Wednesday , November 13 2024
JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit na tangayin ang kagamitan sa isang trak na dumaraan sa kahabaan ng R-10 Tondo Maynila.

Ayon sa ulat ni Raxabago Police Station 1 PltCol Roberto Mupas, Nadakip sa agarang followup operation ang suspek na si alyas alyas Marvin residente sa Bldg 7 Unit 403, Permanent Housing Brgy. 128, Tondo.

Sa ulat na nakarating kay MPD Director PBGen Andre P Dizon, Nakumpiska sa suspek ang isang loaded improvised firearm at isa pang bala.

Sa imbestigasyon, Aminado ang suspek na siyang salarin sa lumabas sa na video sa social media kung saan katanghaliang tapat nang kanyang akayatin ang trak at pilit na tinangay ang isang malaking lona at iba pang kagamitan subalit pumalag ang drayber at pahinante na pinaghahampas pa ng suspek bago tumakas.

Napagalaman rin na maliban sa bitbit na tubo ay armado rin ang suspek  na may kasama pang isang  kapwa jumper boy.

Dahil dito, agad ipinagutos ni PltCol Mupas ang palagiang Oplan Galugad sa nasabing area maliban sa regular na pagpapatotlya kung saan nagresulta sa pagkasakote pa sa ilang indibidwal na “Jumper Boys” sa kahabaan Mel Lopez R10 Tondo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) in relation to B.P. Blg. 881 (Omnibus Election Code)  ang suspek na si Marvin.

Kaugnay nito, Nananawagan si Mupas sa mga nabiktima ng Jumper Boys na maaring magtungo sa nasabing prisinto upang makapagsampa ng karagdagang kaso.

Sa ating panayam sa Batang Tundo na si PltCol Mupas, palalakasin pa nito ang ilang outreach progam at ugnayan sa komunidad katuwang ang mga Baranagay at ahensya ng gobyerno upang makapagbigay rin ng hanapbuhay sa mga kapos-palad na mga taga-Tundo. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

arrest, posas, fingerprints

5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip

SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nagwagi ng isang brand new …

ASEAN-EU summit

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng …