Thursday , June 4 2026
BJ Tolits Forbes

BJ Tolits Forbes malaki ang utang na loob sa teatro

MATABIL
ni John Fontanilla

NAKABIBILIB ang pagiging sobrang husay umarte ng dating child star na si BJ “Tolits” Forbes na napanood namin kamakailan sa stage play na Tatlo Buo at SinaSadasal na pare-parehong sa panulat at sa direksiyon ni Chaps Manansala ng Hiraya Theater Productions.

Tsika ni BJ, malaking bagay sa pagiging mahusay niyang umarte ang teatro, grabe kasi ang training niya sa theater at talaga namang mapipiga at lalabas ang husay mo sa pag-arte.

At sa nasabing dalawanp play ay isa si BJ sa talaga namang umani ng malakas na palakpakan, hiyawan, at papuri mula sa mga manonood.

Kaya naman nagpapasalamat ito kay Direk Chaps dahil binigyan siya ng pagkakataong maging pamilya ng Hiraya Theater Productions.

At simula ngayong Octobre hangang early next year ay magiging abala si BJ dahil lilibutin nila ang buong Pilipinas para itanghal ang mga stage play na Tatlo Buo at SinaSadasal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …