Indian Buffalo Meat

Higit P.4-M smuggled Indian Buffalo meat nasamsam sa Dasma, Cavite

NASAMSAM ng Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE) at ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ (NMIS) ang aabot sa 1,714 kilo ng Imported Indian Buffalo Meat sa isinagawang joint anti-smuggling at food inspection sa Kadiwa wet market sa Dasmariรฑas Cavite.

Ayon kay Assistant Secretary James Layug, pinuno ng DA-IE, nadiskubre ang dalawang di-rehistradong cold storage at limang refrigerated vans na naglalaman ng imported Indian Buffalo meat na nagkakahalaga ng P 445,666.

Ipinasisiyasat ni Layug sa NMIS Region 4-A ang mga nakompiskang buffalo meat upang pagkatapos ay agarang sirain.

Ayon kay Layug, ang isinagawang operasyon ay bahagi ng kampanya ng DA laban sa ilegal na pangangalakal ng buffalo, maliwanag na paglabag sa ๐——๐—” ๐—”๐—– ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฑ na mas kilalang bilang โ€œUpdated Rules and Regulations Governing the Allocation, Importation, and Utilization of Fresh Frozen Buffalo Meat from India.โ€

Bukod dito, ito ay paglabag sa ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฐ๐˜ (๐—ฅ๐—”) ๐Ÿต๐Ÿฎ๐Ÿต๐Ÿฒ o mas kilala bilang โ€œThe Meat Inspection Code of the Philippines. (ALMAR DANGUILAN)