Wednesday , July 17 2024
Gusto ‘solb’ sa Pasko 11 DRUG USERS TIMBOG SA NOCHE BUENANG SHABU

Gusto ‘solb’ sa Pasko
11 DRUG USERS TIMBOG SA NOCHE BUENANG SHABU

ARESTADO ang 11 kalalakihan nang matiktikan ng mga awtoridad na babatak ng shabu upang salubungin ang Pasko sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 23 Disyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm nitong Biyernang nang ikinasa ang isang anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS sa Purok 1 Brgy. Bagong Buhay 1, Area B, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nakakuha ng impormasyon ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS na may isang bakuran sa naturang barangay ang ginagawang tambayan at batakan ng mga drug user.

Sinabing nagtipon-tipon ang mga kalalakihan sa nasabing lugar upang salubungin ang paparating na Pasko na pawang sabog sa droga.

Nakompiska ng mga awtoridad ang 18 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at marked money mula sa mga suspek na ngayon  ay nakakulong sa San Jose del Monte CPS custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …