Tuesday , October 3 2023
Daphne Oseña-Paez

Lifestyle journalist Oseña-Paez, bagong Palace Press Briefer

TAGAPAGHATID ng balita at impormasyon at hindi opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magiging papel ni TV host at dating  news presenter Daphne Oseña-Paez.

“Makakasama sa bawat briefing na gagawin dito sa Press Working Area. Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni President… Marcos,” pahayag kahapon ni Press Undersecretary at Officer-In-Charge Cheloy Garafil.

Sinabi ni Oseña-Paez, sa kanya manggagaling ang mga update mula sa Palasyo.

“The President will speak for himself. I am just here to support the Office of the Press Secretary for now,” sabi niya.

Tagapagtaguyod si Oseña-Paez  ng women and children’s rights at naging bahagi rin ng Malacañang Press Corps noong administrasyong Ramos.

Nagtapos siya sa University of Toronto in Canada ng kursong fine arts and history at kasalukuyang naka-enrol para sa advanced certificate on environmental management.

Nagsilbing host si Oseña-Paez ng ilang events sa Malacañang kabilang ang paglulunsad ng 2015 APEC sa Filipinas noong  Disyembre 2014 sa panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Noong Pebrero 2019 ay hinirang siya bilang UNICEF’s National Goodwill Ambassador “for actively supporting and promoting children’s rights.”

Nagsilbing piloto ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ang ama niyang si Col. Delio Osena at nanungkulan din sa Philippine Consulate sa Canada. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …