MA at PAni Rommel Placente NAKAKAAWA naman ang mommy ni Nadia Montenegro. Nang mamili kasi sila noong Wednesday, March 4, sa isang kilalang membership shopping store ay nanakawan ito ng wallet ng pitong kalalakihan. At nalimas sa loob lang ng tatlong minuto ang laman ng ATM cards nito. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook live, ikinuwento ni Nadia ang pagnanakaw sa kanyang ina. Sabi …
Read More »Masonry Layout
Jaguar todas sa umalagwang motorsiklo
PATAY ang isang security guard matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at bumangga sa isang concrete barrier sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Binawian ng buhay habang ginagamot sa MCU (Manila Central University) Hospital ang biktimang kinilalang si Cris Edgar Arabaca, 27 anyos, residente sa Manuel L. Quezon St., Barangay Hagonoy, Taguig City, sanhi ng pinsala sa ulo. …
Read More »4 ‘kaminero’ huli sa aktong nagtatapon ng basurang imported
INARESTO ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) ang apat katao matapos maaktohang ilegal na nagtatapon ng mga basurang galing sa ibang bansa sa gilid ng kalsada sa Vitas, Tondo, Maynila. Kinilala ni MARPSTA chief, P/Major Randy Ludovice ang mga naarestong sina Dante Colarte, alyas Mikmik, 31 anyos, truck driver ng Naic, Cavite; Samson Dedal, alyas Me-Me, …
Read More »Covid-19 beds sa Parañaque covid free na
SA LOOB ng halos isang buwan, nananatiling 0% ang CoVid-19 bed occupancy rate sa Ospital ng Parañaque City District 2. Ibig sabihin umano, wala nang residenteng may CoVid-19 sa lungsod ang nagtataglay ng severe cases ng virus. Ayon sa Parañaque City Public Information Office (PIO), bumaba sa 27 ang aktibong kaso sa lugar, karamihan ay nasa home quarantine. Sa datos …
Read More »519 arestado sa gun ban
NAKAPAGTALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 519 naarestong indibiduwal sa paglabag sa election gun ban hanggang 28 Pebrero 2022. Kabilang rito ang 349 nahuli sa police patrol response; 128 sa oplan sita/bakal, galugad/buy-bust operations; 38 sa checkpoints; tatlo sa pagpapatupad ng search warrant, at isa sa pagsisilbi ng warrant of arrest. Base sa rekord sa ilalim ng …
Read More »
Sa Cabanatuan City
BEBOT, 3 KELOT TIMBOG SA BATO
ARESTADO ang isang babae at tatlong lalaking pawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes ng tanghali, 1 Marso. Kinilala ang mga suspek na sina Byron Kier Reyes, alyas Ron, 25 anyos; Mayean Santos, 27 anyos, kapwa residente ng Lexber Subdivision, Brgy. …
Read More »
Riding-in-tandem umatake sa Marilao, Bulacan
MUNICIPAL ADMINISTRATOR NAKALIGTAS SA AMBUSH
HIMALANG nakaligtas ang isang opisyal ng munisipypyo nang tambangan ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek nitong Martes ng umaga, 1 Marso, sa Tibagan, Brgy. Sta. Rosa 2, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Wilfredo Diaz, 54 anyos, Marilao Municipal Administrator, at residente sa Brgy. Loma de …
Read More »Magkasabwat tiklo sa gun ban,15 arestado
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Omnibus Election Code pati ang 15 iba pa sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 1 Marso 2022. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Raymundo Chee, alyas Raymond, ng bayan …
Read More »Nuclear energy, iba pang malinis na power source kasama sa programa ng Lacson-Sotto
SUPORTADO nina Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang paggamit ng iba’t ibang mapagkukuhaan ng enerhiya kabilang ang nuclear energy upang makatulong sa pagbibigay ng malinis at murang koryente sa bansa. “Mura kasi kapag nuclear energy, but then ito ‘yung hindi natin naha-harness e,” sabi ni Lacson …
Read More »Ombudsman cases vs Rep. Jayjay Suarez biglang naglaho?
“NO pending criminal and administrative cases.” Iyan ang ipingangalandakan ni Quezon Province 2nd District representative David “Jayjay” Suarez sa ipinatawag na press conference sa House of Representatives nitong 21 Pebrero 2022, kung saan ipinagyayabang ang isang clearance certificate mula umano sa Office of the Ombudsman. Batay sa dokumento, walang nakabinbing kaso, kriminal o administratibo, ang nasabing kongresista batay umano sa …
Read More »“Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” inilunsad
INILUNSAD ng Las Piñas City government ang “Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” upang siguruhing makatatanggap ang lahat ng kanilang mamamayan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19). Sinabi ni Mayor Imelda Aguilar, layunin ng “Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” program na mas ilapit sa mga residente ang mga serbisyong pangkalusugan ng lungsod partikular ang pagbabakuna kontra CoVid-19 …
Read More »Gigi De Lana at Gigi Vibes Band raratsada na sa Domination Concert
SISIMULAN na ni Gigi De Lana at ng The Gigi Vibes band ang kanilang Domination tour sa kauna-unahang physical concert ng ABS-CBN Events sa loob ng dalawang taon sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Sabado (March 5), 8:00 p.m.. Susundan agad ito ng kanilang Middle East tour na gaganapin sa Jubilee stage sa Expo 2020 sa Dubai sa March 12 (Sabado) katulong ang DTI, sa National Theatre …
Read More »Eleazar nagmalasakit sa Bacolod market vendors, consumers,
NANAWAGAN si dating PNP chief at senatorial candidate Guillermo Lorenzo Eleazar sa pamahalaan na agad ihanda ang mga posibleng remedyo sa magiging epekto ng labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa ekonomiya ng Filipinas. Ginawa ni Eleazar ang panawagan matapos bumisita sa isang palengke sa Bacolod City at nakadaupang-palad ang mga vendor at consumers na naghayag ng hinaing sa …
Read More »Digitalization plan ng Lacson-Sotto sasaklolo sa mga PWD
LAHAT NG FILIPINO, kahit ano ang katayuan sa buhay o taglay na kondisyon ay makakasama sa pag-unlad, kung sina Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping “Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang magiging susunod na lider para maiayos ang sistema ng ating gobyerno. Ipinangako ng Lacson-Sotto tandem, sa ilalim ng kanilang administrasyon, magkakaroon ng pantay …
Read More »
Sa 2 taon CoVid-19 pandemic
P3.8-T NAWALA SA PH ECONOMY
ni ROSE NOVENARIO UMABOT sa P3.8 trilyon ang nawala sa ekonomiya ng Filipinas bunsod ng dalawang taong CoVid-19 pandemic. Iniulat ito ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People kagabi. Ayon kay Chua, dahil sa pandemya, nawala ang P1.3 trilyong household income, P2.2 trilyon corporate income at P0.3 trilyon indirect taxes. Sa pag-iral …
Read More »PH pabor sa UNGA resolution vs Russian invasion sa Ukraine
PABOR ang Filipinas sa inihayag na United Nations General Assembly Resolution na kumokondena sa “unprovoked armed aggression” ng Russia sa Ukraine. Ginanap ang United Nations General Assembly emergency session sa 190 miyembro kaugnay sa usaping pagsalakay ng Russia sa Ukraine. Binasa ng delegasyon ng Filipinas sa UNGA emergency session ang kalatas na naghahayag ng apela para sa proteksiyon ng mga …
Read More »Senior citizen na nanuhol ng P.2M sa pulis-QC isinelda
ARESTADO ang 61-anyos lolo makaraang suhulan ng malaking halaga ang pulis na umaresto sa kaniyang anak na babae na may kasong estafa at robbery extortion sa loob mismo ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, Quezon City. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, ang …
Read More »
Duterte admin maniniguro?
