Friday , June 26 2026
Metro Manila Film Festival, MMFF

Horror, family, comedy films nanguna sa unang araw ng MMFF2022

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa curious kung ano-ano na bang pelikula ang nangunguna o pinasok o pinanood ng mga netizen sa unang araw ng pagpapalabas ng mga entry na kasali sa  Metro Manila Film Festival 2022. 

Walong pelikula ang kasalukuyang napapanood sa mga sinehan, ito ay ang My Father, Myself nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, at Dimples RomanaNanahimik ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon ConfiadoPartners In Crimenina Vice Ganda at Ivana AlawiLabyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. MariaDeleter ni Nadine LustreFamily Matters nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco; Mamasapano: Now It Can Be Told nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao; at My Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga.

Ayon sa post ng  MMFF official Facebook page, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival sa unang araw pa lamang ng pagbubukas nito.”

Kasunod ang pagpapasalamat sa mga tumangkilik sa walong pelikulang kasama sa MMFF 2022 at pag-anyaya na tangkilikin pa at panoorin ang mga pelikulang kalahok sa festival. 

“Bukas at sa mga susunod pang mga araw ay lalo pa nating pag alabin ang damdaming Pilipino na mahalin at tangkilikin ang pelikulang atin. Kaya manood na at makisaya! Panoorin ang walo!”

May mga balitang may naso-sold out na screening, isang magandang indikasyon na unti-unti na ngang bumabalik ang mga tao sa panonood ng sine. Bagamat sinasabing hindi pa mapapantayan tiyak ng kikitain ngayon sa mga nagdaang taon ng MMFF, nakatutuwa na rin na marami-rami ang nanonood ng mga pelikulang Filipino.

Ayon sa mga nakalap naming unofficial na resulta sa takilya, ang Top 4 ay ang mga pelikulang Partners In CrimeLabyu With An AccentDeleter, at Family Matters. Malakas din daw ang My Father, Myself sa A and B crowd. Hindi naipalabas sa mga SM cinema ang pelikulang ito nina Jake at Sean dahil sa R18 ratings.

Ngayon Dec. 126 ang ikalawang araw ng pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF at nakatitiyak kami na magbabago ang ranking ng mga pelikulang unang sinasabing nasa Top 4. Ang hangad lang namin sana’y mas marami pa ang tumangkilik at manood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2022.

Kaya mga ka-netizen, go na kayo sa mga sinehan at manood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF dahil alinman sa walo ang panoorin ninyo tiyak na masisiyahan kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …