Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago nang  hirangin siya recently bilang Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards na ginanap sa Marriott Hotel, Manila Ballroom.

Pahayag ni Angelika, “Noong time po na nalaman ko pa lang po, I was shocked, kasi po siyempre it was something new to me. Nasanay po kasi ako na puro acting, but then I was grateful po na nabigyan ng recognition yung sa business side ko po. I was feeling blessed, and of course happy not just for me, but sa lahat ng tao na tumulong and kay God po.” 

Very proud ang parents niyang sina Papa Butch and Mama Bing Santiago sa bagong achievement na ito ng kanilang anak. Sa gulang na 16 ay ihinanda na siya ng kanyang dad na i-manage ang ilan sa kanilang mga negosyo.

Pinagsasabay niya bale ang showbiz at pagiging CEO? Mahirap ba since isa siya sa youngest CEO sa bansa?

Esplika ng magandang aktres, “So far kinakaya naman po lahat, hehehe. And yes po, one of the youngest CEO po.”

Dagdag pa ni Angelika, “Actually noong una po di ko po talaga alam kung paano iji-jiggle yung both since siyempre po, there’s a first time to everything naman po. But very blessed lang po ako to have supportive and helpful parents.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang Glam Team. “Yes po, two awards ang nakuha ko, sooo very thankful po ako to my designer, Mama Jhajha Miranda. Siya po yung one of the reasons why I got that award po and siyempre sa make0up artist ko po, si Kuya Kenjie Nocillado and sa hairstylist na si Kuya John Janro. I love them po! Hehehe.”

CEO siya ng anong company? Tugon ni Angelika, “Ng GHPC Cosmetics po, mainly mga beauty and skin care products. Ang pinaka-best seller po namin as of now is yung Hato Coffee with collagen.”

Ipinahayag niyang bata pa lang ay dream na talaga niyang maging CEO.  “Yes po, actually it’s been a thing po sa amin na magkakapatid na magtutulongan sa company. Siyempre may guidance pa rin po ng magulang. But eversince po talaga sumasama na po ako sa mga meeting po ni papa and nakikinig,” nakangiting wika pa niya.

May gagawin daw siyang new project next month, pero wala pa itong detalye.

“Yes po, hehe watch out po!  Wala pa pong details ngayon, pasensya na po. Pero syempre naman po, very excited ako, kasi siyempre back to work, another busy year po, hahaha!” Masayang bulalas pa ni Angelika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …