Thursday , June 4 2026

SM Prime Holdings Inc. nagbigay ng isang fire tanker para sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City
Isang handog bilang pagsuporta at pagpapalakas sa katatagan ng komunidad.

Muling ipinamalas ng SM Prime Holdings Inc. ang pangako nitong isulong ang pandaigdigang at pambansang kultura ng disaster risk reduction sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang fire tanker sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City noong Oktubre 6, 2023.

SM Prime Fire Brigade Pasay 1
(Mula kaliwa hanggang kanan): Bureau of Fire Protection-National Capital Region Director Chief Superintendent Nahum Tarroza, Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc. President Ben Chua Ching Jr., Pasay City Congressman Antonino Calixto, SM Supermalls’ President Steven Tan, and Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc.’s Dionisio See Siu Chun

Pinangunahan ito ni SM Supermalls’ President Steven Tan, at kasama si Pasay City Mayor Emi Calixto–Rubiano, Bureau of Fire Protection-National Capital Region Regional Director Chief Superintendent Nahum Tarroza, at SM Supermalls’ Senior Assistant Vice President for Customer Relations Services Almus Alabe.

SM Prime Fire Brigade Pasay 2
(Mula kaliwa hanggang kanan): Bureau of Fire Protection-National Capital Region Director Chief Superintendent Nahum Tarroza, SM Supermalls’ President Steven Tan, Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc. President Ben Chua Ching Jr., Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc.’s Dionisio See Siu Chun, and SM Supermalls’ Senior Assistant Vice President for Customer Relations Services Almus Alabe
SM Prime Fire Brigade Pasay 7
SM Supermalls’ President Steven Tan
SM Prime Fire Brigade Pasay 3
Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano
SM Prime Fire Brigade Pasay 5
Bureau of Fire Protection-National Capital Region Director Chief Superintendent Nahum Tarroza
SM Prime Fire Brigade Pasay 4
Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc. President Ben Chua Ching, Jr.

Sina Ben Chua Ching Jr., Pangulo ng Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc., at Dionisio See Siu Chun ang tumanggap ng nasabing fire tanker sa ngalan ng kanilang organisasyon.

SM Prime Fire Brigade Pasay 6
Ito ang ikalawang fire tanker na itinurn-over ng SM Prime Holdings Inc. sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc.

Ang fire tanker ay may kakayahang mag-supply ng 5,000 na gallons ng tubig na katumbas ng limang (5) fire trucks na may 1,000 gallons na kapasidad ng tubig. Kaya umapula ng nasabing tanker ng apoy ng tuloy-tuloy sa tagal na 50 na minuto. Ang naturing tanker ay maaaring ding pagmulan ng supply ng tubig para sa iba pang mga truck ng bumbero habang nagaapiula ng sunog.

SM Prime Fire Brigade Pasay 10
Ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng SM Prime Holdings Inc. at Volunteer Fire Brigade of Pasay City ay sinaksihan ng Bureau of Fire Protection at Pasay City Government.

Isang Memorandum of Agreement din ang nilagdaan sa pagitan ng SM at ng Volunteer Fire Brigade of Pasay City.

SM Prime Fire Brigade Pasay 11
Ang mga opisyal ng SM Prime Holdings Inc, Pasay City Government, at Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc., kasama ang bagong itinurn-over na fire tanker.

Binigyan diin din ni Tan ang kahalagahan ng kanilang nasabing partnership, aniya, “Ang pakikipagtulungan sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc. ay isa sa mga paraan ng pagtulong natin sa ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagtulong sa mga organisasyong nag-aambag sa paglaganap ng kultura ng disaster risk reduction, kabilang ang mga tumutulong sa pag-iwas at pagsugpo sa sunog.”

 SM Prime Fire Brigade Pasay 12
Ang partnership ay gumaganap ng mahalagang papel sa fire safety at disaster risk reduction.

Dumalo rin sa turnover ceremony si Pasay City Congressman Antonino Calixto.

SM Prime Fire Brigade Pasay 8
Pasay City Congressman Antonino Calixto
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …