John Prats ABS-CBN Christmas 2022

John Prats, direktor ng two-part special sa ikatlong pagkakataon
STAR-STUDDED ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL, NAGPALIGAYA SA MGA FILIPINO

DALAWANG gabi na puno ng musika, pag-ibig, at ligaya ang naghintay sa bawat pamilyang Filipino dahil ipinalabas na ang Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022 noong Disyembre 17 at 18.

Ang 2022 ABS-CBN Christmas Special ay may temang pasasalamat sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon at pagbibigay-pugay sa Panginoon, pamilya, kaibigan, at sa komunidad na pinagkukunan natin ng ligaya at pag-asa.  

Sa ikatlong pagkakataon, nagsilbing direktor ang Kapamilya star na si John Prats ng Christmas Special, na tampok ang mahigit sa 100 bituin mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN

Tulad ng taunang ABS-CBN Christmas ID, bahagi na rin ng Pasko ng pamilyang Filipino ang makabuluhang Christmas Special ng ABS-CBN. Bukod sa mga pasabog na performance, inaabangan din ang mga nakaaantig na kuwento at napapanahong mensaheng nakapaloob dito.