NOGRALES SA CSC HANGGANG 2029
ni ROSE NOVENARIO ISANG balasahan ang napipintong maganap sa ilang opisyal ng Malacañang, tatlong buwan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid sa mapagkakatiwalaang source, itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles bilang bagong chairman ng Civil Service Commission (CSC). Nabakante ang posisyong pinuno ng CSC matapos magretiro noong 2 Pebrero …
Read More »Councilor Yulde ‘di dapat nakulong
SAMANTALA, inilinaw ng kampo ni Quezon Councilor Arkie Yulde na hindi siya dapat nakulong ng limang buwan dahil wala itong nagawang kasalanan o nilabag na batas. Ayon sa abogado ni Yulde na si Atty. Freddie Villamor, nakalaya si Yulde nang ma-dismiss ang tatlong kasong isinampa sa konsehal. “Hindi ko alam kung paano ko makakamit ang katarungan. Ako po ay kumapit …
Read More »Konsehal sa Lopez Quezon, nahaharap sa mga kasong paglabag sa “Bayanihan Act”
MULING nasasangkot sa panibagong kaso si Lopez, Quezon councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag sa mga probisyong nakasaad sa Republic Act No. 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan To Heal As One Act.” Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataong inilagay ni Yulde sa delikadong sitwasyon ang …
Read More »Cedrick Juan memorable ang parangal sa FAN ng FDCP
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga HINDI makakalimutan ng The IdeaFirst Company artist na si Cedrick Juan ang pagtanggap niya ng parangal sa ginanap na Film Ambassadors’ Night 2022 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong February 27 sa Manila Metropolitan Theater. Kabilang si Cedrick sa 77 honorees sa FAN 2022. Ang FDCP ay nagbigay-pugay sa mga taong tinitingala sa industriya na nagpamalas ng galing, at sa kanilang mga pelikulang …
Read More »James naging acting coach ni Mayor Ina
MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang 40 Days na pinagbibidahan ng mayor ng Pola, Oriental Mindoro na si Ina Alegre noong February 27. Mula ito sa direksiyon ni Neil Tan. Ang advance screening ay ginanap mismo sa nasabing lalawigan. Bukod kay Mayora Ina, present din sa advance screening ang dalawa sa cast ng pelikula na sina Cataleya Surio at James Blanco. Siyempre …
Read More »FDCP Chair Liza touch sa papuri ni Lamangan
MA at PAni Rommel Placente SA nakaraang FDCP’s Film Ambassadors’ Night na ginanap noong Linggo, February 28, sa Metropolitan Theater ay napaiyak ni Direk Joel Lamangan si FDCP chair Liza Dino. Bago kasi mag-umpisa ang taunang event ng FDCP, ay nakipag-kuwentuhan muna si Direk Joel kay Chair Liza. Sabi ng una sa huli, “After ni Duterte, saan ka na? Dapat, ikaw pa rin!” Na ang …
Read More »Vilma sa paglalagay ng mukha sa selyo — Priceless
HARD TALKni Pilar Mateo HINDI magkamayaw sa pagbubunyi ang Vilmanians ng Star For All Seasons, Congresswoman at nagsilbi na sa pagsusuot ng iba’t ibang sombrero ang itinatangi rin bilang pinakamahusay na magaganap ng kanyang panahon na si Vilma Santos. Kasi nga, binigyan siya ng karangalan ng Philippine Postal Corporation para magkaroon ng mukha niya sa ating selyo. Tsika kami ni Ate Vi tungkol sa nasabing …
Read More »Ate Vi ginawan ng commemorative stamps ng PHLPost
HATAWANni Ed de Leon NOONG araw, hindi rin siguro inisip ni Ate Vi (Congw Vilma Santos) na siya ay magiging bahagi ng kasaysayan. Lalo na nga ng kasaysayan ng lunsod ng Lipa. Pero siya ay bahagi na ngayon ng isang libro ng kasaysayan ng lunsod. Noong bisitahin namin ang kaibigang pari sa Lipa, si Rev. Fr. Dale Anthony Barretto Kho, binigyan niya kami …
Read More »