Wednesday , November 12 2025
Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down sa kanyang mga ginagawa para mapag-isipang mabuti at mabigyang panahon ang iba pang mga pangarap niya sa buhay,

Labis ang kalungkutan ni Heart nang tumigil umano ang pagtibok ng puso ng isang inaasahan nilang anak na lalaki na tinawag niyang Francisco. Hindi naman buntis si Heart, hindi siya nakunan. Pero pinadaan nila iyon sa IVF na ang mga semilya ay nagmula rin naman sa kanya at sa asawang si Senador Chiz Escudero. Kung nabuo sana iyon, maaaring ipasok sa sinapupunan ng ibang babae para siyang magsilang lamang ng kanilang tunay na anak. Hindi iyon magiging anak ng babaeng magdadala sa sinapupunan dahil hindi naman niya dugo ang dumaloy doon. Natural na anak pa rin iyon nina Heart at Chiz kahit na kunin pa ang DNA niyon.

Hindi lang ngayon iyan, tila iyan na ang pang-apat na pagtatangka nina Heart at Chiz na nabigo, pero hindi naman sila nawawalan ng pag-asa. Malaki nga ang gastos, milyong piso ang kailangan basta nagsagawa ng IVF pero kung makakayanan naman nila ang gastos bakit nga ba hindi nila susubukang magkaroon ng isang anak na talagang sa kanila?

Siguro nga kailangan lamang ng pahinga ni Heart at hindi magtatagal mangyayari rin ang matagal na nilang hinihintay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …