edad

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 19-anyos lalaki nang patraidor na pinalo ng matigas na bagay sa ulo at saksakin sa likurang bahagi ng katawan ng dalawang menor de edad sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Patuloy na inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang  biktimang kinilalang si Ericson Atamosa, residente sa Tahong Alley, Brgy. 20, Caloocan City, …

Read More »

P3.4-M shabu kompiskado sa big time tulak ng CL tiklo sa Maynila

shabu

NADAKIP ANG isang pinaniniwalaang big time drug peddler sa ikinasang drug sting ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakompiska ng milyon-milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Chinese national nitong Sabado ng tanghali, 28 Agosto, sa Sta. Ana, Maynila. Naikasa ang operasyon sa pamamagitan ng mag­ka­sanib na pagsi­sikap ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon, PDEA Manila District …

Read More »

Delivery man, construction worker arestado sa pangre-rape ng vendor

rape

DINAKIP ang isang delivery man at kasabwat na construction worker na nagsilbing ‘lookout’ habang pinagsasa­mantalahan ng una ang 20-anyos dalagang vendor sa Brgy. Central, Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw. Ang mga suspek ay kinilalang sina John Michael Del Rosario, 30 anyoss, walang asawa, delivery man, at residente sa No. 1 BFD Compound, Brgy. Central, Quezon City, at kasabwat …

Read More »

3 tulak kalaboso sa baril at shabu

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

SHOOT sa kulungan ang tatlong tulak ng droga matapos makuhaan ng shabu at baril sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Dennis Forfieda, 37 anyos, residente sa Caloocan City; Roberto Santos, 58 anyos, residente sa Brgy. Longos; …

Read More »

e-Sabong pumalit sa POGO — Pagcor (Sa pagbabayad ng buwis)

e-Sabong

AMINADO ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), tinalo ng e-Sabong ang operasyon ng POGO sa pagbabayad ng buwis. Ayon kay Pagcor Chair Andrea Domingo, maraming online casino o POGO ang nagsara ngayong pandemic. Nag-alala raw ang naturang ahensiya kung saan kukuha ng revenue na kailangang-kailangan ng bansa bilang pantustos sa pangangailangan ng pamahalaan para labanan ang CoVid-19. “But when …

Read More »

Senado ‘nabudol’ sa wrong address ng Pharmally execs

ni ROSE NOVENARIO NABUDOL ang Senado sa maling address na ibinigay ng Pharmaly Pharmaceuticals top executives  kaya hindi naisilbi ang subpoena para dumalo sa pagdinig kaugnay sa nakorner nitong P9-bilyong overpriced medical supplies. Nabatid ng Senate Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA), tatlong taon na palang bakante ang 14-A One McKinley Place sa Bonifacio Global City, ang nakalistang address nina Pharmally …

Read More »

Danao umiskor vs ilegal na sugal (2 ‘kobrador’ swak sa QC)

ARESTADO ang dalawang hinihinalang kobrador sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa Quezon City batay sa malawakang kampanya na inilunsad ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila. Matatandaan na iniutos ni NCRPO chief P/MGen. Vicente D. Danao, Jr., ang pagtutok sa operasyon kontra ilegal na sugal bilang bahagi ng pagpapanatili …

Read More »

3 drug suspects deretso kalaboso

shabu

BAGSAK sa kulungan ang tatlong drug suspect matapos makompiskahan ng kabuuang P352,036 halaga ng pinaniniwalaang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Pasay City nitong Miyerkoles.         Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Joseph Alverio y Suñiga, alyas Boss Diego; Joseph Morales y Mojica; at Charlita Morales y Mones, pawang nasa …

Read More »

P170K shabu timbog sa kelot

shabu

NAHULI ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police Drug Enforcement Unit (DEU) ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 sa isang lalaki nang isagawa ang buy bust operation sa lungsod, nitong Miyerkoles, 25 Agosto. Kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na si Ronnie Rivera y Maranan, alyas Bayag, 41, ng Muntinlupa …

Read More »

Doktor, sinampahan ng kasong criminal (Dahil sa pamemeke ng Covid-19 records/results)

fake documents

KASONG kriminal ang isinampa ng isang doktor laban sa kanyang kabaro sa Valenzuela City Prosecutor’s Office, matapos ang klinika ng huli ay naunang tinanggalan ng Department of Health (DOH) ng lisensiya dahil sa pamemeke ng CoVid-19 results/records. Sa kanyang complaint-affidavit, inakusahan ni Dr. Alma Radovan-Onia, Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI), medical director, si Dr. Jovith Royales, chief executive …

Read More »

2 tulak huli sa buy bust sa Navotas at Valenzuela

shabu drug arrest

BUMAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela. Ayon kay Navotas City chief of police, Col. Dexter Ollaging, dakong 9:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng …

Read More »

Kawatan ng motorsiklo todas sa enkuwentro

dead gun

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki matapos manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa checkpoint kaugnay sa ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 26 Agosto. Sa ulat na ipinadala ng Pandi Municipal Police Station kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, napatay ang hindi pa kilalang motorcycle thief nang makipagbarilan …

Read More »

Most Wanted ng Nueva Ecija nasukol sa Batangas

arrest posas

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap sa kasong frustrated murder sa Nueva Ecija sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng gabi, 25 Agosto. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ng manhunt operation ang magkasanib na mga elemento ng San Antonio Municipal Police Station sa Nueva Ecija  at Sto. …

Read More »

Rapist na tattoo artist arestado (Sa Pampanga)

prison rape

WALANG kawala ang isang lalaking malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong panggagahasa matapos makorner ng pulisya sa bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 25 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PNP, naglatag ang mga elemento ng Sto. Tomas Municipal Police Station at TSC RMFB3 ng manhunt operation sa …

Read More »

2 preso patay sa shootout (2 nurse ini-hostage sa Marikina BJMP)

dead prison

NAUWI sa malagim na pagtatapos ang hostage drama na naganap sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Marikina nang mapatay sa shootout ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) nang mang-hostage ng dalawang nurse nitong Huwebes ng hapon, 26 Agosto. Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nagsasagawa ng medical check-up ang mga nurse …

Read More »

Nag-hunger strike vs condo management NUPL lawyer itinumba

dead gun police

PATAY ang isang beteranong abogado nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa kahabaan ng R. Duterte St., Brgy. Guadalupe, sa lungsod ng Cebu, nitong Huwebes ng hapon, 26 Agosto. Kinilala ni P/Maj. Jonathan Dela Cerna, hepe ng Guadalupe Police Station, ang biktimang si Atty. Rex Jose Mario Fernandez, 62 anyos, sakay ng kanyang kotse nang barilin ng lalaking inaabangan siya …

Read More »

‘Bakuna bubble’ sa malls pinalagan ng Solon

CoVid-19 vaccine

PUMALAG ang chairman ng House Committee on Constitutional Amendments sa mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI), ng Department of Labor and Employment (DOLE), at ng mga dambuhalang negosyante na ibukas ang mga mall at iba pang negosyo para sa mga bakunado lamang. Ayon kay Ako Bicol Rep. Afredo Garbin, Jr., hindi makatarungan ang ganoong klaseng mungkahi dahil iilan …

Read More »

57 construction workers nagpositibo sa covid-19 (Sa Quezon Cit )

Covid-19 positive

UMABOT sa 57 construction workers ang nagpositibo sa CoVid-19 na naka-lockdown sa barracks ng itinatayong condominium sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City. Nabatid sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), may unang 27 trabahador ang nagpositibo sa construction site ng ginagawang condo sa Araneta City na matatagpuan sa Standford St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao. Sa kalalabas na …

Read More »

Duterte swak pa rin sa kasong kriminal (Kahit maging VP)

ni ROSE NOVENARIO HINDI makalulusot si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya bunsod ng madugong drug war kahit manalo pa siyang vice president sa 2022. “If he can force (Davao City Mayor Sara Duterte) to accept him, he will run. Because he wants some protection,” sabi ni Antonio La Viña, legal expert at dating …

Read More »

305 Pinoy sa Middle East sinundo ng Cebu Pacific Bayanihan flight

LIGTAS na naiuwi ng Cebu Pacific sa bansa nitong Miyerkoles, 25 Agosto, ang 305 returning overseas Filipino (ROF) mula Middle East, sakay ng Flight 5J 27, bilang pagtuwang sa pamahalaan sa pagpapauwi ng mga Filipino na nasa ibang bansa habang mayroon pang travel ban. Ito ang ikalimang special commercial flight na inilunsad ng Cebu Pacific mula Dubai pauwi ng Maynila.   …

Read More »

Aplikasyon sa pagbili ng bakuna ng LGUs at pribadong sektor nakabinbin sa NTF

CoVid-19 vaccine

INUPUAN, umano, ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against CoVid-19 ang halos 300 aplikasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at constituents. Ayon kay AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin, matagal nang naisumite ng mga LGU at pribadong kompanya ang tinatawag na Multi-party Agreements (MPAs) sa …

Read More »

Go-Duterte, PDP-Laban, sinopla ni Sara

PDP-LABAN, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Bong Go

NANAWAGAN si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at sa ruling party PDP-Laban na huwag siyang gamiting dahilan sa pagpapasya kung itutuloy ang kandidatura sa halalan sa 2022. Kinompirma ni Sara sa isang kalatas na inamin sa kanya ng Pangulo ang pagtakbo bilang vice president at si Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang running …

Read More »