Sunday , May 26 2024
Maria Luisa Varela Miss Planet International 2023

Maria Luisa Varela itinanghal na Miss Planet International 2023

HINDI man tayo pinalad na manalo sa Miss UniverseMiss International, at Miss Earth ay wagi naman ang Pilipinas sa Miss Planet International 2023 na ang ating pambatong si Maria Luisa Varela ang kinoronahang Miss Planet International 2023.

Habang 1st runner-up si Miss Zimbabwe, 2nd runner-up si Miss Japan, 3rd runner-up si Miss Vietnam, 4th runner-up si Miss Finland, 5th runner-up si Miss  Latvia, at 6th runner-up si Miss Cambodia.

Ang beauty queen and actress na si Herlene Budol sana ang representative ng Pilipinas sa 2023 Miss Planet Earth International kaya lang ay nagkaroon ng aberya hangang nagdesisyon ang kanyang camp na hindi na tumuloy sa pageant.

Hangang sa si Maria Luiza Varela ang naging representative ng Pilipinas sa nasabing pageant na ginanap sa Cambodia last January 29.

At kahit nga sandali lang ang naging paghahanda nito para sumabak sa Miss Planet International na sinabayan ng sandamakmak na kontrobersiya ay nanatiling kalmado, nag-focus sa kompetisyon at desididong maiuwi ang kauna-unahang title and crown sa bansa.

Kaya naman sa angking ganda, talino, at determinasyong manalo ay ito ang nagwagi at kinoronahang Miss Planet International 2023. (John Fontanilla)

About John Fontanilla

Check Also

blind item

Gay photog naunahan kay male starlet ni discreet gay

ni Ed de Leon HINAYANG na hinayang ang isang gay photographer dahil matagal daw na panahon na …

Vilma Santos Sunshine Cruz

Sunshine parang si Vilma habang nagkaka-edad lalong nagmumukhang bata

HATAWANni Ed de Leon GRABE talaga ang mga troll. May nagsasabi ngayon na hindi na …

Vilma Santos Tirso Cruz III Charo Santos Christopher de Leon

Ate Vi, Charo, Pip, Boyet advisers ng Aktor

HATAWANni Ed de Leon KAYA pala nagmamadali si Vilma Santos noong magkaroon sila ng showing at talk …

Rhea Tan Jeraldine Blackman Beautéderm

Jeraldine Blackman bagong endorser ng Beautéderm ni Rhea Tan; partnership sa Bb. Pilipinas org inanunsiyo

ni MARICRIS VALDEZ PARA mapalawak ang reach ng Beautederm, nakipag-collab ang Beautederm chairwoman at president …

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …