Wednesday , November 13 2024
Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos komprontahin ng biktima nang mabuking na may panibagong chicka babes ang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Galit na inireklamo ni Lola Sylvia, 65 anyos, sa opisyal ng barangay sa kanilang lugar sa Brgy. Tonsuya ang live-in partner na si Lolo David, 61 anyos, isang tricycle driver, matapos siyang pagbuhatan ng kamay.

Dakong 12:30 pm nang magkaroon nang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tirahan sa Damata, Letre Road ang dalawa nang mabisto ni lola na may bagong ‘sinosyota’ ang kinakasama.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Mayett Simeon ng Women and Children Protection Desk (WCPD), ginagamit ni Lola ang kanyang cellular phone nang mapansin niyang binago ng kanyang live-in partner ang profile picture sa social media account kasama ang bagong chicka babes.

Dahil sa galit, kinompronta ni Lola Sylvia ang kinakasama na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng komprontasyon, nagalit si Lolo David at inupakan ang kinakasama dahilan upang humingi ng tulong ang biktima sa mga opisyal ng barangay na nagdala sa kanya sa Tondo Medical Center (TMC) upang lapatan ng lunas ang mga pinsala sa katawan.

Dakong 10:30 pm nang madakip nina Arnel Babas at Billy Ray Sindon, kapuwa barangay tanod ng Brgy. Tonsuya si lolo, matapos bigyan ng medico legal certificate ng attending physician sa naturang pagamutan ang biktima.

Ayon sa pulisya, paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children ang inihain nilang kaso laban kay Lolo David sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …