MMFF 2022 B

Netizens nasabik sa parada ng mga artista

I-FLEX
ni Jun Nardo

SABIK na sabik ang dumagsang tao sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars na nagkumpulan sa simula sa Welcome Rotonda last Wednesday.

Nagkadabuhol-buhol din ang traffic sa Quezon Avenue patungo sa QC Memorial Circle na ending ng parade.

Kitang-kita sa kasiyahan ng crowd ang pagka-miss sa taunang parade ng mga artista  tuwing MMFF. Walang tigil ang sigawan sa bawat float ng mga kalahok kahit na nga mainit ang araw.

Mukhang magiging tagumpay ang Balik-Saya sa MMFF na pakulo ng MMFF at sana nga eh panooorin  ng nanood ng parade ang lahat ang pelikulang kasali sa festival.