Saturday , April 1 2023
Boy Palatino photo Sa PRO4-A year end thanksgiving competition LAGUNA PPO NAKASUNGKIT NG PANALO

Sa PRO4-A year end thanksgiving competition
LAGUNA PPO NAKASUNGKIT NG PANALO

NAKAMIT ng Laguna PPO ang pangalawang puwesto sa parol competition at pangatlong puwesto sa showband competition sa ginanap na Year End Thanksgiving ng PRO CALABARZON noong Biyernes, 16 Disyembre, sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen. Vicente Lim, sa lungsod ng Calamba.

Isinagawa ang Year End Thanksgiving sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., may temang Paskuhan sa Kampo Lim 2022.

Binigyang papuri ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, ang mga pulis ng Laguna PPO na nagtulong-tulong gumawa ng parol para sa nasabing kompetisyon at ang PPO-Band sa pagkapanalo rin sa paligsahan.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Pinupuri ko ang Laguna PPO sa pagwawagi sa mga kompetisyon sa Paskuhan sa Kampo Lim 2022. Ang mga talentong ibinahagi ng pulisya ng Laguna ay ibabahagi rin natin sa komunidad ng lalawigan, kasabay ng pagpapatupad ng ating tungkulin.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …