Kinalap mula sa UCA News ni Tracy Cabrera MALOLOS, BULACAN — Itinakda para sa mas mataas na kadahilanan ng dakilang pag-ibig sa mga likha ng Diyos, pinasinayanan ng Doctor Yanga’s College sa Bulacan ang pagbubukas ng kauna-unahang ‘earth chapel’ sa bansa na hitik sa iba’t ibang mga halaman at debuho sa sining, kabilang na ang mosaic ng mga Italyanong santo …
Read More »Masonry Layout
Maritime group humihingi ng tulong para sa kapakanan ng mga tripolante
Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Libu-libong mga seaman ngayon ang nasadlak sa kahirapan makaraang lumabis sa trabaho sa kanilang mga kontrata sanhi ng epekto ng pandemya ng coronavirus sa manning industry sa buong mundo kaya hinihiling ng mga maritime group kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang cap para sa dumarating o umuuwing na mga overseas Filipino workers (OFWs) mula …
Read More »World Distance Learning Day
Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Alam n’yo ba na pinagdiwang nitong nakaraang Martes, Agosto 31, ang World Distance Learning Day. Kung hindi n’yo man alam, hindi na dapat pang ikagulat na may pagdiriwang na ganito dahil ang mundo ay nakakaranas ngayon ng paghihirap sa sektor ng edukasyon sanhi ng pandemya ng coronavirus. Nagdiwang ang daigdig ng kaarawang ito upang yakapin …
Read More »Bulacan makikiisa sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month
UPANG pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month (DPRM) ngayong Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Ang nasabing aktibidad ay may temang: “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya.” …
Read More »Alkalde sa Bulacan lumabag sa IATF protocols — DOH
PINUNA ng Department of Health (DOH) ang alkalde ng bayan ng Obando, sa lalawigan ng Bulacan na sinasabing lumabag sa CoVid-19 protocols sa ginanap na pagtitipon kasama ang mga residente sa kanyang kaarawan kamakailan. Depensa ni Obando Mayor Edwin Santos, sinorpresa lamang siya ng kanyang barangay officials at ilang mga kaibigan na nagdala ng pagkain sa kanyang tahanan. Ayon kay …
Read More »Pekeng vaccination card ibinibenta (Lalaki timbog sa Cebu)
INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking hinihinalang nagtitinda ng pinekeng vaccination cards sa lungsod ng Cebu, nitong Lunes, 30 Agosto. Nabatid na nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Clifford Arcilla, 46 anyos, sa loob ng isang printing shop sa Sanciangko St., sa nabanggit na lungsod, kung saan ginagawa ang mga pekeng vaccination card bago ibenta sa kanilang …
Read More »Donasyon ninakaw sa loob ng simbahan 4 kawatan arestado (Sa Batangas)
DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 30 Agosto ang apat na lalaking nanloob sa isang simbahang Katoliko at ninakaw ang lamang pera ng mga kahon ng donasyon sa bayan ng Lian, lalawigan ng Batangas. Kinilala ng Lian police ang mga suspek na sina John Rafael Jonson, 20 anyos; Juan Bautista, 23 anyos; at dalawang menor de edad, na dumaan sa …
Read More »DFA Consular Office NCR East branch isinara
SUSPENDIDO simula kahapon, 31 Agosto hanggang 3 Setyembre ang operasyon ang isang sangay ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila bunsod ng close contact ng ilang empleyado sa ilang indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19. Ang DFA Consular Office (CO) NCR East branch, matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City ay pansamantalang nagsara para sa kaligtasan …
Read More »138 Pinoys na stranded sa Bahrain nakauwi na
DUMATING kahapon ang 138 Pinoy na stranded sa Bahrain sa pamamagitan ng Repatriation Program ng pamahalaan. Ang repatriates ay pawang mga sanggol, bata, pardoned detainees, medical patients, at mga buntis. Halos ilang linggo at buwang stranded ang mga nasabing Pinoy sa naturang bansa bunsod ng limitadong biyahe ng eroplano mula Bahrain papuntang Filipinas. Nagsagawa ng ayuda ang embahada ng Filipinas …
Read More »Top 1 most wanted sa Misamis Occidental, arestado sa Navotas
NASAKOTE ng mga tauhan ng Maritime police ang tinaguriang Top 1 most wanted person ng Calamba Misamis Occidental sa kanyang pinagtataguan sa Navotas City matapos ang halos anim na taong pagtatago. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong si Jesson Arcamo, 28 anyos, binata, seaman/oiler ng M/V Andres Javier 8, residente sa Brgy. …
Read More »Duterte-Go ‘joint’ bank account sinilip (Ping nanggigil)
IPINAHIWATIG ni Sen. Panfilo Lacson na may minamantinang ‘joint bank account’ sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go. Buwelta ito ng senador matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang mga senador na nag-iimbestiga sa Commission on Audit (COA) report sa pagbibigay ng Department of Health (DOH) ng P42-bilyon sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) at …
Read More »Pagtaboy ni Sara sa ama camuflaje, zarzuela — Ex PPCRV chief
HATAW News Team ZARZUELA o romcom lamang ang ginagawang pagdistansiya o pagtataboy kay Pangulong Rodrigo Duterte ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa isyu ng 2022 Presidential election. O isang camouflage para ipakita sa publiko na magkaiba ang mag-ama sa pamamahala ngunit ang katotohanan ay magkapareho lamang sila ng ‘estilong aayaw-ayaw pero gustong-gusto pala’ kaya hindi …
Read More »Michael Yang ‘pagador’ ng Pharmally — Duterte
ni ROSE NOVENARIO HINDI na mahihirapan ang Senado na ungkatin ang papel ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil mismong punong ehekutibo’y inamin na pagador siya ng kompanyang nakasungkit ng P8.6-bilyong overpriced medical supplies. Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagtatanggol kung bakit niya itinalagang economic adviser si Michael Yang, …
Read More »Escape plan ng Duterte Davao Group kasado na
KASADO na ang daan upang makatakas sa pananagutan sa paglulustay ng pera ng bayan ang tinaguriang Davao Group ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nawala na siya sa puwesto. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs, sa One News. Aniya, ang pagpapapuwesto sa iba’t ibang ahensiya hanggang sa Ombudsman …
Read More »
Sa gitna ng pandemya
PAMOMOLITIKA NG PAMILYA DUTERTE BINATIKOS
HATAW News Team UMABOT na sa halos 22,000 kada araw ang CoVid-19 cases sa Filipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamomolitika at pagbatikos lang ang kayang gawin. Ipinahayag ito ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte, imbes ang kanyang vice presidential bid at ang pag-uudyok sa anak na si Davao …
Read More »
Dating empleyado minolestiya
CHINESE CONTRACTOR ARESTADO SA PAMPANGA
NASAKOTE ang isang contractor na Chinese national nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, sa reklamong pangmomolestiya ng kanyang dating empleyadong babae. Kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang arestadong suspek na si Yanlong Xu Chen, 36 anyos, Chinese national. Nadakip ngn mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay na armado ng warrant of arrest …
Read More »
Buhawi tumama sa Negros Occidental
2-ANYOS SUGATAN, 7 BAHAY NAPINSALA
NASUGATAN ang isang 2-anyos bata nang tamaan ng buhawi ang pitong bahay sa mga bayan ng La Castellana at E.B. Magalona, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 27 Agosto. Sa pahayag nitong Linggo, 29 Agosto, ni Dr. Zeaphard Caelian, hepe ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD), nasira ang limang bahay sa Sitio Old Manghanoy, habang dalawang iba pa ang …
Read More »
Sa Bulacan
AMANG HOSTAGE TAKER TODAS SA TAMA NG BALA
PATAY ang 49-anyos construction worker na siyam-na-oras nang-hostage ng kanyang apat na mga anak at tumangging sumuko sa pulisya, nitong Biyernes, 27 Agosto, sa Pandi, Bulacan. Ayon kay P/Col. Alex Apolonio, hepe ng Pandi PNP, namatay ang suspek na si William Domer dakong 4:00 ng hapon noong Biyernes, sa Bulacan Medical Center (BMC), sa lungsod ng Malolos. Armado ng sundang …
Read More »
2 motorsiklo nagkabanggaan sa Biliran
DPWH J.O. PATAY PULIS, 1 PA SUGATAN
BINAWIAN ng buhay ang isang job order na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran, nitong Biyernes ng gabi, 27 Agosto. Ayon kay P/Maj. Michael John Astorga, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Cesar Japay, 62 anyos, sa motosiklong minamaneho ng kanyang kasama nang bumangga sa …
Read More »Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate
ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician. Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili. …
Read More »Kawani ng Taguig LGU, kalaguyo huli sa motel
KALABOSO ang isang empleyado ng Taguig City Hall at ang kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto sa loob ng isang motel sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 28 Agosto. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig City Police, ang mga nasakote sa motel na sina Von Agsaulio, 45 anyos, may asawa, at empleyado ng Taguig City Hall; …
Read More »Puganteng estapador, 4 pa nasakote sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang lima kataong kinabibilangan ng isang estapador na malaon nang pinaghahanap ng batas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado, 28 Agosto, hanggang Linggo ng umaga, 29 Agosto. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang puganteng estapador na si Eduardo …
Read More »
2 manyakis sa quarantine control point timbog
BAGITONG PULIS, 1 PA KINASUHAN NG SEXUAL ASSAULT
IPINAG-UTOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang agarang pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa isang bagitong pulis at kasama niya matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang babaeng kanilang hinuli sa paglabag sa quarantine protocols (Unauthorized Person Outside Residence), nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan. Inakusahan ng pangmomolestiya ng 19-anyos biktima, si …
Read More »Bakuna Bubbles kailangan munang pag-aralan — Abalos
Kinalap ni Tracy Cabrera MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magkaroon ng vaccination target para sa populasyon ng bansa. Sa …
Read More »Pulis sa Colorado kinasuhan sa pamamaril sa tuta
LOVELAND, COLORADO — Sinampahan ng kaso ng mag-asawa ang isang pulis na namaril sa kanilang tuta na kinailangang ‘patulugin’ kalaunan makaraan ang enkuwentro nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng kanilang kapitbahay. Noong Hunyo 2019, dumating si Loveland police officer Matthew Grashorn sa bakanteng car park, na kinnaroroonan ni Wendy Love at ng kanyang mister habang pinapatakbo ang kanilang …
Read More »