Wednesday , December 6 2023
TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high school na kumuha ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, nababahala si Senador Win Gatchalian na mananatiling hamon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga kalipikadong assessors.

Sa isinagawang pagdinig sa panukalang pondo ng TESDA para sa 2024, binigyang diin ni Gatchalian ang balak ng Senado na maglaan ng P1.5 bilyon para sa assessment at certification ng 470,000 mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng TVL track.

Matatandaan, noong School Year 2020-2021, may 473,911 graduates ng senior high school ang kumuha ng TVL track at 32,965 dito ang kumuha ng national certification. Lumalabas na sa mga kumuha ng national certification, 31,993 o 97.1% ang pumasa, ngunit nananatili sa 6.8% ang overall certification rate para sa naturang school year.

Dati nang ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang gastos sa assessment ang nagiging balakid sa mga mag-aaral na kumuha ng TVL track.

“Kahit na may pondo tayo sa assessment, kulang naman tayo sa assessors. Kaya masasayang lang ‘yung pondo. Kung may 470,000 tayong mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng tech-voc at pagsisikapan nating maabot ang 10 is to 1 ratio, kakailanganin natin ng 47,000 assessors. Pero ang balak idagdag ay 11,000 lang,” sabi ni Gatchalian sa mga opisyal ng TESDA.

Batay sa TESDA Certification Office, lumalabas na mayroon lamang 7,551 accredited competency assessors sa buong bansa.

“Kailangang simulan natin ang proseso ng pagkuha ng mga assessor para sa 470,000 mag-aaral sa senior high school. Naglaan na tayo ng pondo. Tungkulin na ng TESDA na kumuha ng assessors,” ani Gatchalian.

Ipinanukala ni TESDA Director General Suharto Mangudadatu na sanayin ang mga DepEd district supervisors bilang assessors. Ngunit ayon kay Gatchalian, masyado nang abala ang mga DepEd supervisors sa kasalukuyan nilang mga gawain. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …