Monday , April 15 2024
Joey de Leon My Teacher Toni Gonzaga Paul Soriano

Joey pagpipinta at pagsusulat ang pinagkaabalahan noong kasagsagan ng pandemic

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAALIW naman kami kay Joey de Leon nang makipagtsikahan ito sa preskon ng My Teacher kasama sina Toni Gonzaga, Carmi Martin at marami pang iba. 

Sa tagal ng panahon dahil sa pandemic ay nakulong sa bahay si Joey at ang mag-painting at magsulat ang pinagkaabalahan niya although lumalabas sila dati sa Eat Bulaga via zoom komo seniors na sila ni Tito at Vic Sotto.

Pero ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ay nakakapag-live na sila sa Bulaga.

Sa pelikulang My Teacher ay magkasama sila ni Toni na dati ay kasama niya sa Eat Bulaga noong early years pa ng aktres sa showbiz. Kaya hindi tinanggihan ni Joey si Toni . Baby daw kasi nila si Toni noon sa Bulaga at masakit sa kalooban ni Joey ang paglipat nito.

Ang My Teacher ay mukhang magaang panoorin na makakapag-relax sa mga manonood at kasama pa sa movie ang magsing-irog na si Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Ang asawa ni Toni na si Paul Soriano ang director ng movie.

About Joe Barrameda

Check Also

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Ruru Madrid Black Rider

Bagong alyansa ng kasamaan haharapin ni Ruru

RATED Rni Rommel Gonzales THE war ain’t over yet para kay Black Rider, kaya naman tutok na …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS World Vision

KMJS binigyang-pagkilala ng World Vision 

RATED Rni Rommel Gonzales IBANG level talaga ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) dahil kamakailan ay kinilala …

Royce Cabrera

Ren nag-babu na, Royce Cabrera ‘sepanx’ sa karakter sa serye

RATED Rni Rommel Gonzales MATUTUWA kaya ang viewers ngayong napilayan na ang Crazy 5 sa …

Marian Rivera My Guardian Alien

Pagsisimula ng serye ni Marian pinusuan ng viewers 

RATED Rni Rommel Gonzales MAINIT na tinanggap ng viewers ang comeback series ni Kapuso Primetime …