Tuesday , March 21 2023
modern jeep

May-ari ng overloading na modern jeep, ipinatawag ng LTFRB

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng modern jeep matapos himatayin ang isang pasahero dahil sa sobrang siksikan.

Una nang naging viral sa social media ang video ng pasaherong hinimatay sa modern jeep na sinasabing punung-puno ng mga pasahero habang bumibiyahe sa Marcos Highway, Pasig City.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, kanilang ipinatatawag ang Easyway Transport Service and Multipurpose Cooperative, upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat masuspendi o matanggalan ng Certificate of Public Convenience (CPC) o prankisa dahil sa paglabag sa “overloading of passengers.”

Ipinahaharap sa pagdinig ng LTFRB sa 16 Pebrero 2023 ang kinatawan ng naturang kooperatiba.

Bukod dito, pinasasagot din ang operator sa loob ng limang araw mula nang matanggap ang show cause order.

“Failure to provide an answer and non-appearance in the case hearing will be deemed a waiver on the part of the respondent to be heard, and the case will be decided based on the Board’s records,” ayon sa show cause order.

Batay sa alituntunin ng LTFRB, ang modern public utility vehicle ay dapat na may hanggang 28 pasahero lamang, 23 nakaupo at lima ang nakatayo.

Muling nagbabala si Chairman Guadiz sa lahat ng public utility vehicle (PUV) drivers at operators na iwasan nang magpuno ng mga pasahero at marapat na isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat.

Giit ni Guadiz, ang “overloading” sa pasahero ay labis na mapanganib hindi lamang sa posibleng pagmulan ng aksidente sa kalsada kundi maging sa banta ng Covid-19.

“This means that PUVs should still observe proper distancing in terms of the number of passengers they can accommodate. Thus, overloading should not be allowed under any circumstance,” pahayag ni Guadiz.

“Pandemic or not, overloading is dangerous and should not be practiced by PUV drivers just for them to earn money and meet their boundary. No amount of money can equate to the safety of passengers, especially now that COVID-19 is still here,” dagdag ng opisyal. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …