Friday , June 26 2026
Jamsap Entertainment Jojo Flores Maricar Moina 

60 Jamsap artists rumampa, paglulunsad matagumpay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKABONGGA at nakalulula ang ginanap na grand launch ng Jamsap Entertainment Corporation sakanilang kulang-kulang 60 talents mula sa apat nitong division— Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp, at Jams Artist Production na ginanap sa SMX Convention Center noong December 20.

Ang Jams Artist Talent Center ay training ground ng mga talent na nangangarap maging artista, modelo, singer o dancer na may edad 4-45. Bale dumadaan sila sa masusing workshop sa acting, dancing, at modelling na pinamumunuan ni Jessica Mendoza.

Event producer din ang Jams Top Model Philippines na nagpo-produce ng top models sa bansa. Nagsasagawa rin sila ng taunang ramp model competition na libo-libo ang sumasali. Si Josie Deog naman ang namamahala rito.

Sa Jams Basketball Training Camp naman ay nagsasanay sila ng mga potensyal na basketball superstars. Nagho-host din sila ng paliga sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa buong bansa na pinamumunuan ni Patrick Alvarez.

Sa Jams Artist Production na pinamumunuan naman ni Maricar Moina ay isang talent at event production company na nagsasanay ng iba’t ibang artists at models sa fashion at movie industry.

Nagsisilbi ring talent at casting agency na nagsu-supply ng talents sa iba’t ibang media platforms at networks ang Jamsap.

Ayon sa may-ari ng Jamsap Entertainment Corporation na sina Jojo Flores (CEO) at COO Maricar Moina ang mga talent na sinasanay nila ay isasama nila sa mga pelikula, serye, at digital ads na iproprodyus nila simula 2023.

Anila, marami silang plano sa kanilang talents at nakalatag na iyon pagpasok ng 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …