Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

SEPS Online ng Bulacan, waging Best in LGU Empowerment sa DGA 2021

Bulacan, SEPS, Best in LGU Empowerment Award

INIUWI ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na virtual na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong  nakaraang Biyernes, 29 Oktubre. Tinanggap ni Gob. Daniel Fernando, kinatawanan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, …

Read More »

Sa 2 araw na police ops
17 LAW VIOLATORS NASAKOTE SA BULACAN

NAGRESULTA sa pagkakadakip ng 17 kataong pawang may paglabag sa batas ang mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa mga kriminal nang magsagawa ang mga awtoridad ng police operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong 2-3 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, nabatid na 12 drug …

Read More »

Central Luzon’s Top 1 MWP arestado sa Laguna

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Martes, 2 Nobyembre, ang itinuturing na top 1 most wanted person ng Central Luzon sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, sa pagpapatuloy ng pagtugis ng pulisya laban sa wanted criminals. Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 regional …

Read More »

Customs appraiser, examiner ng POM timbog sa pangingikil

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ang isang customs appraiser at examiner ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC), National Bureau of Investigation (NBI), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang ikinasang entrapment operation laban sa dalawang suspect, sa lungsod ng Maynila, nitong Martes, 2 Nobyembre. Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Zosimo Bello, customs examiner; at Salvador Seletaria, examiner …

Read More »

Mag-ingat sa ‘fake news’
NCAP SA METRO MANILA PINABULAANAN NG MMDA

Traffic, NCR, Metro Manila

PINAALALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na mag-ingat at huwag basta maniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon o mensahe na galing umano sa ahensiya. Ito ay matapos kumalat ang pekeng mensahe sa social media na galing umano sa MMDA na simula sa 15 Nobyembre ay ipatutupad ang No Contact Apprehension Police (NCAP) sa buong Metro Manila. …

Read More »

Navotas nakapagtala ng pinakamababang Covid-19 active cases

Navotas

NAKAPAGTALA ang Navotas City ng bagong record na may pinakamababang aktibong kaso ng CoVid-19 ngayong taon. Ayon sa ulat ng City Health Office, ang Navotas ay mayroong 31 aktibong kaso nitong 2 Nobyembre na mas mababang rekord noong 6 Pebrero na may 33 kaso. “Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of …

Read More »

Ambisyong maging pulis
UNIPORMADONG KELOT SA PARAK BUMAGSAK

IMBES sa barracks, sakulungan bumagsak ang isang 3o-anyos na nag-ambisyong mag-pulis sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon City. Ayon kay Malabon City Police chief, Col. Albert Barot, dakong 11:10 pm kamakalawa, habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 2 na sina P/Cpl. Richard Guiang at Pat. Raffy Astero, napansin nila …

Read More »

Curfew hours tinanggal para sa mall operations

SIMULA ngayong araw ng Huwebes, 4 Nobyembre 2021, tatanggalin na ang pagpapatupad ng curfew hours kaugnay ng operasyon ng mga shopping mall sa Metro Manila. Ito ang inaprobahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa bisa ng MMDA Resolution No. 21-25, tinanggal na ang pagpapatupad ng curfew hours mula 12:00 am …

Read More »

25-anyos Chinese national itinumba sa loob ng bahay

MAY tama ng balang baril sa ulo at dibdib nang matagpuang ang bangkay ng isang Chinese national na nakaluhod sa tabi ng kanyang kama sa Brgy. Pinyahan, Quezon City, nitong Martes ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), Ang biktima ay kinilalang si Jefferson Dy Tan, 25, binata, walang trabaho, at residente sa No.53-A, Mapang-akit St., Brgy. …

Read More »

6 tulak huli sa droga

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na hinihinalang pusher kabilang ang isang babae, sa isang buy bust operations kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Project 4 Police Station commander P/Lt. Col. Melchor Rosales ang mga nadakip na sina Mario Matugina, alyas Art, Aaron Mapa, Fernando Dela Cruz, Adornado Chua, William Ellem at Baby Grace …

Read More »

Bebot tiklo sa carnap

ISANG babaeng akusado sa carnapping ang hinuli ng mga pulis sa Muntinlupa City, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Macaraeg ang naarestong suspek na si Glenda Panganiban, 34 anyos, residente sa nasabing lungsod. Sa ulat ng SPD, kasabay ng paggunita ng All Saints’ Day, inaresto ng mga tauhan ng District Anti- Carnapping Unit …

Read More »

4 tulak natiklo sa Manda, Marikina

NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na hinihinalang tulak sa ikinasang buy bust operations sa mga lungsod ng Mandaluyong at Marikina, nitong Martes, 2 Nobyembre. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Leandro Yu, 47 anyos; Arjay Caparal; Arthur Batulan, 28 anyos; at Mario Mallari, 41 anyos. Unang naaresto sina Caparal, Mallari, at Batulan dakong 5:40 pm nitong Martes, …

Read More »

Sa Malampaya consortium
BINTANG NG DOE KINASAHAN NI GATCHALIAN

DoE, Malampaya

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang paratang ng Department of Energy (DOE) na inaantala ng Senado ang timeline ng work program ng Malampaya consortium sa pagbusisi sa mga bentahan ng shares sa Malampaya gas field. “Hindi tamang akusahan ang Senado na nagiging dahilan ng pagkaantala ng anomang timeline o work program ng consortium sa Malampaya. Kabilang sa mga tungkulin namin …

Read More »

Senado target ni Duterte

Rodrigo Duterte, Senate

IBINUNYAG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa senado sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022. Ayon kay Go, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng Pangulo ang panukalang tumakbo siya sa senado kasama sa 12 senatorial lineup ng PDP-Laban. Sinabi ni Go, isa sa ikinokonsidera ng Pangulo kung makatutulong sa bansa at sa …

Read More »

Poging dancer tumanda, tumaba dahil sa pagpatol sa mga matron

Blind Item, male dance, Matrona, showbiz gay

KUWENTO sa amin ng isang kilalang showbiz gay, noong araw daw ay naging pantasya niya ang isang poging dancer na kasama sa isang sikat na all male dance group. Nagsimula raw siyang mag-ipon ng pera sa isang malaking bote bilang paghahanda sakaling magkaroon siya ng pagkakataon sa poging dancer. Pero para siyang binagsakan ng langit nang makita niya ang poging dancer na hada-hada na ng isang matronang …

Read More »

Kredibilidad ng 2022 elections nakasalalay
P536-M COMELEC CONTRACT SA ‘CRONY’ SELYADO NA

110421 Hataw Frontpage

NAGTAINGANG-KAWALI ang Commission on Elections (Comelec) sa matinding kristisismo ng publiko sa pagsungkit ng P536-M contract ng Duterte crony firm para sa distribusyon ng election materials at supplies para sa 2022 polls. Inihayag ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, walang nakikitang balidong dahilan ang poll body para kanselahin ang kontrata ng F2 Logistics Philippines Inc., kahit konektado kay Davao City-based …

Read More »

NCR malaya na sa curfew hours

MMDA, NCR, Metro Manila

HINDI na ipatutupad ang curfew sa National Capital Region (NCR) simula ngayon, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos. Sinabi ni Abalos, may ilang lokal na pamahalaan pa rin sa Metro Manila ang magpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad. Ang pagtanggal aniya sa curfew ay bilang konsiderasyon sa mga mall na hiniling ng MMDA …

Read More »

Kawalan ng pananagutan sa journalist killings sumisira sa judicial system

UNESCO International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists

ISA sa sampung kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ay hindi nalulutas kaya’t nagpapatuloy ang journalist killings na madalas ay sintomas ng mas malalang tunggalian at pagkasira ng pag-iral ng batas at judicial system sa buong mundo. Nakasaad ito sa mensahe ng United Nations (UN) sa paggunita sa International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists kahapon. Hinimok ni …

Read More »

Convicted tax evader
COC NI BBM IPINAKAKANSELA SA COMELEC

110321 Hataw Frontpage

ni  ROSE NOVENARIO CONVICTED tax evader ang anak ng diktador at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaya’t hindi siya puwedeng maging presidential bet sa 2022 elections. “Marcos is not eligible to run for any public office as he is, plainly, a convicted criminal,” ayon sa political detainees, human rights at medical organizations sa 57 pahinang Petition to Cancel or …

Read More »

Jos Garcia nalungkot, tropeo sa Faces of Success ‘di personal na nakuha

Jos Garcia

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang international singer na si Jos Garcia dahil hindi niya personal na nakuha ang kanyang tropeo sa katatapos na Philippines Best, Philippine Faces of Success 2021 na ginanap sa Teatrino Greenhills, San Juan City noong October 28, 2021. Bagkus ang composer ni Jos na si Michael Delara at si Atty. Patrick Famillaranna na lamang ang tumanggap ng tropeo ni Jos. Ginawaran si Jos bilang …

Read More »

Markki nagbayad ng P200K makauwi lang ng ‘Pinas

Markki Stroem

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG ganda ng experience ng singer/actor/producer/model na si Markki Stroem sa pagpunta niya sa Dubai dahil siya ang huling rumampa sa ginanap na Arab Fashion Week para sa fashion show ng designer na si RC Caylan at kapansin-pansin ang suot na fuchsia boots na gawa ng Pinoy designer na si Omar Santos Sali na 7- inches ang takong. “For those asking. Here is MY …

Read More »

Glue stick nag-apoy
17-ANYOS DALAGITA NASUNOG SA HALLOWEEN COSTUME

woman fire burn

FIRST degree burns ang dinanas na pinsala ng isang 17-anyos dalagita nang magliyab ang kanyang Halloween costume sa bayan ng Estancia, sa lalawigan ng Iloilo, nitong Linggo, 31 Oktubre. Nabatid na lumahok ang hindi pinangalanang biktima sa isang patimpalak na inorganisa ng Pag-asa Youth Association of the Philippines sa plaza ng Estancia bilang pagdiriwang ng Halloween kamakalawa. Nire-retouch umano ng …

Read More »

P/BGen. Baccay itinalagang bagong Top Cop ng Region 3

PBGen Valeriano De Leon, PBGen Matthew Baccay

IPINAGKATIWALA ni P/BGen. Valeriano De Leon ang kanyang puwesto bilang PRO3 Regional Director kay P/BGen. Matthew Baccay, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Idinaos ang Change of Command Ceremony sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga na pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eeazar. Dating nakatalaga si P/BGen. Baccay sa PRO3 bilang hepe ng Comptrollership Division …

Read More »

Sex videos, nude photos bantang ikalat, kelot ipinadakip ng ex-GF

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

ARESTADO ang isang lalaki sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng hapon, 31 Oktubre, matapos ireklamo ng dating nobya na kanyang pinagbabantaang ikakalat ang kanilang mga sex video at hubad na larawan. Kinilala ang suspek na si Aldrin Dale Pingon, residente sa Brgy. Canalate, Malolos, na inaresto ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) sa …

Read More »

Sa Bansalan, Davao del Sur
REPORTER BINARIL TODAS SA LOOB NG APARTMENT

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mamamahayag nang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang apartment sa bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur, nitong Sabado ng gabi, 30 Oktubre. Kinilala ni P/Maj. Peter Glen Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Orlando “Dondon” Dinoy, pinatay sa loob ng kanyang apartment/boarding house sa Mother Ignacia St., …

Read More »