Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

3 tulak sa Makati timbog sa buy bust

shabu drug arrest

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong indibidwal matapos makompiskahan ng kabuuang P94,520 halaga ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Makati City Police, sa magkahiwalay na operasyon, sa Makati City, kamakalawa. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/BGen. Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Michael Neri, alyas Yuli, 21; Mark Arjen Orbon; at …

Read More »

Health standards panatilihin – NCRPO

NCRPO PNP police

PINAALALAHANAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na patuloy na sundin ang kinakailangang minimum health standards sa kabila ng pagbaba ng alert level sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng advisory mula sa OCTA Research na posibleng panibagong pagtaas ng kaso ng CoVid-19 kung ang publiko ay hindi magiging maingat at mabibigong sundin ang umiiral na minimum …

Read More »

2 domestic flights kinansela ng PAL

Philippine Airlines PAL Express

KINANSELA ng Philippine Airlines (PAL) Express ang dalawang domestic flights dahil sa masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa. Sa abiso ng Manila International Airport Authority Media Affairs Division (MIAA-MAD) kabilang sa kanselado ang flights 2P 2889 mula Maynila patungong Ozamiz at 2P-2890 mula Ozamiz pabalik ng Maynila. Pinayohan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airlines para …

Read More »

Senado desmayado
E-SABONG ‘IKINANLONG’ NG PALASYO

031022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO TULOY ang operasyon ng kontrobersiyal na e-sabong kahit may resolution ang Senado na suspendehin ang operasyon nito habang hindi pa nalulutas ang mga kaso ng pagkawala ng mga ‘sabungero,’ ayon sa Palasyo. Sa nilagdaang memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea kamakalawa, inatasan ng Office of the President (OP) ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau …

Read More »

Puganteng rapist, timbog sa Pasig

arrest posas

NATAPOS ang pagtatago ng isang suspek sa dalawang bilang ng kasong statutory rape nang madakip ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng hapon, 7 Marso. Sa ulat, kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig police, ang suspek na si Dick Royol Huit, nasa hustong gulang, residente sa Alvarez Peñaflor Compound, Brgy. Maybunga, …

Read More »

Uniteam ng tambalang BBM-Sara muling sinuyo ang mga Bulakenyo

Uniteam BBM-Sara Rally Bulacan

TILA walang planong magpakabog ang Team BBM-Sara sa Team Leni-Kiko, dahil pagkaraan lamang ng ilang araw matapos ganapin ang People’s Rally sa Bulacan ay nagbalik muli sina dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Mayor Sara Duterte sa lalawigan. Matatandaang ginanap ang proclamation rally ng tambalan at ng buong UniTeam sa Philippine Arena sa bayan ng Sta. Maria, noong 8 Pebrero …

Read More »

Higit P.122-M ‘omads’ nasabat sa 2 tulak,14 drug peddlers nadakip

arrest, posas, fingerprints

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit sa P122,000 halaga ng marijuana mula sa dalawang hinihinalang tulak kasabay ang pagkakadakip sa 14 iba pang personalidad sa droga sa serye ng mga operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 7 Marso. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasamsam ng anti-drugs operatives ng Marilao …

Read More »

Bugaw na manager ng resto arestado

Arrest Posas Handcuff

ISANG lalaking sinabing manager ng isang bahay-aliwan ang inaresto nitong Lunes, 7 Marso, nang makompirmang ibinubugaw ang mga babaeng nagtatrabaho sa kanyang bahay-aliwan, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Ikinasa ang isang entrapment operation laban sa human trafficking na pinangunahan ng CIDT Bulacan PFU katuwang ang Malolos City Police Station (CPS) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang …

Read More »

No. 7 most wanted person (MWP)
RAPIST HULI SA KANKALOO

prison rape

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang mister sa bisa ng warrant of arrest ang tinaguriang No. 7 most wanted person ng Caloocan City, kahapon ng umaga. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief, P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Michael Kenneth Agliam, 29 anyos, residente sa Interior Rivera Baesa, Brgy. 160 ng …

Read More »

P.2 M shabu sa Vale
2 TULAK NADAKMA SA BUY BUST

shabu drug arrest

NASAMSAM ang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Batay sa ulat ni P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela City police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 5:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station …

Read More »

Sanction vs hindi dadalo sa debate
KAMPO NI MARCOS UMALMA

Bongbong Marcos

UMALMA ang kampo ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand Marcos, Jr., sa sinabi ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na may parusa ang kandidatong hindi dumadalo sa nga debate na inapatawag ng komisyon. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nais nilang malaman kung ang hakbang na ito ay desisyon ng komisyon ay mula sa mga kinatawan …

Read More »

Bilang acting presidential spox
ANDANAR ‘NANGAMOTE’ SA UNANG PRESS BRIEFING

Martin Andanar

NAGMISTULANG estudyante na hindi tinapos ang kanyang assignment sa bahay bago pumasok sa klase ang unang araw ng pagharap sa media ni Communications Secretary Martin Andanar bilang bagong acting presidential spokesperson kahapon. Sa Palace press briefing kahapon, napuna ng ilang mamamahayag na anim na beses sinagot ni Andanar ng “We will defer to…” o ipinapasa sa ibang ahensiya ang responsibilidad …

Read More »

Sa suspensiyon ng excise tax sa petrolyo at amyenda sa Oil Deregulation Law,
PALASYO WALANGAKSIYON

