Friday , December 8 2023
Piolo Pascual Mallari

Pelikulang Mallari ni Piolo Pascual, pasok sa Metro Manila Film Festival 2023

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA ang pelikulang Mallari na tinatampukan ni Piolo Pascual ang nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023. Ginawa ang announcement kahapon, 17 Oktubre.

Pinangunahan ang announcement ng MMFF ‘23 nina Metro Manila Film Festival Overall Chairman Atty. Romando S. Artes, Selection Committee Head Mr. Jesse Ejercito at Atty Rochelle Ona, plus ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer.

Mula sa original na eight entries na papasok sa Metro Manila Film Festival 2023, ginawa itong sampu lahat-lahat, dahil maraming entries na naisumite this year, na balita namin karamihan ay magaganda talaga.

Ang unang nakakuha ng apat na slots ay ang pelikulang Rewind, starring Marian Rivera and Dingdong Dantes, directed by Mae Cruz Alviar, Family of 2 (Mother and Son Story), topbilled by Sharon Cuneta at Alden Richards, directed by Nuel Naval, (K)AMPON with Derek Ramsay and Beauty Gonzales, directed by King Palisoc, at Penduko na tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes, directed by Jason Paul Laxamana.

Ang anim na bagong pasok naman sa taunang filmfest na nagsisinula ng December 25 ay ang Mallari, starring Piolo Pascual, JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson,  Mylene Dizon, at Ms. Gloria Diaz. Ito ay under the direction ni Derick Cabrido. Kabilang din dito ang Firefly na tampok sina Alessandra De Rossi, Euwenn Mikaell, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Max Collins, and Kokoy De Santos, with the special appearance ni Dingdong Dantes; Gomburza starring Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee, directed by Pepe Diokno, na may cameo si Piolo.

Kabilang din dito ang When I Met You in Tokyo na pinangungunahan nina Vilma Santos, Christopher De Leon, Tirso Cruz III, Darren Espanto, at Cassy Legaspi, directed by Rado Peru and Rommel Penesa; Becky and Badette, starring Eugene Domingo at Pokwang, directed by Jun Robles Lana; at Broken Hearts Trip with Christian Bables, Teejay Marquez, Andoy Ranay, at Iyah Mina, directed by Lemuel Lorca.

Marami ang nanghihinayang — kabilang na kami – dahil hindi nakapasok ang pelikulang Pieta na tinatampukan nina Nora Aunor at Alfred Vargas, pati na ang In His Mother’s Eyes, starring Maricel Soriano, Roderick Paulate, at LA Santos.

Bukod kasi sa maganda ang pelikula base sa teaser at magagaling ang casts nito, ang panghihinayang ay mainly sa inaabangang pagsasabong muli nina Nora at Vilma, pati na sina Sharon at Maricel. Para raw magka-alaman na kung sino ang mas sikat pa rin sa apat at suportado ng maraming fans.

Anyway, ang Mallari ay inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula sa parokya ng Magalang, Pampanga, na naging isang serial killer.

Sinasabing pumatay siya ng 57 katao sa lugar na iyon noong 1816-1826. Nakulong si Mallari nang labing-apat na taon, bago binitay noong 1840.

Mula sa pamamahala ni Direk Derick at sa panulat ni Enrico Santos, ang pelikula ay hatid ng Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Masaya ang producer nito sa kinalabasan ng pelikula at sa kakaiba at matinding performance na ipinakita rito ni Piolo.

“Sobra-sobrang saya ng grupo namin sa performance ni Piolo. So, talagang expect na manggugulat dito si Piolo. They really have to expect a different Piolo Pascual, with this one,” paniniyak ni Sir Bryan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kimson Tan

Kimson Tan inalok P1-M ng isang bading para sa isang dinner date

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, makinis, matangkad, at hunky ang Sparkle male star na si Kimson …

Ynna Asistio Yana Asistio

Ynna at Yana naisakatuparan pangarap na restoran

RATED Rni Rommel Gonzales EXCITED si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind …

Diane De Mesa TVC8 Annual Awards

Concert ni Diane De Mesa at TVC8 Annual Awards 2023 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ni Diane de Mesa last December 4 na ginanap …

Alden Richards Wize Estabillo

Alden walang ka-ere-ere kahit sikat na sikat 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang ma-starstruck ng Bidaman at It’s Showtime Online host, Wize Estabillo nang makita ng harap-harapan si Alden Richards. …

Ram Castillo Mommy Merly Perigrino

Solo concert ni Ram Castillo tuloy na tuloy

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang baguhang singer na si Ram Castillo dahil pagkatapos mailunsad ang kanyang kauna-unahang single, …