030922 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO WALA pang indikasyon na magpapatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte kahit may panawagan ang Department of Energy (DOE) na isuspende ang excise tax sa petrolyo at amyendahan ang Oil Deregulation Law para makaagapay ang publiko sa pagsirit ng presyo ng langis. Iginiit kahapon ng DOE na kailangan nang paspasan o iprayoridad ng Kongreso …

Read More »

21 Filipino seafarers mula Ukraine umuwi

Ukraine

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 21 tripulanteng Filipino ng M/V S-Breeze mula sa Ukraine ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw, Martes, 8 Marso. Ayon sa kagawaran, dahil sa pagsisikap ng Philippine Embassy sa Budapest at ng Philippine Honorary Consulate, nakapasok ang mga marino sa Moldova mula Ukraine, mula sa Chisinau, ang mga Filipino ay dinala sa …

Read More »

Pilipinas debates 2022 tuloy na

Pilipinas debates 2022 Comelec Vote Pilipinas

PORMAL nang nilagdaan ng Commission on Elections (Comelec) at Vote Pilipinas ang kasunduan para sa idaraos na PiliPinas Debates 2022 sa Sofitel Hotel, sa lungsod ng Pasay. Ang PiliPinas Debates 2022 ay isang serye ng debate sa telebisyon na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC), sa tulong ng non-partisan voter education organization na Vote Pilipinas, bilang paghahanda para sa 2022 …

Read More »

6 barangay sa Pasay City idineklarang drug free

Emi Calixto-Rubiano 6 brgy PASAY CITY drug free

BINIGYANG PARANGAL ang anim na barangay sa lungsod ng Pasay at pinagtibay bilang drug-cleared o malinis sa ilegal na droga. Iginawad kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga kinatawan at chairpersons ng Barangay 38, 88, 96, 112, 155, at 163 ang naturang Certificate na kaniyang nilagdaan bilang Chairman ng Pasay City Anti-Drug Abuse Council, kasama sina Pasay Chief …

Read More »

P10 taas presyo sa produktong petrolyo sumirit

Oil Price Hike

UMABOT na sa P10.00 ang taas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ngayong Martes P6.00 ang idinagdag sa pump prices sa diesel ng mga kompanya ng langis na mas mababa nang kaunti ang idinagdag sa gasolina at kerosene. Ang dalawang malalaking kompanya ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ay nag-anunsiyo nitong Lunes, 6:00 am ng Martes ang dagdag na P5.85 …

Read More »

Lumang jeepneys huwag palitan, tsuper at operator pabawiin — Kiko

Jeepney

NANAWAGAN si vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes para suspendehin ang programa ng gobyerno na naglalayong tanggalin ang mga jeepney na 15 taon nang ipinapasada.                Ayon kay Kiko, ito ay bilang tulong sa mga tsuper at mga operator na hindi pa man nakababawi, ay halos linggo-linggo nang ‘pinipilay’ ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.                “Ipagpaliban muna …

Read More »

Sen. Ping inspirasyon ng batang negosyanteng ‘pinulot sa kangkungan’

Ping Lacson Josh Mojica kangkong chips

SINONG hindi bibilib sa 17-anyos na si Josh Mojica na bumasag sa kasabihan na “pupulutin ka sa kangkungan,” matapos niyang mapaunlad ang kanyang buhay at nakatulong sa iba dahil sa kangkong? Pero sa likod ng tagumpay ng binata, kinilala sa kanyang kangkong chips, ay ang kanyang idolo na labis niyang pinasasalamatan dahil sa tulong nito para tuluyang mabago ang takbo …

Read More »

Anak ni Patricia namana ang pagiging matulungin nilang mag-asawa

Patirica Javier Doc Rob Walcher Robert Ryan

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG pagiging matulungin sa kapwa ang pag-uusapan, naimulat na sa maagang panahon ng mag-asawang Patirica Javier at Chiropractor Doc Rob Walcher sa kanilang dalawang anak ito. Kinalakhan na nina Robert at Ryan ang nakitang pagtulong sa kapwa ng mga magulang. At ngayong nagbabahagi na sila ng tulong sa pamamagitan ng health and wellness na pinalalaganap ng mag-asawa sa iba’t ibang parte ng bansa, minana …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga
2 NOTORYUS NA DRUG SUSPECTS DERETSO SA SELDA

arrest prison

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng dalawang pinaniniwalaang notoryus na personalidad sa droga sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nang masakote ng lokal na pulisya nitong Linggo, 6 Marso. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Mabalacat City Police Station (CPS) ng anti-illegal drug operation sa …

Read More »

Negros Oriental binaha 2 patay, 1 nawawala

flood baha

NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng Ayungon Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) nitong Lunes, 7 Marso, matapos umapaw ang baha sa Brgy. Tibyawan, sa bayan ng Ayungon, lalawigan ng Negros Oriental, sanhi ng ulang dala ng low pressure area (LPA). Nakaranas ng malakas na pag-ulan sa nabanggit na lalawigan nitong Linggo, 6 Marso, kung saan lumaki ang tubig sa …

Read More »

Huli sa Oplan Galugad
MANGINGISDA, ARESTADO SA GUN BAN

gun ban

ISINELDA ang isang mangingisda matapos makuhaan ng improvised firearm (sumpak) ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Juancho Francisco, 49 anyos, residinte sa C4 Road, Brgy. Tañong. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Michael Oben at P/Cpl. Rocky Pagindas, …

Read More »